Chapter 3

26.4K 1K 85
                                    

Hirein's POV

Isang linggo na akong nag-aaral dito sa Grillian University pero lagi pa rin akong sinasabihan ng mga lalaki kong kaklase na Umalis ka na rito, hindi ka bagay dito, Hindi ka welcome rito. Nangunguna pa nga si James sa pagsasalita sa akin ng ganoon, pero hindi nila ako sinasaktan. Tapos ko na rin linisin ang class room sa loob ng isang linggo at mamayang gabi ang lipat ko sa dorm ko.

Hindi kana puwedeng umuwi sa bahay n'yo dahil may dorm na dito, which is malapit lang ng university pero pag-aari ng paaralan ang dorm. Kailangan mo ng gate pass para makalabas ka ng university.

Pinahatid ko na kila mom at dad ang mga gamit ko, at ngayon nandito ako sa may gate naghihintay sa pagdating, wala pa kasi akong gate pass kaya dito lang muna ako sa loob.

Maya-maya lang ay may tumigil na puting van sa harapan ko, lumabas iyong driver ni Dad, ang ipinagtataka ko rin ay kung bakit hindi sila lumalabas ng van.

Nang makalapit sa'kin 'yung driver ni Dad dala ang mga bagahe ko ay agad ko s'yang tinanong. "Where's mom and dad?" Bungad ko sa kan'ya. Ibinaba muna n'ya yung mga maleta at nagsalita.

"Sinabihan po nila ako na ako na raw po ang maghatid ng mga gamit n'yo dahil aalis daw po sila." Agad na nangunot ang noo ko.

"Aalis?" Tumango naman s'ya. "Saan daw sila pupunta?"

"Mag a-out of town daw po sila." Bakit hindi nila sinabi. At bakit hindi sila tumawag man lang sa'kin at sabihin na aalis sila ng bansa. At hindi ko talaga malalaman kung hindi dahil sa driver ni Dad.

"Nakaalis na ba sila?"

"Kanina pa pong ala singko, kukuhanin ko lang po muna 'yung iba n'yong bagahe." Sabi nito sabay iwan sa'kin.

Wala silang balak ipaalam sa akin na aalis sila?

"Ma'am tulungan ko na po kayong magdala ng mga bagahe."

"Hindi na, ok lang. Makakaalis kana." Sabi ko sa driver. Tumango naman s'ya sabay alis.

Ala singko? Alas otso na.

"Ma'am tulungan ko na po kayo." Sabi ni Manong Guard.

"Hindi na ho, okay lang ho." Sabi ko sabay ngiti. Tumango naman s'ya at bumalik sa puwesto n'ya.

Napabuntong hininga muna ako bago buhatin 'yung mga maleta ko.

Dapat pala nagpatulong na lang ako kay Manong Guard, ang tanga mo Hirein.

Tig-dalawang maleta ang hawak ng dalawa kong kamay. Nasa tapat na ako ng boys building dormitory nang mag-ring ang cellphone ko. Agad naman akong napatigil at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon