chapter 8

2.2K 67 13
                                    

Nakatulalang nakatitig ako sa pinto ng cubicle ng ospital.

Sa dinami-rami ng pagkakataon bakit ngayon pang hindi ako maganda at hindi rin ako mabango

Kung kailan naman na mukha akong dugyot saka ako napadpad dito

Mahabaging malunggay!

Hindi talaga nakakatuwa ang araw na 'to

Masama man ang loob ay pinilit kong lumabas ng cubicle at masamang tingin ang ipinukol sa aking repleksyon sa salamin

Gaya ng inaasahan burado na ang look na pilit kong inachive kaninang umaga, magulong buhok, tuyong pawis at amoy alamang na hininga

Mabilis kong inayos ang sarili ko at lumabas ng restroom.

At lumabas ng ospital, pansin ko agad ang makulimlim na kulay ng langit at mga tubig na naipon sa mga lubak ng kalsada dahil sa patak ng ulan, mabuti na lamang at kanina pa tumila ang ulan,

Hindi ako mababasa wala pa naman akong dalang payong.

Napatingin ko sa repleksyon ko sa tubig mukhang maganda itong pang instagram.

Umupo ako at akmang kukunan ng litrato ang sarili sakto namang may repleksyon rin ng eroplano kung kaya pinuwesto ko ang aking kamay na wari'y inaabot ko ang eroplano saka ko ito kinunan ng litrato.

Mabilis kong tiningnan ang litrato ng isang malamig at maraming tilamsik ng tubig na galing sa lubak na kinukunan ko ng litrato ang tumama ang sa mukha at halos buo kong katawan.

Dahil iyon sa itim na Ducati 1198 na motorsiklong dumaan, na hindi manlang ako pinansin at tuloy tuloy na pinaharurot ang motorsiklo nito.

Ano to?! Hit the the water then run?

Sakit mo sa bangs! Kung sino ka mang kutong lupa ka

Habang pinapagpagan ang sarili ay patakbo kong tinungo ang maliit na waiting shed sa labas ng ospital uuwe na ako, malapit na kaming maging magkamukha ng mga taong lansangan

Agad akong pumara ng taxi para makauwe na

Alas nuebe ng umaga nagkalat ang iba't-ibang damit sa ibabaw ng kama ko hindi ko mapag terno ng matino ang mga damit

"Masyadong formal ng dating damit na ito para bumisita sa ospital" habang tinatapat ko ang belted dress sa sarili ko sa harap ng salamin inis kong inihagis ulit yun sa kama

"Bagets ang dating" reklamo ko sa tshirt at mini skirt

"Mukha akong ninang sa binyag" puna ko sa white blouse na may ruffle sa laylayan ng manggas nito

Calliope stripe off shoulder dress yun nalang ang isinuot ko, ngayon lang ako naguluhan sa pagpili ng isusuot.

Para akong teenager na ginagawa ang lahat para mapansin ni crush which is totoo naman sa part na gusto kong mapansin ni future husband

Pwede na rin sa misis na hinahatiran ng pagkain ang gwapo nitong asawa

Dumeretso muna ako sa UNICOS para sa briefing ng magiging menu sa araw na yun

Isinabay ko na rin ang paghanda ng lunch ng future husband ko.

Fish burritos, a vegetable salad, some grapes, and berries

Nilagay ko ito sa bento box, gumawa din ako ng buttered shrimp, pork chop and nilagang baboy para rin may sabaw, kung heavy lunch ang gusto ni future asawa

Pang dalawang tao na ang ginawa ko para paraan syempre.

Pakiramdam ko ay isa akong teenager na kinikilig sa isiping makikita ko si crush

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Where stories live. Discover now