Chapter 18

2.1K 76 13
                                    

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod ko ang bagong upload na vlog ni Zephyr, talagang may saltik ang kaibigan kong yun, nagawa pang landiin ang batang si Baste

Child abuse ang bruha!

Suot ang white off shoulder na maxi dress, na may red floral na design ng pumasok ako sa UNICOS

"Wow! Chef boss, san ang beach?"

"Wag ka na magtanong, sigurado naman na hindi ka kasama"

"Aray ko naman Aileen!" hila hila kasi ni Aileen ang kanang tenga ni JL

Matapos i-check ang laman ng mga bagong deliver na wet and dry ingredients ay sinimulan ko ng maghanda ng Tuna Fish Salad Sandwich at crisps

Naghanda din ako para sa staffs ko at isa isang pinuntahan at binigyan ang bawat isa, bago nagpaalam at umalis

"Ate Aileen ang swerte ng mapapangasawa ni ate Autumn nu" habang nakangiting nakatitig at nakatanaw sa papalayong bulto ng amo

"Bakit mo naman nasabi iyon Baste" sagot ni Rico habang nanunuod sa ginagawa ng batang empleyado ng UNICOS

"Oo nga, ok na sa'kin kahit si Mam Margaux o kaya si Idol Zephyr man lang ang mapangasawa ko"

"Sige, mangarap ka lang, kasi hanggang doon na lang yun"

"Kahit kailan epal ka talaga Aileen"

"Napakabait po ni ate Autumn, maganda, ma-alaga, malambing, palagi po siyang nakangiti, at ma-asikaso bonus na po yung sobrang sarap niyang magluto"

"Crush mo si Chef Boss! Isusumbong kita"

"Naku hindi po, palagi ko pong pinagdarasal gabi gabi na sana pansinin na siya ng lalaking gusto niya" nakangiting ginulo ni Rico ang buhok ni Baste

"Matanda na yun kaya na niya ang sarili niya" sabi ni Rico at mas lalo pang ginulo ang buhok ni Baste.

Mainit na nga ang ulo ko nakikisabay pa ang init ng araw, lusaw na naman ang make up ko, bigla na lamang umusok ang bumper ng taxi na sinasakyan ko kaya naman naisipan ko na maglakad nalang, ilang metro na lamang at nasa harap na ako ng hospital

"Future asawa! " malakas na tawag ko ng makita ang pamilyar na bulto ng katawan sa kabilang dulo ng pedestrian lane,

Sa kagustuhan na mayakap siya kaagad ay patakbong tumawid ako ng kalsada,

"Future ko!" tawag ko at mas binilisan pa ang takbo

Parang biglang nag slow mo ang lahat at bigla akong nabingi sa lakas ng busina ng mga sasakyan

Mariing nakapikit ang mga matang napayuko ako kasabay ng pagtakip ng aking tenga hinihintay ang pagbunggo ng sasakyang iyon sa aking katawan

"Hoy! Babaeng bruha kung gusto mo magpakamatay talon ka sa building, hindi yung dito sa kalsada may maaabala ka pa"

"Future asawa, galit ka ba?" hindi ko magawang tumayo dahil nangangatal ang aking mga tuhod

"Hindi, tuwang tuwa pa nga ako e, lagi nalang bongga ang entrance mo, laging may pasabog!" sarcastic na sabi pa nito

"Sorry po love"

"Yuck! Tumayo ka diyan" sinunod ko naman ito at parang batang yumakap dito

"Bata ka ba? Hindi ka ba naturuang tumingin sa kanan at kaliwa bago tumawid? Hindi ka ba marunong magbasa ng stoplight? Red for stop, Green for go and Yellow warning na malapit ng magred light?" sunod sunod na tanong nito

Dahan dahan kong tumingala hindi alintana na nasa gitna pa rin kami ng kalsada

"Sabi mo hindi ka galit"

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum