Chapter 17

2.1K 77 11
                                    

Hindi mapigilan ang ngiti kong lingunin ko ito, nakakuyom ang kamao nito habang masama ang tingin sa likuran ko.

"Anong sabi mo? Pwede bang paki-ulit"

"Huh? May sinabi ba ako?"

Ngiting tagumpay kong hinagis ang bag ko kung saan, at kahit masakit ang paa ay mabilis ko itong tinakbo at tumalon para yakapin ito, iniyakap ko ang braso ko sa leeg nito habang ipinulupot ko ang mga binti sa bewang nito

"Oh my gosh! dream come true! boyfriend na kita!" humiwalay ako ng yakap dito at hinalikan ito sa noo

"Hmmp! mapagsamantala kang bruha ka! sabunutan kita eh"

"Ako na nagsasabi sayo mahal kong future asawa, mamahalin mo rin ako" abot tenga ang ngiti ko na para bang nanalo sa lotto

"So anong feeling ng crush mo noon, jowa mo na ngayon" sabi naman ni Zephyr habang inaayos ang ring light nito sa harap ni Baste balak nitong i-feature sa vlog ang skills ni Baste

"Ahm, wala masaya, sobrang saya" nakangiti kong tugon dito

"Namnamin mo ang saya na yan, crush mo noon, jowa mo ngayon then break up soon"

"Nega mo, basta ako papa-ibigin ko ang future husband ko na naligaw ng landas"

"Ikaw bahala, basta wag kang iiyak samin after 1 month"

"Support support din minsan zipper" hindi na ako nito pinansin at sinimulan ang intro sa vlog niya

Sarado ngayon ang UNICOS dahil nandito si Zephyr hindi man ganoon karami ang tagahanga nito pero sapat na iyon para makilala siya ng mga tao

Sino bang hindi sa lakas ba naman ng trip nito sa mga vlogs nito, napagkakamalan tuloy na sira ulo, ipinakonsulta ko na ito kay Margaux, normal naman daw si Zephyr, napapaisip tuloy ako kung bias tong si Margaux.

"Aileen tingnan mo nga kung maayos na ang itsura ko" tanong ni JL habang sinipat ang sarili sa maliit na salamin

"Mukha ka pa ring kulugo"

"Kunwari ka pa, alam ko naman na type mo ako" habang inaayos ang buhok

"Bakit parang biglang lumakas ang hangin?"

"Guni-guni mo lang yun, wag mo na kasing itanggi na crush mo ko"

"Kakacream stick mo yan, imagination mo ang limit"

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na choco choco yun"

"E di wow"

"JL huwag mo ng asarin si Aileen ayusin mo na lang yung mga halaman sa labas"

"Chef boss wait lang, exposure din sa vlog baka ma spottan ako"

"Susunod ka o susunod ka" nginitian ko pa ito

"Opo Chef boss susunod po ako, wala naman po akong choice" laglag ang balikat na sumunod ito sakin, ng makalabas ay tinawag ko si Zephyr

"Zipper! pakita mo mamaya lahat ng staffs ko ha" kinindatan ko pa ito

"Makapag-utos vlog mo?"

"At grabe kung sumagot restaurant mo?"

"Oo na basta libre pagkain"

"Kelan kita pinagbayad?"

"Oo nga nu, sige na po kamahalan gagawin ko po gusto niyo" pabirong umikot ang mata nito pinagpatuloy ang pag vlog nito

Eksaktong pagkahawak ko ng phone ko ay nag ring ito, hindi pa ako nakakabati ng bigla itong nagsalita

"Ano gusto mo kainin?" di ko mapigilang mapangiti

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon