Chapter 25

7.2K 344 17
                                    


THANK YOU, 5K READS!

Aki's Point Of View

"Wow naman! Absent ka lang ng isang araw ay ganiyan na kalawak ang ngiti mo!" Tumingin ako kay Mina at mas lalong pinalawak ang ngisi ko.

"Masaya lang talaga ako ngayon," sabi ko.

Ibinaling ko ang tingin sa malawak na field. Nandito kami ngayon sa lilim ng mga puno, nakaupo sa upuan na gawa sa semento. Kaharap nito ang field kung saan may mga studyanteng may kaniya-kaniyang ginagawa.

"At ano ang dahilan kung bakit ka masaya ngayon?" tanong ni Mina ngunit hindi ako nag-abalang lingunin pa siya.

"Hulaan mo," sagot ko.

"Umamin na sa 'yo si Hugo?" Mabilis ako napalingon sa kaniya. Ngayon ko lang naalala ang plano nila ni Hugo.

"Papaano mo nalaman?" Pero imbes na tanungin siya ng diretsahan ay huhuliin ko muna.

"Well... We planned on getting closer to you. And for your information, wala kaming balak na saktan ka o sirain ka. Hugo, asked me to be friends with you and that's it!" Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay itatanggi niya iyon.

"Salamat." Ngumiti ako.

"No. Thank you." Kumunot ang noo ko. "Salamat dahil naging kaibigan kita. Masaya ka pa lang kasama and you're not a plastic. Hindi katulad ng iba na maganda pakikitungo sa 'yo kapag kaharap ka pero nag-iiba ugali kapag nakatalikod ka."

"Hayst! Huwag mo nang isipin iyon. Basta friends na tayo, okay?" Itinaas ko ang kamay ko at nakipag-pinky fingers sa kaniya.

"This is so childish but yeah, we're friends, until our last breath!" Na agad naman niyang tinugunan.

Masaya ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay mayroon isang tao na lumapit sa akin, para makipagkaibigan. Kahit na utos lang ito ni Hugo ay masaya pa rin ako dahil alam kong totoo ang ipinapakita ni Mina sa akin.

"Your phone is ringing." Mabilis akong napatingin dito. Nakalagay iyon sa mesang gawa sa semento katabi ng mga librong ginamit namin kanina.

Kinuha ko at nang makita kung sino ang tumatawag ay napangiti ako. Agad kong sinagot dahil alam kong ayaw na ayaw niyang pinaghihintay.

Hugo's Calling

"Hell–"

"Where are you?" Hindi ako nito pinatapos dahil agad siyang nagsalita sa kabilang linya.

"Nasa labas kami ng building namin, sa lilim ng mga puno. Bakit?" Tumingin ako kay Mina at tahimik lang siyang nakatingin sa malawak na field.

"Okay. I'm coming."

"Teka–" Hindi na naman ako natapos sa pagsasalita dahil agad niyang pinutol ang tawag.

Ibinalik ko na lang ang cellphone ko sa sementong mesa at tumingin sa paligid. Sabi niya kasi ay pupunta siya ngayon dito. Ano naman ang gagawin niya? Hindi pa naman tapos ang klase.

"Ano raw sabi? Pupunta ba siya rito?" Ibinaling ko ang pansin kay Mina. Akala ko'y hindi ito nakikinig sa usapan namin no Hugo.

"Oo raw," sagot ko.

"So, what's the plan? Should I leave so you can spend time together?" Kumunot ang noo.

"Bakit ka naman aalis? Pinapaalis ba kita?" tanong ko sa kaniya ngunit hindi na siya nakasagot pa ng dumating si Hugo.

Umupo ito sa harapan namin at may biglang inilapag sa mesa na gawa sa semento. Isang mamahaling chocolates at red rose. Tinignan ko siya ngunit mabilis akong umiwas ng tingin dahil sa pamumula ng magkabilang pisngi.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now