Chapter 30

3.2K 96 53
                                    

Sa sobrang dinami-rami ng  suggestion ko para sa binyag ni Orion, nauwi pa rin kami sa beach theme, napaisip tuloy ako kung shokoy ang tatay ni Orion.

Punong puno ng iba't-ibang shade ng kulay asul ang buong paligid, mula sa combination ng mga balloons, sa mga table skirting at sa mga pagkaing nakahanda, bilang na bilang ang mga sea stars na kulay silver na mas nakapagpadagdag ng ganda ng backdrop.

Nakahanay ng maayos ang mga giveaways na sea anchor inspired sa mesa, ganoon rin ang mga macaroons na sea shell shape, at ang iba naman ay may design na kabibe at suso sa ibabaw.

Tinapik ko ang kamay ni Margaux ng balak nitong kumuha ng cake sa table

"Ano" angil nito sa akin

"Hayaan mo namang buo sa picture yung cake"

"Matatakpan rin naman natin sa picture kaya hayaan mo na ko" ayaw pa rin nito papigil at talagang kumuha pa ng cake server " Doon ako sa bandang likod kukuha para hindi halata" sumusukong inabutan ko ito ng cake knife at hinayaan na lamang ito

"Smile kayo sa Vlog ko" malakas ang boses ni Zephyr na panay ang kuha ng litrato at video sa buong lugar

"Wag mo i-uupload yan" nagsign naman ito sa akin ng 'okay sign' habang ibinuka ang bigbig na nagsasabi ng 'okay okay' para hindi siya marinig sa camera

"Hoy, Ariel the mermaid lima lang naman tayo? plus si Orion so anim na, bakit pang isang barangay yung handa?" namumuwalan pa si Margaux habang itinatanong iyon kay Mitch

"Alam ko namang nagdala ka ng tupperware at plastik labo kaya hindi masasayang yan" at malakas itong tumawa na ikinalaki ng mata ni Margaux 

"Hindi ako ang nagdala ng mga iyan" turo sa disposable tupperwares sa tabi ng bag niya "Iyon ang dala ko" turo sa apat na rectangular glass tupperwares sa mesa na punong puno ng laman, at may nakapatong pang sea anchor na souvenir sa binyag ni Orion 

"Seryoso ka ba? may pinapalamon ka pa ba bukod sa sarili mo?" si Zephyr iyon na hindi makapaniwala, kung tutuusin ay pang sampung tao iyon sa isang kainan, pero kaya iyon ubusin ni Margaux ng isang upuan 

"Kulang pa nga yan e, wala pang dessert" sabay nguso nito sa macaroons at cake sa mesa, malapit sa backdrop

"Hindi ka na nahiya sa bininyagan para sa kanya yung handa" tinapik pa ito ng malakas ni Zephyr

"Bakit ako mahihiya e wala pang kamuwang muwang yun, ni hindi yun makakakain ng handa niya nu"

"Mahiya ka manlang sa bumili ng handa" si Jack yun na may kinakain na chicken lollipop

"Bakit nga kasi ako mahihiya e talaga namang makapal tong mukha ko, kayo rin naman" isa isa nitong pinagtuturo ang lahat ng tao sa loob ng bahay, maliban kay Mitch "Huwag kayong mga plastik" at kumagat ito ng Stevenson's Pizza, sarap na sarap na sunod sunod nitong kinagat ang pizza tumatango tango pa ito habang ngumunguya, napatigil ito ng mapansin nasa kanya ang lahat ng atensyon naming lahat

"Ano?" ngumunguya nguya pa ito "Alam niyo kung naiinggit kayo, feel free na kumain, ang pagkain ginawa para kainin hindi para i-display" inilahad nito ang kamay sa dereksyon ng mga pagkain na para bang pinepresenta yun "Pumunta kayo dun at kumuha ng pagkain, libre yan, wag na kayong mahiya, pinangunahan ko na nga e" at bumalik na ito sa pagkain ng pizza

Napapailing na lamang ako kapag hindi nakakapuno si Margaux ng isang disposable tupperware ng pagkain dahil sa bibig nito ang deretso para bang hindi ito nabubusog

"Nakakainggit yung ganyan lamon ng lamon pero hindi tumataba" si Jack iyon habang nagpapack ng pagkain

"Wow! Bakit mo kailangan mainggit? Tomboy ka diba? Dapat si Rana ang mainggit" walang preno talaga ang bibig nitong si Zephyr nadamay pa ang nananahimik na si Rana, na hindi magawang enjoyin ang pagkain dahil mahirap raw magpapayat

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Where stories live. Discover now