Epilogue

7.9K 317 30
                                    

Aki's Point Of View


"Simon, come here," tawag ko sa bata na naglalaro sa marble na sahig.

Lumingon naman ito sa akin at dali-daling tumayo. Patakbo siyang lumapit at agad na umakyat sa taas ng malambot na kama ni Hugo.

"Are we going to the province na po?" tanong nito at tumango naman ako bilang sagot. "Yeheey!" Nagtatalon-talon pa siya dahil sa tuwa.

Napangiti ako habang pinagmamasdan si Simon. Kita ko ang excitement sa kaniyang mga mata. Maging ako rin naman ay excited na makita ang kanilang hacienda.

Lumapit na sa akin si Simon kaya isinuot ko na sa kaniya ang hoodie jacket nitong kulay itim na may cute na disenyo sa bandang dibdib nito. Isinuot ko rin sa kaniya ang sapatos nitong bagay na bagay sa kaniya. Bago siya lumabas ng kuwarto ni Hugo ay hinalikan na muna niya ako sa pisngi.

Umabot hanggang tainga ang pagkakangiti ko. Nakakatuwa dahil sa dami ng pinagdaanan ko'y nandito pa rin ako. Patuloy na nagmamahal.

Tatlong linggo na ang lumipas magmula nang magising ako mula sa pagkakatulog nang mahimbing. Nanatili na muna ako sa hospital ng isang linggo bago ako tuluyang pinalabas.

Nakakagulat dahil buong akala ko, walang kaalam-alam si Mama sa lahat. Ngunit alam nito kung sino ang nagpapangiti sa akin noon at nagpaiyak sa akin. Maging ang kambal ay alam din nila dahil minsan ay naririnig ako sa aking kuwarto noon na kausap si Hugo.

Mabuti na lang dahil tanggap nila, hindi sila nagalit sa nangyari at nakakatuwa dahil wala silang sama ng loob sa hindi ko pagsasabi ng totoo.

Nalaman ko rin ang dahilan ni Hugo dahil ikinuwento nito sa aking lahat. Kaya siguro mabilis na naglaho ang galit ko dahil mas nangibabaw ang pagmamahal ko sa kaniya. Ayaw ko rin namang patagalin pa ang lahat. Paliwanag lang pala niya ang susi sa pag-aayos namin, umabot pa sa aksidente.

Naging bingi lang naman ako dahil siguro sa sakit. Hindi ko kinakaya iyong sakit kaya lahat ng takot ko noon na darating ang araw ay iiwan niya ako ay bumalik. Kaya kahit anong paliwanag niya ay ayokong marinig, dahil alam kong wala ring patutunguhan ang lahat.

Ngunit masaya ako. Sobrang saya dahil marami akong natututunan sa relasyon naming dalawa ni Hugo. Hindi ako nagsisisi sa lahat bagkus ginawa ko pa itong inspirasyon upang pagtibayin pa ang mayroong sa aming dalawa ngayon.

Bumalik ako sa realidad nang magbukas muli ang pinto. Napatingin ako roon, kung saan nakatayo si Hugo na walang suot na damit. Tanging ang jogging pants lang nito ang suot at pawisan pa ang kaniyang katawan dahil mukhang kakagaling lang nito sa gym dito sa condo building.

Umiwas ako ng tingin. Inabala ko ang sarili sa pagliligpit ng mga laruan ni Simon na nagkalat sa carpet dito sa kuwarto. Ayokong tumingin sa katawan ni Hugo dahil bigla na lang nag-iinit ang katawan ko sa ayos niya ngayon.

Litaw na litaw ang kaniyang katawan na may dumadaloy na pawis pa rito. Nagmistulang kumikinang ang katawan niya kaya nanunuyo ang lalamunan ko.

"A-Anong ginagawa ni Simon sa labas?" tanong ko, hindi pa rin makatingin sa kaniya.

Narinig ko lang ang pagsara ng pinto at ang anino nitong naglakad papalapit sa akin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Why can't you look at me? Mmm?" Napaigtad ako nang hawakan niya ako sa baywang at pinatayo. Mabilis niya akong niyakap at isiniksik ang mukha sa aking leeg. "Ang bango!" bulong nito at muling inamoy ang leeg ko.

Nanghihina ang tuhod ko kaya napakapit ako sa kaniyang malawak at magandang balikat. Mas lalong humigpit naman ang yakap niya sa aking baywang dahil sa panghihina ko.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon