chapter 3

3.9K 126 25
                                    

Kirsky p.o.v

"YUCK!!!!! OVER MY DEAD GORDEOUS, SEXY AND BEAUTIFUL BODY!!!!!" higit ang hiningang napabangon ako sa kama ko, napanaginipan ko na naman ang araw na yon, hindi maalis sa maganda kong utak ang pagmumukha ng kutong lupa na yon!

" Oh my geeee!!! Oh my geeee! Ang gorgeous lips ko nalapatan ng lason!!! Wahhhhh mamamatay na ako!!! Wahhhh I need air!!!,, sira ulong bruha yun!" tili ako ng tili, tatlong araw na ang lumipas at gabi-gabi kong napapanaginipan

"Who is that weird girl! Why did she kiss my gorgeous lips. Holy god ang maganda kong lips! Wala na, hindi na maganda ang lips  ko nakuha ng mangkukulam!"nag he-hysterical parin ako as I grab my phone and call my secretary

"Cutie, cancel all my appointment for the week masama ang pakiramdam ko,."

"Yes Doc, copy po"

Sumasakit ang ulo ko .. I need some beauty rest.

Autumn P.o.v

Nagising ako ng maramdaman kong may tumatapik sa braso ko. Kapag ito pangit kakalbuhin ko 'to

"Bessy, I have to go, baka iwanan na ako ni Alex, alam mo naman yun ayaw ng pinaghihintay" I sigh aalis na naman sya wala na naman akong kasama haisst!

"Sige na bessy hatid na kita sa gate baka kung mapaano ka pa!"

"Ang sweet mo talaga friend! Kaya mahal na mahal kita eh"

"Layas na! inaantok pa ako!"

"Kung makapagpalayas ha, bahay ko 'to"

"Bakit? Ang mahal ng gastos ko dito kapag wala ka! Ako ang nagbabayad ng naglilinis linggo linggo" balik kong sagot dito and she just smile

"Do I need to transfer the money?" Inirapan ko lamang ito, sasabog ang bangko kapag nagpatago ito ng pera.

Narinig ko ang busina sa labas badya na nandyan na si Alex

"Hoy! Alex, alagaan mo yang sirenang bundat nayan! Pag may nangyaring masama dyan! Ha-huntingin kita hanggang sa kahuli-hulihan mong hininga!" inirapan lang ako nito at pinaharurut ang sasakyan papalayo sakin

"Abat tingnan mo yun kinakausap ng maayos tapos lalayasan ako! Bastos ang ugali BWISIT!" sigaw ko sa papalayong kotse as if naman na maririnig nya

Bagsak ang balikat na lumabas ako ng clinic ni future husband ko, bitbit ang lunch box na dapat ay tanghalian sana naming dalawa.

Tatlong araw na simula ng ma-meet ko si future husband ko... at ngayon ko na sana sisimulan ang plano, kung paano ko sya mapapaibig sa alindog ko... kaso wala sya! Nasa bakasyon daw. San naman kayang lupalop ng earth nagtungo si future husband

Nanghihinayang na inilapag ko ang lunch box sa mesa ng condo ko....

"Maraming nagugutom, hindi dapat mag-aksaya ng pagkain" agad naman akong napalingon

"Oh, anong ginagawa mo dito Margaux? " tanong ko rito, hindi ko manlang ito napansin sa loob ng condo ko, sigurado naman na laman ng ref ko ang kailangan niya at hindi ako

"Makikikain, ikaw lang naman ang maraming pagkain eh" sabay bukas ng lunch box na sana ay para kay future husband nalulungkot na naman tuloy ako..

" Bakit nga ba ang dami mo namang pagkain ngayon Autumn... bagong recipe?"

Di ko na sya sinagot dahil pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Kaasar naman kasi si future husband wrong timing eh!

Napabalik ako sa realidad dahil sa malakas na hampas ni Margaux "aray ko naman! Ano bang problema mo? Kung may problema ka sabihin mo lang, tutulungan naman kita eh, sabihin mo na lang hindi yung nananakit ka nalang diyan paano kung makita ni future husband ko na may pasa ako edi nagalit yun."

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon