chapter 16

2.1K 91 30
                                    

Ramdam ko ang sinag ng araw sa aking mukha ng ako ay maalimpungatan, ramdam ko rin ang mabigat na bagay sa dibdib ko at may nakasiksik rin sa leeg ko

Nagising ako ng may kayakap?

Nasisilaw man ay pinilit kong idilat ang aking mata para silipin ang kutong lupang tumabi sa pagtulog ko

Pilit kong nililingon ang bagay na nakasiksik sa leeg ko

Alleluyah!

Lord sobra na ba kapag hiniling ko na sana laging ganito ang masisilayan ko sa umaga?

Ang gwapo nya talaga!

Shet!

Anong kabutihan ang nagawa ko kahapon para biyayaan niyo ako ng ganito Lord

Thank you very much!

Napapikit ako ng mariin ng mas magsumiksik pa ang ulo nito sa leeg ko na para bang inaamoy iyon ramdam na ramdam ko ng dulo ng ilong nya sa likod ng aking tenga

Normal bang kiligin ng ganito kaaga?

Pakiramdam ko ay nanghihiram na ako ng kulay sa hinog na kamatis ng mas lalo pang himigpit ang pagkakayakap nito sa aking beywang

Hindi ko alam kong ilang minuto pa akong nakatitig sa braso nito ng bigla itong kumalas sa pagkakayap sa akin at tumihaya ng higa.

Mariin akong napapikit upang magtulog tulugan ng gumalaw ang higaan at muli itong yumakap sakin at isiniksik ang ulo sa leeg ko

"Good morning" malambing ang paos na boses lalaki na boses nito na nakapag padilat ng mata ko, nagdadalawang isip ako ng sagutin ito ngunit sa huli ay sinagot ko rin

"Good morning future husband" segundo ang lumipas ng biglang itong bumalikwas ng bangon at nakahawak sa dibdib nito

"Oh my god! Anong ginawa mo sakin? Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko! You rapist!" hinila pa nito ang kumot at tinakpan ang katawan na akala mo nga'y ginahasa

Binato ko ito ng unan at masamang tiningnan

"Aba! Ang kapal ng mukha! ako pa ang rapist sa lagay na 'to " tinuro ko ang paa ko na may benta pa rin

"At isa pa kung ginahasa kita ako ang mabubuntis hindi ikaw, tandaan mo wala kang matres!"

"Ay, ang harsh mo na girl, sorry na kasi" hindi ko na ito pinansin at iika ikang naglakad papuntang cr

Nang makapasok sa banyo ay pinakawalan ko ang kanina pang pinipigilang ngiti

Putek!

Kinikilig ako

Normal pa ba ako?

Pagkalabas ko ng cr ay wala roon si future husband kaya naman, nagpalit ako ng damit na pwedeng pang work out

Nag suot nalang ako ng black hem top na may criss cross letter tape at black dolphin shorts tinali ko na lamang ng messy bun ang buhok ko, at ng masigurong maayos na ang itsura ko ay pumunta ako sa kusina para magluto ng breakfast

Naabutan ko si future husband na nakahalumbaba gamit ang kaliwang kamay habang nilalaro sa kabila ang isang pack ng pansit canton.

Lihim akong napangisi, sisimulan ko ng akitin ang baklang ito

Pumuwesto ako sa harap ng stove dahil magkatapat lamang ang stove at counter table, nakatalikod ako ngayon kay future husband,

Dahan dahan akong nag-inat ng kamay, dahan dahan kong inabot ang box ng pancake mix, kumuha rin ako ng bowl at iba pang gagamitin sa paggawa ng waffle sinigurado ko na susundan ni future husband ang bawat galaw ko.

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Where stories live. Discover now