Chapter 22

2.1K 83 24
                                    

Matapos ang insidente sa mall ay hindi na muli pa kaming nakapagusap pa ni future husband, gusto ko siyang puntahan sa ospital pero tambak ang trabaho sa UNICOS

Dumadagsa ang mga customer kaya naman hindi ko sila maiwan

Sa sobrang dami ay nauubusan kami ng ingridients, mabuti na lamang at nagagawan ito ng paraan

Buong linggo kaming batak sa trabaho kaya naman naisip ko na sa darating na lunes ay mag a-outing kami, masyadong  nakakapagod ang isang linggo na tadtad kami ng trabaho

Hapon na at tapos na ang pag inventory at pagdating ng deliveries ng mga ingriedients para bukas, binabalak ko rin na kalahating araw ko lamang bubuksan ang UNICOS at ang matitirang pagkain ang dadalahin namin sa beach resort sa batangas

Tinawag ko ang atensyon ng lahat, at naupo kami sa isang round table tahimik ang lahat hinihintay ang sasabihin ko

" So ahm, thank you for your hardwork, I am thinking na magtake muna kayo ng break masyado na tayong batang batak sa trabaho this past few weeks, so I'm thinking na-"

"Sisisantihin mo na ba si Baste Chef Boss? So ako na ulit ang cute? Sorry pre" tinapik pa nito ang balikat ni Baste na agad namang dumaan ang takot sa mata nito

"Tayo nga diba ibig sabihin plural, marami, two or more tsk! bobo" agap ni Aileen

"Bobo amputa" nakasimangot na si Elijah sa sulok habang si Rico ay nakikinig lamang ganoon rin si Baste

Kaya naman ng maabot ko ang tissue box ay mabilis ko itong ibinato sa mukha ni JL

"Chef Boss! Kayong mga amo namin, akala nyo pag nangtatanggal kayo ng trabahador... Nasasaktan niyo lang kami? Mangsisisante kayo... Tapos ini-expect niyo... Iiyak lang kami? Itutulog lang ang sakit tapos pag gising okay na!!?

Yun ang pangarap namin... Sana nga ganun lang kadali yun... Pero hindi.. Walang tigil ang takbo ng utak namin... Pinipilit sagutin ang maraming tanong..Bakit niya kaya nagawa yun? Am I not cute enough? May kulang ba sakin? May mali ba sakin? Panget ba ako? Panget ba ang serbisyo ko? 

Kapalit-palit ba ako?"

"Huh? No?! ano bang sinabi mo?" naguguluhan ako sa sinasabi nito? 

"Then why? Bakit mo kami sesesantihin?"

Mabilis na binatukan ito  at binusalan  ni Aileen "Saang pelikula mo na naman napulot ang mga pinagsasabi mo? kulang ka ba sa tulog? Lasing ka ba? may amats ka ata e" 

Nang nagpupumiglas ito at pinipilit na alisin ang pagkakabusal niya ay nagsalita na ako

"Nagpareserve na ako ng rooms, and cottage sa isang Beach Resort, ako ang magbabayad ng lahat all I want is sumama kayong lahat, pero ngayon pinagiisipan ko na kung itutuloy o hindi, madali lang naman ipa-cancel ang reservation sa beach resort na iyon, o pipili na lang ako ng isasama" makahulugan kong tiningnan si JL

Madali naman nitong natanggal ang pagkakabusal ng bibig

"Chef boss, nagbibiro lang naman ako" akward pa itong tumawa, ikinawit pa nito ang braso sa braso na animo'y bata na naglalambing "Sama ako Chef Boss, kayo din wala kayong cute na kasama" pananakot pa nito, kitang-kita ko pa ang pag ikot ng mata ni Aileen

"Hoy Aileen! ano na namang problema mo ha! at may pag-ikot ng mata ka pang nalalaman?"

Hindi ito pinansin ni Aileen bagkus ay may binulong sa tatlo nitong katabi, kasabay ang paghagikgik ng mga ito

"Binabackstab niyo ba ako?" naghihimutok pa rin si JL sa katabi niya

"Okay!" pumalakpak pa ako para, tawagin ang atensyon ng lahat "Everyone, Let's get back to work, tapusin na natin ang kailangang tapusin para makakapaghanda pa kayo ng mga dadalhin niyo for the outing and you Baste sumama ka sa akin may pupuntahan tayo" mabilis naman ang naging kilos nito 

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Where stories live. Discover now