Chapter 10

19K 977 181
                                    

This chapter is dedicated for
Cariagakimberly.

HIREIN'S POV

Nandito ako ngayon sa may cubicle para magbawas.Palabas na ako ng cubicle ng may marinig akong pumasok at may kausap sa phone.

"Ano nang gagawin natin?" Tanong nung nasa kabilang linya.

"Kailangan na nilang mawala dito." Sabi naman nung lalaki. Takte! bakit ba nandito 'yan sa may loob? Girls only lang ang puwede dito.

"Paano natin sila masisira?"

"E, 'di gamitin natin laban sa kanila ang kaklase nilang babae." Agad namang napataas ang kilay ko habang nakakunot ang noo.

"Anong gagawin natin du'n sa babae?" Mukhang problemado talaga 'yung nasa kabilang linya.

"Ako na ang bahala do'n." Pinatay na n'ya ang tawag. Hindi pa rin s'ya lumalabas. Kainis! Narinig ko naman na nagpipindot 'yung lalaki sa cellphone n'ya at siguradong may tatawagan na naman ito. After ten years ay sinagot rin ang tawag. "Sa court n'yo sila papuntahin, kuhanin n'yo na rin 'yung babae."

"Hindi namin mahanap 'yung babae, pare!"

"Ano!? Paanong hindi n'yo mahanap?! Break time ngayon! Hanapin n'yo sa cafeteria!" Sigaw nung lalaki. Ano ba 'yan nakakabingi.

"Pare, wala sa cafeteria. Hindi kasama ng Section Eleven." Agad na nangunot ang noo ko.

So, ibig sabihin ako ang hinahanap nila!

Agad akong napahawak sa bibig ko ng napagtanto ko na ako nga ang hinahanap nila dahil I'm the Only girl of section Eleven. Homaygad!

"Napuntahan n'yo na sa class room nila?"

"Pare, wala din do'n."

"Kahit sa likod ng mga building?"

"Hinalughog na namin ang buong campus, kahit panty ng mga babae hinalughog namin, pero hindi pa rin namin s'ya makita." Gusto kong humalakhak sa narinig ko. Seryoso? Pati panty ng mga babae? Agad kong tinakpan ang bibig ko para magpigil nang tawa.

"Ikaw talaga, puro ka kalokohan." Sabi nung lalaki saka n'ya pinatay  ang tawag. Nagpipindot muli ito. "Wasup, Clint, hawak ko ang pinaka maganda n'yong prinsesa." Ako ba 'yung prinsesa? Taray ha.

Set up!

"Oh? Tapos?" Walang ganang sabi ni Clint.

"Wala ka man lang bang pakialam sa maganda n'yong prinsesa?"

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon