Special Chapter 3: The Last Secret

5.7K 252 40
                                    

I am so thankful to you, guys. dahil hanggang sa huli ay sinusuportahan ninyo ako. Maraming-maraming salamat sa inyo at hanggang sa muling kunwetong ibabahagi ko.

-


Special Chapter 3: The Last Secret

Pagbukas ko ng pinto, si Mama at ang dalawa kong kapatid ang bumungad sa akin. Hindi agada ko nakagalaw at gulat na gulat na napatingin sa kanilang tatlo. Nakasuot sila ng vintage dress na kulay mint green sa kambal at pink naman kay Mama.

Napakaganda nilang tatlo sa kanilang mga suot. May flower crown pa ang kambal at bagay na bagay sa kanila ang kulay ng dress na kanilang suot.

"Surprise!!" sabay-sabay nilang pagbati at mabilis akong nilapitan para yakapin.

"A-Ano'ng ginagawa niyo rito at papaano kayo nakapunta?" tanong ko nang kumalas sila sa pagkakayakap. Nakangiti silang nakatingin sa akin.

"Noong isang araw pa, tinawagan kami ni Hugo tapos sinabi niya sa amin na pupunta kami rito," si Mama ang sumagot.

Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksiyon ko. Naghalo-halo na ang emosyon ko ngayong umaga pa lang ngunit nangingibabaw pa rin ang kasiyahan na ididunudulot niya sa akin. Hindi ko alam kung papaano ko pasasalamatan si Hugo.

"S-Salamat, 'Ma. Pero bakit kayo nandito?" Tumingin ako sa kambal ngunit nagkibit-balikat lang sila at maging ang aking magaling na Ina ay hindi rin ako sinagot.

"Tara na lang sa baba para malaman mo kung bakit kami nandito," aniya at ngumiti ng kakaiba. Maging ang kambal ay hindi ko rin maintindihan ang inaakto.

Kaya para tuluyan na akong malinawan at malaman kung ano ba'ng nangyayari. Sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa hagdan upang makababa. Nagulat ako nang mabilis na naglakad ang kambal kaya nauna ang mga ito hanggang sa makarating kami sa tapat ng hagdan.

Tumingin ako sa baba kung saan nando'n si Hugo na nakatayo, nakasuot ito ng katulad kong suot. Bagay na bagay sa kaniya, hapit na hapit ang polong puti sa kaniyang katawan. Nakangiti itong nakatingin din sa akin kaya bumilis na naman ang tibok ng aking puso.

"Ano'ng mayroon?" tanong ko kay Mama na nakahawak sa aking braso. Napatigil kami sa tapat ng hagdan at nakatingin lang ako kay Hugo.

"Kasal mo ngayon," bigla nitong sabi.

Literal na nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa kaniya. Nagulat ako na nandito ang pamilya ko pero mas nakakagulat naman ang ibinalita niyang kasal ko ngayon. Papaano nangyari 'yun? Wala akong natatandaang niyaya ako ni Hugo na magpakasal at pumayag ako. Hindi pa nga ako nakapagtapos ng pag-aaral, mag-aasawa na agad? At saka, puwede na ba 'yun sa Pilipinas?

"S-Seryoso kayo, 'Ma?" paniniguro ko dahil hindi ko nakikitaan ng kahit ano mang ekspresiyon nang pagbibiro si Mama. Kilala ko siya kapag seryoso ang kaniyang sinasabi.

Kaninang bilis nang tibok ng puso ay mas lalong bumilis. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano'ng tamang reaksiyon ba ang dapat kong ipakita.

"Ba't ba ang dami mong tanong? Bumaba na lang tayo. Kanina pa kami naghihintay sa 'yo sa labas ng kuwarto mo. Bakit ba hindi ka agad nagising, hah?"

"Ah-eh, b-bumaba na tayo, 'Ma." Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa si Mama dahil agad ko na itong hinila pababa. Nauna na pala ang kambal sa baba nang hindi man lang namin namamalayan.

Kaya minabuti kong hilain na si Mama pababa bago pa nito malaman ang nangyari kagabi. Dahil hindi na naman nakatiis si Hugo at may nangyari sa aming dalawa. Sa balcony pa ng kuwarto kung saan kami natutulog. Mabuti na lang ay malalim na ang gabi at walang nakakita sa aming dalawa.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now