Chapter 33

2.7K 85 22
                                    


Pagsibak ng kahoy, pag-igib ng tubig, pagsulat ng letters, harana, at dinadalahan ng flowers at tsokolate ang ilan sa mga ginagawa ng mga kalalakihan kapag may sinusuyong babae noong unang panahon. Date sa labas kagaya ng sine, picnic, gala sa mall, gala sa museum, sweet messeges bunos na kapag may flowers at chocolates naman ngayong kasalukuyan.

Ganoon talaga ang alam kong normal na panliligaw at pagsuyo sa babae.

Pakiramdam ko ay sumapi sa akin ang lahat ng inis sa buong mundo ng lumipas ang araw at dalawang linggo ay hindi niya pa rin ako hinahabol

At parang wala nga itong balak!

Papakipot lang naman ako ng konti!

Rurupok rin agad promise.

Huling kita ko sa kanya ay sa Bataan nagising na lamang ako na may taong nakasobsob sa leeg ko, mabuti na lamang at napansin ko ang posas sa kamay ko kaya alam ko kung sino ito

May pahalik-halik pa siyang nalalaman!

Nakabusangot ang mukha ng makarating ako sa UNICOS, pinilit kong abalahin ang sarili sa loob ng opisina, tinatamad akong magluto

Hapon na ng lumabas ako ng opisina, at wala pa rin akong nagagawa, maghapon lamang akong tulala.

Pansin kong walang customer sa mga table. Nagamamadaling pumunta ako sa kusina at walang katao-tao doon. Anong araw ba ngayon? Mabilis ang kilos na hinanap ng mata ang phone ko at binuksan ang app na calendar.

Sabado, at mag-aalas sais na ng gabi madilim na rin sa labas, alam kong half day lang ngayong araw pero hindi sila umaalis ng hindi nagpapaalam sa akin

Nakaismid na naupo ulit ako sa swivel chair sa loob ng opisina ko, nandoon pa rin ang inis sa katawan ko. Nakatulala sa kisame habang iniikot-ikot ko ang swivel chair pero naroroon pa rin ang inis sa buong sistema ko.

"Arghh! Nakakainis!" nagsisipa ako sa kawalan pero nandoon pa rin ang inis ko

Padabog na kinuha ko ang bag at padabog ring sinara ang pinto ng opisina

Pagewang gewang akong mabagal na lumakad, kahit hindi naman ako lasing, at halos mawalan ako ng hiniga ng pasubsob akong nadapa dahil sa may kung anong sumabit sa paa ko

Nang makabawi ay wala sa sariling natawa ako at tumihaya sa lapag

Kahit mahaba nag palda ng dress ko ay lumilis pa rin ito mabuti na lamang at wala ng tao sa UNICOS kaya wala masyadong makakakita, kung nagkataon ay nakakahiya

Inis na dumura dura pa ako dahil sa may kung anong pumasok sa bibig ko, may kung ano roon na hindi matanggal ng simpleng pagdura kaya naman ay kinamay ko na iyon

Nang biglang mamatay ang ilaw ay biglang bumakas ang fairy lights na dumadampi sa mga bulaklak

Doon lamang naggala ang paningin ko, nagmistulang garden ng baby breath flowers ang floor ng restaurant, may mga dandelion din doon kaya naman kitang kita ko pa ang mga lumilipad na buto ng dandelion na dahan dahang bumabagsak na para bang confetti  

It looks magical!

'Legends say's that, if you can blow all the seeds off a dandelion with a single breath, then the person you love will love you back.'

Para bang naulit ang sinabi ni mama sa akin noon, umaasang kumuha ako ng isang dandelion na buo pa rin, at parang bata na naupo sa likod ng aking mga binti

'Love me back my future husband'  piping dasal ko habang nakapikit ang mga mata, hinakot ko lahat ng hangin sa dibdib bilang paghahanda, buong lakas na hihipan ko na ito

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Where stories live. Discover now