chapter 12

2.1K 63 16
                                    

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa kusina.

Umuulan pa rin sa labas, ngunit hindi na kumukulog, at kumikidlat, tanging ang ugong lamang ng ulan ang maririnig sa buong lugar.

Iba na rin ang suot kong damit, pink victorian vintage nightgown, kung puti ang kulay ng damit kong ito ay mapagkakamalan akong white lady.

Hindi na ako nagtataka kung sino ang nagpalit sa akin ng damit.

My future husband is a freaking doctor! Sigurado ako na utak professional ang umiiral sa ulo nito, bago ako palitan ng damit.

Idagdag pa ang kabaklaan nito, hindi na ako magtataka kong sinukat niya muna ito bago isuot sa akin.

Natawa ako sa aking naiisip. Ganoon ko siguro siya kagusto at hindi manlang ako nailang sa kaalaman na siya ang nagpalit ng damit sakin.

Sumilip muna ako sa pinto bago ako ako lumabas.

Doon ko nakita si future husband na naglalagay ng carbonara sa pinggan. Nakita ko pa itong tumingin sa wall clock ko at humakbang sa pwesto ko.

Mabilis akong humiga at nagtulog-tulugan.

"Hoy warka, feeling sleeping beauty ka diyan! Gumising ka," ang inaasahan kong lambing ng boses ay biglang naglaho ng parang bula.

"Ah ganun, hindi ka gigising ha" mabilis akong napamulat ng marinig ko ang lagaslas ng tubig sa bathroom ko.

"Opo Miss, Minchin!" napabalikwas ako ng bangon at sinagot ko ito balak niyang buhusan ako ng tubig para magising.

Nang maupo ako sa counter table ay saka ko lang napansin na parang inakyat bahay ang kusina ko. Nagkalat lahat ng spices at ingredients.

Tumabi sa akin si future husband at hinayaan niya ako ang unang sumubo, abang na abang ito sa magiging reaction ko.

"Ano?, anong lasa? Dali sabihin mo na excited na ko"

"Masarap!" pinilit kong magmukhang nasasarapan, kahit napaka alat ng luto nya, para hindi sya madisappoint.

Nagliwanag naman ang mukha nito sa sinabi ko, na para bang noon lamang siya napuri at nakangiting sumubo ng luto niya.

"Totoo?!  Oh my gosh! Im so excited" magkadaop ang dalawang kamay nito at pumapalakpak ng marahan

Napangiwi ako ng isuka nya sa lababo ang ang kasusubo pa lamang na carbonara.

Mabibilis na mga subo ang ginawa ko, ayaw man tanggapin ng aking panlasa ay pinilit ko itong lunukin, sigurado ako na itatapon nya ang aking carbonara kagaya ng ginawa nya sa pagkain na natira sa pan.

Punong puno ang bibig ng hilahin ako ni future husband sa lababo at pilit na pinaluluwa sa akin ang carbonara

"Iluwa mo" ma awtoridad na sabi nito, marahas akong umiling habang pilit nginunguya ang pagkain sa loob ng bibig ko,

"Isa" madiin nitong sabi wala ng bahid ng kabaklaan

Umiling pa rin ako at ng tagumpay na nalunok ang katas ng sama ng loob na luto ng future husband ay sinagot ko ang galit nitong mga mata

"Ito ang kauna unahang luto mo para sa akin future husband, kaya uubusin ko" masamang tingin lamang ang binigay nito sa akin 

"Uuwe na ako"banta pa nito 

"Ngayon  lang may nagluto na para sakin"

"Basta iluwa mo bruha! UTI aabutin mo!"

umiling lamang ako, masama ang tingin nito sa akin bago mabilis ang hakbang na lumabas ng condo ko.

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Where stories live. Discover now