chapter 14

2.1K 75 25
                                    

Everything went smooth ng magtrabaho si Esteban a.k.a Baste sa UNICOS at masasabi ko na magaling siya, mabilis kumilos, at may talento rin siya sa fruit carving.

Madali rin siyang turuan at matuto, sa isang linggo niyang pagtatrabaho sa UNICOS ay isa na rin siya sa binabalik balikan ng mga kabataan na mahilig mag post sa social media.

"Aileen sino mas gwapo samin ni Baste"

"Tinatanong pa ba yan? malamang si Baste"

"Sugar mommy pala ang gusto mong maging Aileen"

"Awit ka Aileen" sabat ni Elijah na naiiling sa pang aasar ni JL

"Awitized" sabay tawa ng malakas ni JL

"Hayaan mo sila Baste, wag na wag kang lalapit sa isang yan, baka maging mukhang kulugo ka rin" ingos pa ni Aileen habang masunuring tumango lamang si Baste

"At ikaw naman doon ka magpunas ka ng bintana ng may silbi ka naman" baling nito kay JL

"Opo sugar mommy"

"Gusto mo tamaan sa 'kin?"

"Pwede pero depende" 

Hinayaan ko na lamang magbangayan ang dalawa tinawag ko si Baste at binigyan ng gagawin bago dumeretso sa ospital.

Nang makapasok ako sa ospital ay dumeretso muna ako sa restroom para mag retouch, nag-apply muna ako ng liptint sa labi at sa cheeks, inayos ko ang suot ko ngayon na V neck kong romper,umikot muna ako sa harap ng salamin bago lumabas ng restroom

Pagkalabas na pagkalabas ko ng restroom ay may bumangga sa mukha ko

De javu?

Pag-angat ko ng mukha ay isang gwapong doktor ang nasa harapan ko, at dahil kaka-apply ko palang ng liptint ko ay nagstain iyon sa kaliwang bahagi ng dibdib nito.

"Doc! sorry po, hindi ko po sinasadya may wet wipes po ako dito punasan po natin" natatarantang sabi ko

"No miss it's ok, maganda naman ang kinalabasan ng mark ng labi mo sa shirt ko" kumindat pa ito, pamilyar siya

Pero kahit gwapo ito ay hindi ko maramdan ang kilig at atraksyon kapag si future husband ang kaharap ko.

Alanganin ko itong nginitian bago sumagot

"Sige po, Doc mauna na po ako" iniisip ko parin kung saan ko siya nakita

"It's Wilson just call me Wilson" hindi ko  ito pinansin 

"Autumn magtatampo na talaga ako, hindi mo ako na-aalala?" nangungunot ang noo na hinarap ko ito

"Wilson Mangubat your friend duh!" pagpapakilala nito sa sarili

"Wilson! ang kaibigang kong bi-sexual!" 

"Sige i-broadcast mo pa! kinalimutan mo na ako, ako lang naman ang tropa mo nung highschool" humawak pa ito sa dibdib na para bang nasasaktan

"Let's catch up, pero hindi muna ngayon may work pa ako" yumakap muna ito sakin 

"Amoy honey peach ka pa rin"

"Bakit nag e-expect ka bang ibang amoy?" tumawa lamang ito sa sagot ko at nagpaalam na

"Sige po Dr. Wilson" ngumiti muna ako rito at kumaway bago umalis

Agad kong inagaw ang pansin ni Cutie mula sa information desk

"Cutie may compact mirror ka?" Tanong ko sa secretary ni future husband na cute

Inabutan naman ako nito, nag apply ulit ako ng liptint at ng makitang maayos na ang itsura ko ay ibinalik ko na ang salamin kay Cutie.

"Future husband hello!, lunch mo" masiglang bati ko rito habang itinataas ang bento lunch box na ginawa ko,bahagya lamang nito akong sinulyapan

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon