chapter 9

2.1K 76 5
                                    

Sa inis ay hindi ko na sinundan pa ulit si future husband sa loob ng ospital kahapon dumeretso na ako sa condo, pero kahit inis ako mahal ko pa rin.

Mamaya ko na lang sya pupuntahan sa ospital para sa lunch nya ipagluluto ko nalang sya ng bagong putahe, arte chipipay raw luto ko hmmp!

Sa ngayon ay gagawin  ko munang abala ang sarili ko dahil maraming customer ang UNICOS ngayong araw.

Isinuot ko ang sarili kong cook's coat na puti na may butones na gold sa kanang bahagi nito at ang name tag ko na nakalagay naman sa kaliwang bahagi ng coat, itinali ko rin ang aking buhok para iwas sa mga maaring malagay sa pagkain, kasunod ang  Face Mouth Shield iwas talsik laway charot!

Pumwesto na ako sa kusina katabi si Rico na ganoon rin ang ayos di nagtagal ay

Sunod sunod ang bigay ni Aileen sa amin ni Rico ang sous chef ko ng iba't-ibang order ng mga customer, karamihan dun ay ang meal of the day na  Garlic Pasta , kapag ganito ng ganito ay kailangan ko ng ilan pang kusinero para sa UNICOS hindi namin ito kakayanin ni Rico.

"Rico hatiin natin ang gagawin ill work on main dishes natin and side dishes, you can do soup and appetizers make sure na fresh, at walang kapintas pintas ang mga ingredients na gagamitin, got it" 

"Yes Chef!" maganang sagot nito 

Tagaktak man ang pawis ay hindi yun alintana ni Rico, isa sa dinarayo ng mga customer si Rico bukod sa may kaaya-ayang itsura at magandang katawan ay talagang maaasahan at ubod ng bait.

Isama pa roon ang mga staff ko na halos mga kalalakihan, patok sa mga customer lalo na sa kadalagahan.

Hindi ko na namalayan ang  oras  ng unti unti ng nababawasan ang tambak na order mula sa mga customer, di nagtagal ay nakaramdam na rin ako ng pagod sa tagal at dami ng niluto ko habang si Rico ay walang reklamo na tuloy sa paghalo ng niluluto nitong crab soup

Hanggang sa matapos ang huling putahe na niluluto ko ay doon ko lamang nagawang magpahinga.

"Aileen anong oras na?" tanong ko rito kailangan ko pa ipagluto si future asawa ng lunch, nawala na yun sa isip ko dahil sa sunod sunod  na pagluluto ngayong araw

"ahm, two twenty nine and fifty seven seconds ng hapon po maam" 

Mabilis akong napatayo sa sagot ni Aileen parang biglang nawala ang pagod ko ng maalalang di ko nagawan ng lunch si future husband ko

"Chef!, nagtanong ka, sinagot ko lang po kalma ka lang chef! hindi po ako lalaban" gulat na gulat na sagot ni Aileen sasagutin ko na sana sya ng  marinig ang boses ni JL sa counter na bumabati ibig sabihin ay may bago na muli kaming customer, mabilis na pinuntahan ito ni Aileen na para bang takot na takot sakin

Si JL na ang pumasok na may dalang listahan ng order ng mga bago naming customer

"Tulapho (Crispy Fried Pork), Sinigang na hipon sa sampalok, Tuna sisig, Kare kare and Plain rice for main dish chef" habang sinasabi ni JL ang main dish ay tinuturo ko kung sino ang magluluto, agad naman nakukuha ni Rico ang gagawin 

"Coconut Macaroons, Pineapple with alamang, Kangkong in osyter sauce ito daw po ang gusto nilang side dish chef!" 

"Strawberry Smoothie, Blueberry Smoothie, Frozen Fruit Smoothie, Avocado Banana Green Smoothie, and one pitcher of ice tea for drinks daw po Chef!" mabilis ko itong sinamaan ng tingin habang sinisimulan ko ng magpakulo ng sampalok at pagtatanggal ng veins ng hipon na gagamitin ko sa sinigang 

"opo sabi ko nga po Chef! kami po ang gagawa ng Strawberry Smoothie, Blueberry Smoothie, Frozen Fruit Smoothie, Avocado Banana Green Smoothie, and one pitcher of ice tea for drinks, yaka po namin yun, kami narin po ang bahala sa Coconut Macaroons kukunin lang po namin yun sa bake goods nyo este sa pantry po sa labas, sige Chef!" sumaludo pa ito bago umalis

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن