Chapter 29

2.6K 85 22
                                    

"Tulala ka na naman, ano iniisip mo?" pukaw ko sa atensyon ni Mitch nakatulala ito sa balkonahe ng bahay ko, sa quezon

"Kung anong pangalan niya" tukoy nito sa batang hawak ko "Ipapangalan ko ba siya kasunod sa pangalan ng tatay niya o hindi?" napabuntong hininga ito at bumalik sa pag tanaw sa malayo

"Ikaw kukurutin na talaga kita sa singit! dalawang linggo ng nakatengga ang pagprocess ng birth certificate ng batang ito" pakiramdam ko ay ako ang biglang nastress

"Wala akong maisip na name, isa pa babae ang pinaghandaan ko" napairap ako sa hangin 

"Edi gawin mong Jr. problema ba yun? ako na magsusulat ha" maingat na nilapag ang bata sa gitna ng kama, naghanap muna ako ng ballpen  bago tinungo ang lamesa kung asan ang papel

"Oh bat nasayo yan?" tukoy ko sa papel " Akin na ako na nag magpapangalan" hinihingi ko na ang papel dito

"Ako na lang, ang bantot ng Jr. halatang hindi pinagisipan" 

"Hiyang hiya ako sa nagiisip daw" tinalikuran ko na ito para bumaba at magluto ng hapunan, balak kong magluto ng devil eggs since it is good source of protein, Shrimp and Oats with Miso for her milk supply boost, Beet Salad for her to  help fight inflammation, improve cell structure and provide iron and lastly Pistachio Pesto Pasta I've read that this is great for new moms. It contains raw garlic, which is great for boosting immunity as well as good protein from high quality cheese and nuts.

Good thing na isa akong Chef hindi pressure sa akin ang magluto ng sabay sabay

"Autumn!" muntik ng lumipad ang hipon na nililinisan ko sa sigaw nito

"Bakit?! why?! what happened?!" natatarantang nilapag ang hipon sa sink ng patakbo itong pumunta sa harap ko.

"Read it" inabot nito ang papel sa akin

'Alistair Vaughn Lewis' iyon ang nakasulat sa birth certificate "Mali naman eh, ang pangit" 

Nangunot ang noo nito at pinakatitigan ang pangalan " Maganda naman ah, bagay sa anak ko, pangalan pa lang gwapo na"

"Alistair Vaughn Lewis Moreau kasi yun" I teased her na kinalaki ng mata niya 

"Ang pangit! Lewis na lang, maganda ang tunog" 

"Kahit anong gawin mo, Moreau yan" at tumawa pa ako ng malakas na bumalik sa ginagawa

"Pssh anyways we can call him Orion" nakangisi pa ito

"Igagaya mo pa ang anak mo sayo, ang layo ng pangalan sa nickname, saang banda kaya matatagpuan yung Mitch sa pangalang Tiffany Morela? tapos yung anak Alistair Vaughn asan doon yung Orion? Pa mental ka na!"

"Lols, pagmomove-on ang gawin mo"

"Nagsalita ang nakamove-on na" balik ko dito "opps, sorry" napahagalpak ako sa sariling tinuran 

"Ikaw na babae ka, isasama kita sa kasarimlan ko" masama na tiningnan ako nito

"Edi wow" sagot ko habang nagmamartsa ito papaakyat ng second floor.

Kumusta na kaya siya? Naiisip niya kaya ako? Nakakakain kaya siya ng maayos? Napabuntong hininga ako habang pinaglalaruan ang susi sa sariling kamay

"Mamà hindi na siguro ako magpapakasal" mapait akong napangiti

Wala na akong maipagmamalaki sa mapapangasawa ko, hindi na ako birhen

Napabuntong hininga ako at mabagal ang lakad na tinungo ang ibabang parte ng bahay, ang lugar kung saan nanahi si mamà

My mom loves customizing her things, kung hindi ko lamang kilala si mamà ay aakalain kong galing siya sa ibang mundo

The key have a cresent shaped raw fire opal, na napapalibutan ng dragon na purple musgravite habang ang dulo ng dragon ay nakapalibot sa mahabang gold shaft ng susi

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon