Chapter 36

2K 67 3
                                    

Almost 2 months na niya akong nililigawan araw araw at nakakapagtaka iyon, wala na ba itong trabaho sa sa hospital, para bang walang pasyente na naghihintay dito

Naka leave ba ito?

Nagresign?

O nawalan ng trabaho

Sa loob ng halos dalawang buwan na iyon ay kitang kita ko ang effort niya, hatid sundo niya ako kapag papasok sa UNICOS palagi niya rin akong benebaby kapag tumutulong siya sa UNICOS, sa  mansyon na din ako ni papa umuuwi, ibenenta ko na ang condo unit dahil hindi ko na ito nagagamit.

He is learning to cook, everyday he cooks my breakfast, minsan ay dinner na din at nag-iimprove na siya.

Kulang na lang ay dito na siya tumira dahil araw araw ay nandito siya simula umaga at gabi na kung umuwi

Every morning ay may isang stem ako ng sunflower, kung hindi naman ay baby breath ang nandoon

Walang palya rin kung magpakilig kaya lalo akong nahuhulog

He is trying to act like a real man pero minsan ay nadudulas ito at bumabalik ang pagkabakla nito sa katawan

Kagaya na lang ngayon, nagpresenta siya na ayusan ako, bumili pa talaga ito ng makeups  nakikinita ko na, na branded lahat yun at siguradong mahal, maayos na nakalagay sa professional make up bag, at talagang sealed pa ang mga packaging ng products

Malantik ang mga daliring pinapasadahan nito ang mga lipstick at talagang nagiisip kung alin ang gagamitin

Nakaharap ako sa salamin habang siya ay nakakunot ang noo na nakatingin sa make up na binili niya

Umupo naman ako ng tuwid ng simulan na nito ang pagpapahid ng kung ano ano sa mukha ko, sinusunod ko lamang ang sinasabi nito na gawin ko

"Huwag ka kasing malikot! My gosh! Ang hirap mong ayusan"  he groan pero pinagpatuloy pa rin ang ginagawa

Naglagay ito ng kung anong powder sa mukha ko gamit ang brush, kasunod ay naglabas ito ng contour stick at dahan dahang nilalagyan ang mukha ko ng mapaatsing ako

"My god! Autumn!"  Natawa ako ng makita ang prustasyon sa mukha nito,  gumuhit pala ang contour mula sa pisnge pataas sa noo,

Mabilis na inabot nito ang makeup remover ang at tinanggal ang nilagay niya sa mukha ko.

"3 years old ka ba? Batang walang muwang?" He hissed

"Stay still! Wag ka ng malikot, nakakainis ka" inis ito pero naroroon pa rin ang gentelness kong paano ako nito asikasuhin kaya lalo akong natawa

"At nagagawa mo pa talagang tumawa bruha ka, gusto mong kalbuhin kita?" inisprayan nito ng mist ang mukha ko na ikinangiti ko

"Hmmp! Pasalamat ka dahil mahal kita kung hindi! Hmmp!" Gigil na ito "kukutosan talaga kita!" Tumayo ako kaya napaatras ito

"Yumuko ka parang ganito" nagbow ako sa harap nito

""What?"

"Bow your head like this" at mas yumuko pa ako, na para akong japanese na tao na nagbibigay galang, nangungunot man ang noo ay ginaya nito ang ginagawa ko

"More baba pa" umangat ang tingin nito at sumimangot pero sinunod ang gusto ko

"More"

"Pag ako pinagtitripan ko sasabunutan talaga kita"

"Baba pa kasi"

"Eto ba nga masakit na sa likod ha"

"Perfect!" Lumapit ako dito at idinikit sa dibdib ko ang ulo habang yakap ko iyon

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon