Chapter 19

2K 69 14
                                    


Simula ng maganap ang halik na iyon sa secret kwarto ng kanyang opisina ay hanggang ngayon ay hindi pa ako nito pinapansin.

Kasalanan ko ba na si tadhana na ang gumawa ng paraan para magdikit ang mga labi namin

Tatlong araw na ako nitong hindi pinapansin kaya naman tatlong araw na rin akong hindi nakakapagtrabaho sa UNICOS at tatlong araw ko na rin siyang sinusuyo at sinusundan sa opisina na ito

"Future husband huwag ka ng magtampo boyfriend naman kita girlfriend mo ako, okay lang yun, ako nga kababaeng tao ko hindi ako nag-iinarte " wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa pagkatok sa pinto ng kwarto nito sa opisina

"Future asawa hindi mo ba ako namiss? Kasi ako namimiss na kita" idinikit ko pa ang tenga ko sa pinto

"Lumabas ka na kasi future ko" at ng wala pa ring marinig na sagot mula sa loob ng kwarto ay umupo na lamang ako at ginawang sandalan ang pintuan ng kwarto ng nagdadrama kong boyfriend.

"Yohooo future ko" nakalupagi pa rin ako sa sahig, habang hinihintay ang sagot

Napa-angat ang tingin ko ng bumukas ang pintuan ng opisina

"Hoy, flint may mangangan-" niluwa nito Wilson

"Wilson!" tawag ko dito habang ito ay nakatuon ang tingin sa medical records kaya naman hindi ako nito agad napansin

"Uy, Autumn! Anong ginagawa mo dito? bakit nakalupagi ka sa sahig?" sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan kaya naman nabuwal ako at napahiga sa sahig

"Hi future husband, buti naisipan mo na ring lumabas" at ang walanghiya kong future husband ay  hindi manlang ako  pinansin at iginiya si Wilson palabas ng opisina

"Tss, sungit"  bulong ko sa aking sarili at pinagpagan ang aking pang upo, inayos ko rin ang medyo tumaas kong red na halter top.

Bahagya kong binuksan ang pintuan at  sumilip sa labas

"Bakit ba kasi dito tayo nag-uusap? Anong silbi ng desk sa loob ng opisina mo?"

"Hindi ako nagpapapasok ng ahas sa opisina ko, strictly prohibited" napabuntong hininga na lamang si Wilson habang pinagpatuloy ang pagpapaliwang tungkol sa nagla-labor na pasyente.

Isasara ko na sana ang pinto ng mapansin ako ni Wilson

"Autumn! Labas ka nga dito, namiss kita" agad ko namang nilakihan ang siwang ng pintuan at alanganing ngumiti  dahil tumalim ang mata ni future husband.

Napa-angat ako ng bahagya ng bigla ako nitong yakapin

"Hindi na kita nai-date last time call of work" yakap pa rin ako nito

"Its ok marami pa naman na ibang pagkakataon"

"Wow! ang smooth, ang flawless! Anong lotion ang gamit mo?" habang pinapasadahan ng kamay ang aking braso at likod

Napaatras ako ng bigla kaming paghiwalayin ni future husband at winisikan ako ng alcohol

"Mangubat call a anesthesiologist and a cardiologist before transfering her in the delivery room"  sabi ng future ko habang ipinasusuot sa akin ang kanyang lab gown

"Ano Mangubat? Tunganga lang?" mabilis na tumalima si Wilson

"Bye, Autumn may utang ka pang date sa akin" na mabilis pang nakahalik sa pisnge ko saka tumakbo

Napapikit pa ako ng mariin ng batuhin ni future husband si Wilson ng stethoscope na tinamaan naman sa likod ang huli


Takang napatitig ako rito,seryoso lamang ito sa pag-aayos ng lab gown niya sa akin na parang bang walang ginawang masama

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon