chapter 2:

4.7K 124 28
                                    

Autumn pov

Sobrang bilis kong kumilos

   Paano ba naman

Tinawagan   ako ng bessy ko na bilisan ko daw dahil ngayon daw ang check up nya sa ob-gyn niya!






"Lord naman   saang   lupalop ba naman kasi ng mundo naroroon ang asawa ng babaeng yun    at ng mahanap ko nga responsibilidad nya yung asawa niya no!" taimtim kong dasal na katingala pa sa kisame ng bahay niya, pero magagalit naman sakin si bessy  kapag ginawa ko yun!

Hay ang weird ng bessy ko eh

Seven months na siyang buntis, at kaka-ahon niya lang ng dagat

hindi nyo gets no?!  

Ako nga nawewerduhan sa bessy ko kayo pa kaya

Ganito kasi yun

Arrange marriage siya,  edi syempre nagpakasal sila marriage nga di ba

Tapos

Nag HONEYMOON, o di mo alam yun no? after kasi ng kasal may chukchakan na naganap

Eto kasing magaling kong bestfriend hindi muna nagpakipot, lumandi agad isinuko ang mahiwagang BATAAN.

Tapos

Nabuntis kasi nag chukchakan nga




Tapos


Lumayas! 

Ang dahilan? Wag nyo sakin itanong buhay nya yun hayaan nyong sya magkwento

Tapos ang ending

 Pumasok sa loob submarine at nanirahan doon sa loob ng 7 months

Adik rin ang babaeng yun! pwede naman sa lupa manirahan dahil naroon tayong mga ka-uri niyang species alam niyo na homo sapiens, pero syempre ayako namang galing ako sa mga unggoy kaya kawangis ni lord nalang.

Aba't gustuhin ba namang sa dagat manirahan kapiling ang mga isda! at kung anu- anong nilalang pa ang naroroon 

Anong feeling niya sirena sya!  sirenang mukhang butete dahil malaki ang tiyan nya!


Tapos ngayon    

Lumabas lamang siya  dun  para magpa check up! o diba may saltik din

My God! nakakaloka talaga ang bessy kung yun  minsan nga mababaliw na ako kasama yun e

Minsan naisip ko baka nasobrahan lang sa kain kaya lumaki ng ganun kalaki ang tiyan niya, lakas kumain e, at hindi talaga sya buntis,  aba'y nagalit pinakain niya sakin yung pinaghahalo halo nyang weirdong pagkain   na kahit hindi na sya naglilihi  ay kinakain nya parin

Buong araw akong nagsuka nun kaya di ko na sya biniro pa!

Perwisyo ehhh?

Lupit ng tadhana saming dalawa 






"Hoy! Babae samahan mo ako magpapacheck-up ako"  sigaw ni Mitch

Aba't kung makasigaw naman ang babaeng ito! 

Akala naman ay pakain ako! Eh siya nga ang pinapakain ko tsk! Nasaan ba kasi ang magaling nitong asawa? Hindi tuloy ako makapag boy-hunting nabuburo ang kagandahan ko sa pagsama sa kanya, at worst  nagmumukha akong yaya 

"Kung makasigaw naman! Sino ba ang humihingi ng pabor ha babae?!" Balik kung sigaw pero di naman ako galit, nanlalaki ang mata ko ng bigla itong umiyak

" Akala mo pag ang baby ko pumangit ipapakulam kita " iyak nito hays bakit ko ba nakalimutan na buntis to


 PMS

"OO na po SORRY na please  nadala lang ng emosyon 2 weeks na akong walang lovelife eh, mga bwisit na bakla yan! Bat kasi nag-exist pa!"

"Tara na kasi, may pogi dun promise" tingnan mo to parang kanina lang umiiyak to ah

"Sguraduhin mo lang dahil kung wala iiwan kita dun, maglalakad ka pauwi!"  nauna na ako sa kotse niya... Syempre excited ang lola nyo may pogi daw ehhh malay nyo sya pala ang  ka-forever ko diba! Edi may happy ending din ang buhay ko noh! Nang hindi naman puro ka-bitteran..


Nandito na kami sa clinic, panay ang linga ko sa kanan at kaliwa, sa unahan at hulihan ko baka malampasan ko yung gwapings na sinasabi ng babaeng butete na kasama ko pero kahit anong tingin at sulyap ko sa mga lalaking nakikita ko wala parin akong makita na gwapo..
Kita mo na, bakit ba kasi naniwala ako sa babaeng ito,, haysss mahirap na talaga magtiwala, umasa pa naman ako

Kung di lang ito buntis na sipa ko na to ng isa,

At kung hindi lang ako running for ninang ng batang future inaanak ko na nasa bituka ng babaeng ito hindi ko to gagastusan no

"Hoy! Babaeng butete nasan na ang gwapo rito? Wala manlang akong makita na swak sa pang-dyosa kung kagandahan"

"Maghintay ka nga! Ikaw ang atat mo"

"Syempre gwapo ehh mahirap ng maunahan"

"Number 15 po next na po kayo" sabi nung cute na nurse, buti nalang hindi ako tomboy

"Tara na girl!" excited ko na sabi "baka nasa loob ang gwapo may mapapagnasaan na ako hahah"

Akay-akay ko si Mitch papasok sa loob ng clinic ni Dr. Flint kahit gusto ko ng mauna, syempre hindi naman ako ang buntis kaya easy lang,

"Good morning Mrs?" Napalingon naman daw ako sa nagsalita at anak ng pitongpu't pitong  puting pating, Ang gwapo! sheet

Mukhang nakita ko na ang PAPA ko!    mula sa mga mata nitong singkit, sa ilong na matangos, sa labi nitong naka lip tint?!, iling-iling baka mali lang ako ng tingin

Napansin ko na nakalahad ang palad nito, at  dahil wala naman yata na balak ang kasama ko na abutin ang kamay ni future husband ko, kaya  ako na lang ang  nauna!

"Hi! Ahm Im  the gorgeous and adorable  Autumn Collins at your service my future husband sabay kindat ko kay myloves ko wahhhh ang gwapo! nalaglag na yata lahat sakin mula sa suot kong skirt, cycling, panty, uterus, fallopian tube, saka ovary, my god paano pa ako mabubuntis nito.

Nauna itong bumitaw sa pagho-holding hands namin kahit shake hands yun, napasimangot ako..  gusto ko pa sana na hawakan yung kamay nya ng matagal..

"Ms. Collins kung ganyan lang naman sa mukha mo ang depenisyon ng kagandahan, eh ano pa tong mukha ko edi pang dyosa na!" sabay flip ng imaginary hair kuno nito,  halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng maintindihan ko ang ibig sabihin nito, "BAKLA KA RIN!" napasigaw ako hindi dahil sa gulat kundi dahil sa inis, nabwibwiset ako!

"Korek, and take note MAS MAGANDA AKO SAYO!" sabay kindat nito........ hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis sa ginawa nya..

Tinawid ko ang pagitan naming dalawa wala pa akong first kiss pero willing kong ibigay sa kanya kaya binigay ko na sabay bulong ng mga katagang

" Pasasaan pa ba at magiging asawa din kita" sabay kindat at dali-dali akong pumunta sa pintuan ng clinic nya hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matutuwa sa ginawa ko.

"YUCK!!!!! OVER MY DEAD GORDEOUS, SEXY AND BEAUTIFUL BODY!!!!!" naririnig ko pa ang tili nito hanggang maisara ko ang pinto ng clinic nya..

Napangiti ako ... " kasalanan mo na naging gwapo ka, nagustuhan tuloy kita"...

See You SOON Future Husband......















Note: sa mga magbabasa at nagbabasa

Vote and comment kapag trip niyo, walang pumipigil,

Libre po yan kasi walang bayad




Follow me na rin po,

hindi po sa required pero parang ganun na nga char!

Happy reading😄


Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon