Chapter 31

3.1K 86 50
                                    

Mataas na ang araw ng magising ako, masakit ang katawan pero kailangan ko ng kumilos wala ng laman ang pantry ko dahil matagal akong nawala, kailangan ko iyong maprovide, dagdag kita iyon ng UNICOS

Nag-inat ako ng kanang kamay, hindi ko maitaas yun dahil may kabigatan

Nakunot ang noong tiningnan ko iyon, nakailang kurap ako bago nagsink in sa akin na nakaposas ang kamay ko.

Gold iyon at may initial pa

MFW
-Kirsky

Nakaposas ang kanang kamay ko sa kaliwang kamay nito, kung saan naka unan ang ulo ko

Napababa naman ang tingin ko sa bewang ko at doon nakita ang maskuladong braso na nakayakap ng mahigpit sa akin

Dahan dahan kong nilingon ang may ari ng brasong iyon, bumilis ang tibok ng puso ko ng gumalaw ito at isiniksik ang mukha sa batok ko, pakiramdam ko ay nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa parteng iyon

Nasilip ko ang sarili, halos panawan ako ng ulirat ng wala ako kahit isang saplot, mabilis ang tibok ng puso pero maingat ang ginawa kong pagtanggal ng braso nito sa bewang ko, at dahan dahang tumayo sa kama, nakatingkayad na tatakbo na sana ako palabas ng kwarto ng maiwan sa ere ang kanang kamay ko

Nakagat ang labing napapikit ako ng mariin habang tahimik na kinakastigo ang sarili, bakit ko nakalimutang nakaposas nga pala ako

Nanghihinang napa-upo ako sa gilid ng kama

'I dont know why but Im lusting over you Autumn, I want you so bad' tahimik na pinagmasdan ang gwapo nitong mukha, napabuntong hininga na lamang ako ng maalala ko ang sinabi nito kagabi 'lust' hanggang doon na lamang ako

Bakit ba kasi mahal kita

Napangiti ako ng mapait, habang nakatitig sa nakaposas naming mga kamay, sana laging ganito yung ganito tayo kalapit sa isa't- isa yung abot kamay lang kita at para bang hindi tayo maghihiwalay pero nasayo ang susi pwede mo akong iwan kahit kailan mo gustuhin, parang pinipiga ang puso ko, kailangan kong maka-alis sa lugar na ito, ako na ang lalayo

Parang biglang lumundag ang puso ko ng mapadako ang mata ko sa gwapo nitong mukha mulat na ang mga mata nito at nakatitig sa akin, bigla akong nakaramdam ng hiya, wala nga pala akong suot na kahit isang damit

"G-gi-gising ka na pala" pasimple kong tinakpan ang aking mga dibdib, hindi ito nagsalita at nakatitig lamang sa akin na para bang isa akong multo

"Ahm, pwede bang tanggalin mo na ito" itinaas ko pa ng bahagya ang kamay ko kaya naman umangat ng bahagya ang kamay nito dahil sa gintong posas na iyon, pero hindi ito kumibo

Napabuntong hininga na lamang ako na hinila ng paa ang may kalayuang tuwalya sa lapag, ng maabot iyon ay mabilis na tumayo at ipinalibot iyon sa katawan.

Napatili ako ng bigla ako nitong hilahin, sa bilis ng pangyayari ay nakita ko na lamang ang sarili ko na nakahiga sa kama, nasa ibabaw ko ito at mahigpit ang hawak ng kaliwang kamay nito sa pulsuhan ng kanang kamay ko

"Expected ko na, na aalis ka" ngumisi pa ito ng nakakaloko at bahagyang sinulyapan ang dereksyon ng posas "Thanks to that handcuffs hindi ka makaalis"

Tinaasan ko ito ng kilay "Pwedeng pakitanggal ng posas marami pa akong gagawin" naiinis na ako dito pakiramdam ko ay pinaglalaruan nito ang damdamin ko

"Ayoko"

"Ano ba, pinagtitripan mo ba ako?" pilit na inaalis ang kamay nito sa pulsuhan ko

"Wala ba akong morning kiss diyan?" nabubwesit ba talaga ang lalaking ito?

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon