Chapter 23

2.1K 66 16
                                    

Nagsama ako ng song sa chapter na ito that's why may video char! I dont know kong alam niyo ang song kaya naman naisip ko na ilagay siya is for you to know po,

Sa may alam ng song you can sing, sa hindi pa play the song po

Enjoy reading beaches!

--







Suot ang orange chiffon flower dress ay nakasandal ako sa hood ng kotse habang naghihintay.

Tapos na ang trabaho sa UNICOS dahil dumagsa ang customers ay napilitan kaming ipagpaliban ang pag-alis

Alas dos na rin ng madaling araw at masyadong malayo ang resort, anim na oras itong byahe kaya naman siguradong pagod na pagod kami sa first day ng bakasyon

Unang dumating sina Rico, Aileen at Baste mabilis ang kilos ng mga ito at inilagay ang mga gamit sa trunk ng six seater na sasakyan ng bessy ko, dahil hindi ko siya macontact,malamang ay kapiling nito ang mga kaibigan ni Ariel the mermaid

Basta ko na lamang itong kinuha sa mansyon niya na walang tao, hindi na ako magtataka kung tirahan iyon ng multo

"Sorry po, wala masyadong masakyan kaya po ako natagalan" tumango lamang ako kay Elijah

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang nagtatagong si JL sa likod ng puno na tinatanaw kami mula sa malayo

"Let's go, mukhang wala na tayong hinihintay" sabi ko at sumakay sa driver seat

Nang makasakay na ang lahat ay natatawang tinanaw kong muli si JL na bagsak ang balikat at aalis na,  nasa leeg pa nito ang inflated na salbabida, halatang handang handa na itong magswimming

"Aileen let me borrow your phone" mabilis naman nitong inabot sa akin iyon, ng  hindi makita ang number ni JL ay binalik ko na ito at pinaandar ang kotse papalapit sa lalaking may salbabida sa leeg

"Get in bago pa magbago ang isip ko" halos madapa pa ito sa pagsakay sa passenger seat

"Tang ina lapag ang mga bente niyo sabi sa inyo hindi ako matitiis nitong si Chef Boss" ngising ngisi pa itong lumuhod paharap sa likod at nakalahad ang dalawang kamay, pigil ko pang mapahalakhak ng magiwas ng tingin si Rico habang nagtulog-tulugan ang iba

"Pambili ko yun ng souvenir eighty pesos rin yun dinuduga niyo naman ako" nakatiim na ang bagang nito na halatang napipikon ng umayos ng upo sa katabi ko

Buong biyaheng tahimik lamang ang mga kasama ko kaya hindi ko maiwasang mapahikab dahil sa pinagsamang pagod at antok

Mag aalas otso na ng umaga ng makarating kami sa beach resort, nanginginat na ginising ko ang mga ito

Unang naalimpungatan si JL na mabilis ginising ang mga kasama

"Rise and shine mga itlog! Mga tulog mantika kayo! Mga wala talaga kayong kwenta, buti nalang nandito ako, paano nalang kung wala ako, edi wala kayong cute na kasama" pinagtatapik pa nito ang mga lalaking kasama  habang pinisil ang pisnge ng natutulog na si Aileen

"Ikaw naman nagsuot ka pa ng sleeping eye mask, tulo naman laway mo, kadiri!" si JL na niyuyug-yog na si Aileen, mabilis naman itong pinalo ng travel pillow ng huli

"Ang agang aga, nakakita agad ako ng pangit! umalis ka diyan" piksi ni Aileen sa kamay ni JL 

Sinenyasan ko si Baste na sumunod sa akin, tumango lamang ito bago sumunod, 

"Sino ang gusto mong kasama sa kwarto?" tanong ko rito habang hindi lumilingon at hinihintay ang susi ng mga kwarto

"Kahit sino po maam" nakatungo na naman ito kung sumagot

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon