Chapter 9

18.8K 1K 355
                                    

This Chapter is dedicated for
@Princessronielle_10 thank you for always voting to my story:)

HIREIN'S POV

Nandito ako ngayon sa dorm at nakahiga sa kama ko ngayon. Alas dose na pero hindi pa rin ako makatulog, iniisip ko rin kasi kung anong nagawa kong mali para lokohin nila ako ng ganito.

Wala naman.

Habang nakatitig ako sa kisame ay kinuha ko ang cellphone ko at nag open sa face book.

Agad na nangunot ang noo ko dahil pagtingin ko sa friend request ko ay nakita ko ang mga pangalan ng buong Section Eleven.

Hindi na ako nagdalawang isip pa  iconfirm sila. Pero agad akong napangiti ng may naisip akong kalokohan.

Denelete Request ko ang kay Clint.

(Class room)

"Good morning, Hirein!" Agad akong napatigil sa akmang pagpasok ko nang biglang bumungad sa akin ang mga gunggong na nakatayo sa hulihan at may hawak na banner at may nakasulat pa....

Please don't be sad, we're always here to be your clown...

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan na ngumiti. Napatingin naman ako sa isa pang banner na hawak ni Jinjin.

A smile is the beautiful curve of woman's body.... Please smile.

Lalo ko pang kinagat ang labi ko para magpigil na ngumiti. Napatingin naman ako sa banner na hawak ni James..

Keep smiling, because life is a beautiful things and there so much to smile about.

Kinuha ko ang salamin ko na ginagamit ko talaga at tinanggal ang shades ko .Tumingin ako sa kanila at bakas sa mga mata nila ang gulat dahil pugto na naman ang mata ko.

Unti-unti akong ngumiti sa harap nila na ikinangiti nilang lahat maliban kay Clint na naka poker face. Lagi naman.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin nung tatlong isip bata, napangiti ako.

"Always smile, Hirein." Bulong nilang tatlo habang nakayakap sa'kin. Lumawak ang ngiti ko.

"Thank you." Bulong ko sa kanila.

Bigla naman akong niyakap ni Cris. Niyakap ko rin s'ya kahit gusto kong umiyak dahil may naghahanap pa pala sa ngiti ko.

"I'm always here to you, please don't be sad. We're always here." Napangiti naman ako sa sinabi n'ya.

"I can't be happy, but i try." Bulong ko habang naka yakap sa kan'ya, pinipigilan kong maluha.

Natigil lang kami ng pumasok na si Sir Cuballes at nagturo.

Kahit papaano ay nawala ng konti 'yung lungkot ko pero lamang pa rin 'yung hapdi at kirot.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon