chapter 13

2.1K 76 30
                                    

"Chef! Badtrip ka?" saad ni JL ng makapasok ako sa kusina ng UNICOS

"Chef! Bagong style?" tanong ni Aileen pero hindi ko siya pinansin

"Chef nagpalit ka ng pabango? iba ang amoy mo kesa noong nakaraan" tanong ni JL na nakasunod na pala sa akin

Inamoy ko ang sarili ko, wala namang pinagbago

"Guni guni mo lang yun, get back to work"

"Yawa galit si chef" bulong pa ni Aileen

"Awit! Badtrip nga!" nagkapanabay pa sila ni Aileen pero hindi ko sila pinansin.

Inabala ko ang sarili ko sa pagluluto sa UNICOS ayaw ko muna isipin ang nangyare kanina, buong akala ko ay kaya ko siyang landiin kapag lalaki na siya mali pala ako, ako ang mas naapektuhan sa pagitan naming dalawa.

Kahit anong gawin ko ako ang hulog na hulog, hindi pa man nagsisimula ang laro talo na ako.

I fell hard really hard.

Mukhang mahhirapan akong bumangon.

"Chef your spacing out" napalingon ako ng magsalita si Rico sa katabi ko.

"Bakit? may kailangan ka?"

"Wala naman Chef, I just wondered kung mahihiwa nyo yang hinihiwa mo" ngumuso pa ito sa ginagawa ko

"Oh God! sorry" ngumiti lamang ito sa akin, natataranta naman akong binigay kay Elijah ang spatula na kanina ko pa pala hinihiwa.

Buong maghapon ko inabala ang sarili ko sa loob ng opisina, nag space out na naman ako sa kusina kaya inako na lahat ni Rico ang mga gagawin.

Lalabas na sana ako ng opisina ng marinig kong nagkakagulo sa labas

"Ikaw na kumatok badtrip si chef"

"Uy Aileen ikaw na, babae ka e"

"Luh ba't ako kayo nalang, ayako mawalan ng trabaho

"Elijah ikaw na baka mapa amo mo si Chef"

"Tigilan mo nga ako JL ang ingay mo"

"Rico ikaw na close naman kayo ni Chef"

"Puta, babae ka ba? Bakit ka putak ng putak?"

"Wow Rico nakakahurt ka ng feelings ha eto na I shut up, init ng ulo, gaya gaya pa kay Chef"

Ilang minutong katahimikan ng nagsalita muli si JL

"Ano? Katukin nyo na kasi"

"Kung ikaw kaya gumawa, atat na atat?" Si Aileen

"Kasi naman,sige na Rico, katukin mo na"

"Maghintay ka lalabas yan pag gusto nya"

Napatigil si JL sa pag tatantrums ng buksan ko ang pintuan

"Chef! Long time no see" bati sa akin ni Elijah na nakangiti sa akin.

"Chef kumusta ang pag muni muni sa loob?" siniko naman ito ni Aileen kaya nanahimik ito

Tumikhim muna ako bago magsalita

"Bukas hindi muna natin bubuksan ang UNICOS da-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng sumabat si JL

"Bakit naman Chef, sayang customer bukas"

"Kasi ng-" hindi ko na naman natapos dahil nagsalita na naman ito

"Mukhang alam ko na Chef may pa outing ka ba?" napasuntok pa ito sa hangin

"Oo meron tayong outing per-" hindi ko na naman natapos dahil nagsalita na naman ito

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Where stories live. Discover now