Chapter 10

7.7K 369 12
                                    

Aki's Point of View

"Bababa ako!" sabi ko nang makalabas kami sa campus. Nasa loob pa rin ako ng kanyang kotse. Pero imbes na sagutin niya ako'y nagpatuloy ang kanyang kotse sa pagmamaneho. "Sa'n mo ba ako dadalhin?" Tumingin ako rito at nakatuon lang ang pansin niya sa harapan.

Nakikita ko ang side profile niya at ang tangos ng kanyang ilong. Ang pilik mata niya'y hindi naman mahahaba pero may kakapalan ito ng konte at ang kilay rin niyang makapal na nakadagdag sa kanyang kaguwapuhan. Hindi ko makita ang sugat nito sa pisngi dahil nas kabila iyon ng kanyang mukha.

"Stop staring at me!" bigla nitong sabi kaya napaiwas naman ako nang tingin. Naramdaman kong namula ang magkabila kong pisngi. Tumingin na lang ako sa labas kung saan naroroon ang iba't ibang buildings at mga kotseng nag-uunahan makarating lang sa kanilang paroroonan.

"Bakit ba ayaw mo akong sagutin?" naiinis kong tanong. Sumulyap lang ako rito at abala pa rin siya sa pagmamaneho kaya ibinalik kong muli ang pansin sa labas ng bintana ng kanyang kotse.

"Are you courting me?" Napatingin ako rito dahil sa gulat. Nakita kong may sumilay na ngiti sa labi nito na mabilis ding nawala.

"A-ano'ng sabi mo?" naguguluhan kong tanong.

"Nililigawan mo ba ako para sagutin kita?" inulit niya ang kanyang sinabi. Akala naman niya'y hindi ako nakakaintindi ng English.

"Siraulo ka ba?!" sabi ko. Tumalbog ang puso ko sa sinabi niya. Kinabahan ako na parang gustong lumabas sa dibdib ko at lumipat sa kanya. "Nagtatanong ako nang maayos tapos iyan ang isasagot mo?"

Hindi niya ako sinagot dahil tumigil na ang sasakyan nito. Tumingin ako sa labas kung nasaan kami at nasa harap kami ng isang mataas na building. Napakunot ang noo ko nang ibaling ko sa kanya ang tingin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nang makita kong hindi lang building ito kundi isang hotel at condominium.

"A-ano'ng ginagawa natin dito?" tanong ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa building at sa kanya.

Nasa loob pa rin kami ng kanyang kotse. Tumingin muna ito sa akin bago niya binuksan ang pinto sa gilid niya at lumabas do'n. Mabilis naman akong kumilos at binuksan ko rin ang pinto ng kanyang kotse. Sinundan ko ito nang magsimula siyang maglakad. Nilapitan siya ng isang bellboy at kinuha ibinigay rito ang kotse.

Nakasunod pa rin ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa loob nitong condominium. Pinagtitinginan siya ng mga taong nandito sa receptionist, maging ang mga babaeng dito nagtatrabaho. Pero si Hugo ay prente lang na naglalakad at hindi pinapansin ang mga matang nakatingin sa kanya, maging ako'y hindi rin niya pinapansin.

Huminto ito sa tapat ng elevator at tumingin sa akin. Kakaibang tingin ang pinakita niya kaya mas lalo lang akong kinabahan. Tinalikuran niya ako't naglakad siya papasok sa loob ng elevator nang magbuksa ito. Sumunod naman ako sa kanya at agad na nagsara ang pinto nito. Hindi na mapakali ang puso ko dahil sa kaba, lalo na ngayon na dalawa lang kaming nandito sa loob.

"A-ano'ng ginagawa natin dito?" Inulit ko ang tanong ko kanina. Tumingin ako rito at saktong nakatingin siya sa akin na agad ding umiwas nang tingin.

"I lived here," sagot nito na inaasahan ko na rin naman. Sinabi sa akin ni Mina na sa condo siya nakatira pero hindi alam niya alam na may anak na ito at sa tingin ko'y kasama niya ito sa kanyang condo.

"Eh, b-bakit mo 'ko sinama rito? Hindi naman ako rito nakatira," sabi ko. Tinitingala ko lang siya dahil sa tangkad niya.

"You're annoying that's why you were here." Bumukas ang elevator at nauna siyang lumabas na sinundan ko naman. Nakarating kami sa harap ng isang pinto at bago niya ito buksan ay tumingin muna siya sa akin. "Don't make a mess inside my condo and shut your mouth whatever you see here," sabi nito at binuksan na niya ang pinto gamit ang card na kinuha niya sa bulsa.

"B-bakit mo pa ba kasi ako dinala rito? Iniwan mo na lang sana ako sa school edi sana'y nasa bahay na ako ngayon!" sagot sa kanya. Nag-crossed arms ako at tiningila siya pero nakatalikod na ito sa akin.

