Chapter 20

2.3K 89 31
                                    

Am I dreaming?

Halos maduling ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa, mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa mukha niya

Sulitin ang panaginip!

Napa atras ako ng biglang magmulat ito ng mata at mabilis na kinubabawan ako

Bakit ang sakit ng ulo ko?

Napa wal wal ba ako?

Hangover?

"Future husband ganto pala talaga epekto mo sa akin nakakahilo" umiikot talaga ang paningin ko 

" Teka lang nahihilo talaga ako" mabilis itong umalis sa ibabaw ko

"Future husband? Asan ka na? Saan ka pupunta, pwedeng pwede mo akong landiin kahit masakit ang ulo ko"

"Gaga, ang agang-aga ha, o tubig ng mahimasmasan ka na naman" takang kinuha ko naman ang tubig at inilibot ang tingin sa kabuuhan ng lugar, halos masamid ako ng makitang, nasa kwarto ako nito sa hospital

Pasimple kong tiningnan ang damit ko, red halter crop top, nakakapanghinayang naman akala ko wala na akong damit e,

Landi!

"What's with look?"

"Anong oras na?"

"Ang laki ng wallclock ko o" sabay lahad ng kamay sa dereksyon ng wallclock nito

"Ah, 1:00pm" tingin ko sa wallclock nito

"May digital clock pa ako, paki appreciate naman tsk"

"Teka, bakit am dito sa digital clock mo?"

"Hindi mo ba alam ang ante meridiem? means am, before midday? In short umaga hindi gabi, morning hindi evening, may sunrise at hindi sunset duh~"

Hindi ako makasagot, umaga na? 

Hindi pa ako nagtatanghalian

Ano bang nangyayare

"Tulala? Walang masabi? Hindi naturo sa school niyo?"

Mabilis akong tumayo at bitbit ang bag na lumabas ng kwarto,

"Hoy! Babaeng bruha saan ka pupunta? Walang suklay suklay? Madaling araw palang haler~"

Rinig kong sabi nito hindi ko na ito pinansin, gusto kong kumain

Napatigil ako dahil delivery nalang ang pag asa ko, pero natatamad ako magpadeliver

Wag na nga!

Padabog akong bumalik sa opisina niya at mabilis ang lakad na tinungo ang kwartong iyon

Pasalampak akong umupo sa paanan ng kama kaya naman naging dahilan para magising ito

"Ikaw na chanak ka, kung ayaw mong matulog magpatulog ka"

"Future husband nakakapagtaka lang paano ako nakatulog?"

"Pinikit mo ang mata mo simple as that! My God!" at nagtalukbong ito ng kumot

Wala pang isang minuto ay nagbago ito ng posisyon, paulit-ulit itong nagbago ng posisyon hanggang sa bumalikwas ito ng bangon at ginulo ang magulo na nitong buhok

"Halika dito"

"Ha? Bakit? Wala akong ginagawa behave lang ako dito promise" nakataas pa ang kamay ko na para bang nanunumpa

"Halika na kasi dito, dami pang sinasabi e" inis na ginalaw galaw pa nito ang sariling binti

Nangungunot ang noong lumapit ako dito, nang makalapit sa tabi nito ay umayos ito ng higa, napataas ang kilay ko ng tapik tapikin nito ang kama

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora