Chapter 21

2.1K 108 12
                                    

Nanlalamig ang katawang bumaba ako ng motorsiklo at pasalampak na umupo a entrance ng mall

"Ano girl kaya pa?" Ngising ngisi pa ito habang nakapamulsa sa harap ko

Nanghihinang tiningala ko ito

"Demonyo ka, pakiramdam ko katapusan ko na, malilintikan ka talaga sa akin, hintayin mo lang"

"So kailan yun? Ang tagal naman di ko na ma-wait e" nang aasar na sabi nito habang tinitingnan ang walang nail polish na kuko

"Hindi ka ba tatayo diyan? Iiwan talaga kita diyan sa lapag"

"Uso naman siguro yung wait diba? Nasa state of shock pa ako"

"Ay, naku bahala ka diyan  mauna na ako bye" at iniwan nga ako ng future husband ko

Dahan dahan akong tumayo at pagewang gewang na sinundan ito

"Future husband, hintayin mo ako" 

Halos magliwanag ang paningin ko ng mapatapat ako sa Mang Inasal na fast food chain, hindi ko alam kung anong engkanto ang sumapi sa akin at dahan dahang lumiko ang paa ko papasok sa entrance ng fast food restaurant na iyon

Nais pang tumulo ng laway ko ng malanghap ang masarap na amoy ng karneng iniihaw

"Miss oorder ka o hindi?" muntik na akong mapatalon ng may magsalita sa likuran ko, nakapila na pala ako papuntang counter

"Huh? may sinasabi ka?"

"Maganda sana kaso bingi" at umabante ito ng pila sa akin

Masyado akong gutom para magalit, kalma self

Nang ako na ang oorder ay pinagtuturo ko na lamang lahat ng magustuhan ko at naupo sa pang-apatan na tao

Panay ang sulyap ng mga tao sa table ko, iniisip siguro nila na isisilya elektrika ako mamaya

Malalaking  subo ang ginagawa ko ng biglang may umubo sa harapan ko, puno ang bibig na tiningala ko ito

"PG te?" nakapamay-awang pa ito sa harap ko na para bang nanay na tinakasan

"Wag kang nakikialam" puno pa rin ang bibig na nagsalita ako

"Bibitayin ka ba mamaya?"

"Wag mong gagalawin yan bumili ka ng sayo" tinapik ko pa ang kamay nitong nagbabalak kunin ang manok sa green kong plato

"Waiter! Same lahat ng order niya please"

"Sir, doon po oorder sa counter"

"Nandito na ako papupuntahin mo pa ako dun? Just call me babe " halos magpagting  ang pandinig ko ng lumalandi na naman ang baklang to, sinamahan pa ng kindat kaya naman napangiwi ang crew

"Po?"

"Fine, pasalamat ka pogi ka" at akala mo'y  teen ager na kinikilig papuntang counter

Landi!

"Unli Rice!" sigaw ko na nanggigigil

HIndi pa tapos si ateng crew na maglagay ng apat na scoop ng kanin ay dumating ang future husband ko na naka-kawit nag braso sa crew

"Nagbago na pala ang isip ko pwedeng take out na lang? sumama ka na din sa take out! para masaya!" nakangiwing nilalapag lamang ng lalaking crew ang order ni future husband na hindi alam kung tatango o hindi

"Sabaw!" baling  ko sa atensyon nga crew na magiging karibal ko na

"Opo maam" 

"Hoy! babae ka wag mong tinatakot ang bebe ko" sinipa pa nito ang binti ko mula sa ilalim ng mesa

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Where stories live. Discover now