Minsan ang gulo rin ng lalaking ito, eh. Kung sana'y hindi na niya ko hinatak kanina at iniwan na lang doon, wala sana ako rito. Saka bakit ko pa ba siya nilapitan kanina? Ang feeling close ko tignan pero magkaibigan naman na kami kaya walang masama kung lapitan ko siya at tawagin.

"I just need your help," aniya. Nagtaka ako kung ano iyon pero agad namang nasagot ang tanong ko nang magsalita itong muli. "My son is sick and I don't know what to do. His yaya needs to go home kaya wala kaming kasama rito sa condo."

Namilog ang mga mata ko dahil sa gulat. Bakit hindi niya sinabi agad?

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Humarap ito sa akin. "Saka nasaan ang ina niyang anak mo't walang nagbabantay?" Nakakunot ang noo ko.

"It's your punishment to call my name in public as if we're close." Tinalikuran na niya ako at agad nang pumasok sa loob.

Hindi ako makapaniwala sa ugali ng isang 'to. Nakakagulat ang mga kilos niya. Hindi pa niya sinagot ang tanong ko. Bago ako pumasok sa loob ay tumingin muna ako sa paligid at may nahuli akong nakatingin sa akin pero mabilis din itong pumasok sa loob nang makita ko siya.

Naglakad na ako papasok at dumiretso papasok. Naabutan ko ito sa sala at may kausap itong babae. Kaya tumigil na muna ako at tumabi sa gilid na malapit sa kanila. Nalaman kong ito ang yaya ng anak nito dahil inabutan niya ng pera at agad na nagpaalam. Tinignan muna ako ng babae, nginitian bago niya ako nilampasan.

Tumingin ako kay Hugo pero wala na ito sa kinatatayuan niya kanina. Inilibot ko ang paningin ko rito at wala siya kahit saang sulok nitong sala. Nakakapagtaka rin na wala halos gamit ang nandirito. TV, sofa at may iilang cabinet na sa tingin ko'y wala namang laman. Malaki ang space nito at sakto lang para sa iisang pamilya na gustong sa condo manirahan.

Naglakad ako patungo sa isang cabinet na nakaagaw ng pansin ko. Mayroong picture na nakapatong doon at nakalagay ito sa isang picture frame. Kinuha ko 'yun at pinagmasdan. Picture ito ni Hugo kasama ang isang babae at nakangiti silang pareho. Kita sa kanilang mga mata na mahal nila ang isa't isa. Posible kayang ito ang ina ng anak ni Hugo? Pero bakit wala siya rito ngayon?

Napakaganda ng babae sa picture. May singkit itong mga mata at may magandang hugis ng labi. Ang buhok niya ay bagay na bagay sa kanya. Para siyang anghel na bumababa sa lupa upang isampal sa akin o sa ibang nagkakagusto kay Hugo na walang-wala silang laban sa tulad niya. Bumuntong-hininga ako at ibinalik na ang picture frame sa puwesto nito kanina.

Naglakad ako papunta sa isang hagdan na may iilang hakbang lang. Nang malapit na ako roon ay saktong bumukas ang pinto sa harapan nito at lumabas si Hugo na walang suot na pang-itaas na damit. Bigla akong napahinto at sunod-sunod ang naging lunok ko.

"B-bakit ganiyan ang a-ayos mo?!" Mabilis akong umiwas ng tingin pero sa tingin ko'y hindi na mawawala ang imahe nito sa isipan ko.

Nakita ko naman na ang kanyang kahubdan sa picture at no'ng nag-video call kaming dalawa pero itong harap-harapan kong makikita ang magandang hubog ng kanyang katawan? Parang mauuhaw ako dahil sa init na nararamdaman ko kahit na may aircon naman dito sa kanyang condo.

"What? I used to this when I'm home," anito at naramdaman kong naglakad ito.

"P-pero alam mong may kasama ka rito tapos ganyan ang suot mo!" Tumingin ako rito at nasa isang pinto na ito. Tumingin siya sa akin at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Biglang dumaloy ang kaba sa buo kong katawan dahil sa paraan nang pagkakatingin niya.

"Pareho naman tayong lalaki, there's nothing wrong with that," sabi nito. Binuksan na niya ang pinto pero hindi pa rin siya pumapasok sa loob.

"A-alam mong hindi ako straight katulad mo, 'di ba? S-saka kung wala naman akong gagawin dito ay puwede ba na umuwi na lang ako?" Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil hindi ko napipigilan ang sariling pagmasdan ang katawan nito.

"I told you that this is your punishment-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Wala naman tayong agreement na gan'yan, ah? At teka nga lang! bakit parang binabaliktad mo usapan? Itinatago ko ang sikreto mo para maging magkaibigan tayong dalawa."

"We'll talk later." Tumalikod na ito at pumasok nasa loob ng kuwartong kaharap niya. Wala akong nagawa kundi ang bumuntong-hininga. Tumalikod ako't naglakad papuntang sofa rito sa sala dahil doon ko na lang siya hihintayin na makalabas.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon