chapter 11

2K 73 16
                                    

Nagsimula na akong magluto ng pananghalian naming dalawa, nagpiprito ako ng chicken wings na gagawin kong spicy buffalo at nagpapalambot din ako ng baboy para magluto ng nilagang baboy.

Nagsasaing din ako gamit ang rice cooker, inihanda ko na ang stand mixer para gumawa ng meringue, na gagamitin ko sa paggawa ng macarons, matapos mapaghalo ang lahat ng ingredients sinimulan ko na itong lagyan ng iba't-ibang kulay gamit ang food coloring gel

Nasa ayos ako ng paglalagay ng mga mixture sa piping bag ng lumabas si future husband mula sa kwarto ko,

Nakatapis lamang ito ng puting tuwalya sa ibabang parte ng katawan nito, napakagat labi ako ng makita ang vline nito sa parteng iyon

Habang pinupunasan ang basa nitong buhok gamit ang kanang kamay sa kaliwang kamay naman nito ay hawak ang pink bunny headband ko.

Ow shit fresh from the bath!

At ang katawan, pwede nang pananghalian

Parang nawala lahat ng oxygen ko sa katawan ng sandaling lumapit ito sa may likuran ko.

Amoy na amoy ko ang body wash ko na parang mas bumango pa, ng si future asawa na ang gumamit.

"Laway mo, tumutulo na" nagsalita ito pero hindi ko maintindihan masyado akong nahumaling sa amoy at katawan nito

"You're drooling yuck!" napabalik ako sa realidad ng malakas na itong nagsalita

Literal na tumulo nga ang laway ko! Ganoon ba ako nahumaling sa katawan niya at pati laway ko, nagawang magkusang tumulo?

Hala nakakahiya!

"Ouch! You oil! I hate you!" gigil na pinagduduro nito ang mantika na pinagpiprituhan ko ng chicken wings dahil tumilamsik ang mantika sa katawan nya

At ng muli itong tumilamsik sa kanya nagmamadali itong umupo sa sofa at nagtatantrums na umupo

Mabilis kong ginawa ang chicken buffalo wings at tinimplahan ang nilagang baboy, sigurado ako na nagugutom na ang mahal ko

Pumasok muna ako sa kwarto at dumeretso sa cr para kumuha ng ointment,

Doon ko nakita damit ng future husband ko na nakalapag sa sahig, mabilis ko itong nilabahan at dinrayer.

Bitbit ang mga damit ng mabungaran ko si future husband pagka bukas ko ng pintuan ng kwarto

Nakapameywang ito at halata sa mukha ang pagka-inip

"What did you do? Why you're so tagal" napangiti ng mapansing may sauce pa ng buffalo wings sa gilid ng labi nito.

Gutom na nga ang mahal ko

Hindi ako nagsalita at marahan ko lamang siyang tinulak at pinaupo sa sofa, lumuhod ako sa pagitan ng bahagyang naka buka nyang mga hita,

Pansin ko ang paglaki ng mata nito at paglunok ng laway? Ano kaya ang nasa isip nya at ganoon na lamang ang naging reaksyon nya.

Lalo pa itong natigilan ng hawakan ko ang dibdib nya. Nakahinga lamang ito ng maluwag ng lagyan ko ng ointment ang mga lugar kung saan sya natilamsikan ng mantika.

Nang matapos ay inangat ko ang kanang kamay ko para alisin ang natirang sauce sa labi nito.

"Magbihis ka na future husband, alam kong nagugutom ka na" hindi ito nagsalita ng iabot ko rito ang mga damit nya, tumayo na ako at sinimulan na ang paghahanda ng pagkain ramdam ko ang mga titig nya sa likuran ko, ngunit ipinagsawalang bahala ko lamang yun.

Nakadamit na si future husband ng lumabas ito ng kwarto ko, naka suot na rin ang pink na bunny headband ko sa ulo nya, may liptint na rin ang mga labi at pisnge nito.

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Where stories live. Discover now