Chapter 34

2.4K 68 6
                                    

Napuno ng kantyawan ang sala habang ako ay nakatulala pa rin at hindi alam kong paano magrereact

"Smooth!" si Nyx na nakipag-apir pa kay Zyair

"Kaya pala pinapauwe na tayo, iba pala ang gustong kainin" tuwang tuwa namang sabi ni Zyair "libre mo na lang ako Nyx, nakakaistorbo tayo sa kainang magaganap"

"Nope, ill stay, ill eat my chicken adobo here"

"Sige na nga ill stay na rin alam ko naman na mas masarap ang sinigang dito, at ikaw naman Flint wag mong kakainin yung magluluto, dahil baka hindi makapagluto yan"

"Fuckers! Get out of my house! You're not welome here anymore!"

Kung mag-usap sila ay parang wala ako dito sa harapan nila, namumula ang mukhang napatungo ako, pakiramdam ko ay wala akong mukha na ihaharap sa kanila

Nakayukong umatras ako at pumunta sa kusina para ilabas ang mga kakailanganin ko, maaga pa naman kaya mamaya ko na sisimulang magluto

Ramdam ko na sobrang mainit ang mukha ko kaya naman pinaypayan ko muna ang sarili gamit ang kamay, ng hindi makuntento ay lumabas ako sa bakuran doon ko lamang nakita ang malawak na backyard at ang purple pool doon

Para akong bata na tumakbo doon, ngayon lang ako nakakita ng purple na pool

"Baby" muntik na akong mahulog sa pool ng may magsalita sa likod ko

"Kirsky?"

"Shhh" nakapatong pa ang hintuturo nitong daliri nito sa bibig "Lets go"

Hindi pa ako nakakasagot ng hinila ako nito papunta sa likod ng bahay, wala namang kakaiba doon pero ng hilahin nito ang secret door sa lupa ay doon ko lang nalaman na may hagdan doon

Sumikdo ang kaba sa dibdib ko

May nangyayare bang masama?

Pinauna niya akong bumaba nangangatog ang tuhod ko sa bawat hakbang ko pababa

Halos mapanganga ako ng makita ang nakahanay na mamahaling kotse sa underground parking lot na yun, may mga motor din doon

"Sayo to lahat?" tumaas ang kilay nito

"Nasabi ko na ba, na marami akong pera? Kung oo, so yeah? Akin yan"

Tumunog ang kotse na ibig sabihin ay bukas na iyon

"May I?" Inilahad pa nito ang kamay sa harap ko

Nagdadalawang isip ako hindi ko alam kung anong nangayyare "Trust me baby, Ill start courting you now" tumingin lang ako sa mata nito "May I?" Ulit nito

Ngumiti ako at inabot ang kamay sa kanya iginiya niya ako sa loob ng kotse

Siniguro muna nito na naka seat belt ako bago ini-start ang kotse

"Paano sina Nyx?"

"Those fuckers can handle themselves" nagtiim ang bagang nito "ako ang kasama pero iba ang iniisip"

Iniwas ko ang tingin dito bago ngumiti, tigilan ang pagiging marupok,

Pakipot me starts now!

Dumaan kami sa isang tunnel na marahil ay parte ng underground parking, pagkalabas namin doon ay palabas na rin kami ng village

Hindi ko ito pinansin ng pagsalikupin nito ang kamay ko sa kanya habang nakahawak din ito sa maneuver gear

Matagal na magkahugpong ang kamay namin at talaga namang nangangawit na ang mga kamay ko pero ng subukan ko itong tanggalin ay mas hinigpitan lamang nito ang hawak doon

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Where stories live. Discover now