Chapter 3

10.6K 478 31
                                    

Aki's Point Of View

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa sariling ekspresiyon sa salamin. May kung anong nabuhay na inis sa loob ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko s'ya lubos na naintindihan ngunit alam kong pinaparatangan ako nitong tsismoso. Bumuntong-hininga ako bago ako naglakad palabas ng banyo. Nang makarating ako sa loob ng classroom ay wala pa roon ang next subject teacher. Kaya agad na akong umupo sa p'westo ko kung saan katabi ko si Mina.

"Hoy! Ba't ganyan itsura mo?" tanong nito nang mapansin n'yang nakabusangot ang mukha ko.

Bumuntong-hininga ako. Inilabas ko muna ang librong gagamitin sa klase bago ko siya sinagot. "May malalim lang akong iniisip." Tumingin ako rito at ibinaling muli ang tingin sa harap.

"Like what?" Napansin kong tinaasan ako nito ng kilay. Ang dami naman kasing tanong nitong babaeng 'to.

"Katulad ng white sand sa manila bay," sagot ko. "Araay!" Masama ko itong binalingan dahil binatukan naman ako ng pagkalakas-lakas. Sinong hindi masasaktan sa kanyang ginawa?

"Mapagbiro ka pala?" Nginisian n'ya lang ako bago inirapan.

"Ang dami mo kasing tanong. Mabuti pa ay manahimik na lang tayo pareho dahil nand'yan na si Prof." Hindi na n'ya ako sinagot pa. Itinuon na lang naming ang pansin sa harap nang magsimula na si sir sa pagtuturo.

Buong klase ay nakatunganga lang akong nakatingin sa harap. Naiintindihan ko naman ang lesson ngunit ginulo akong muli nang nagging tagpo naming ni Hugo sa banyo. Hindi ko alam na may ugali s'yang mapagbintang. Hindi ko naman kasi ito kilala kahit na hinahangaan ko s'ya. Sa tagal ko nang nag-aaral sa San Manuel University ay ngayon lamang nagtagpo ang landas naming dalawa.

Pero hindi ko maintindihan nang lubos ang sarili ko. Kung bakit sa kabila ng kakaunting natuklasan ko sa kanya'y hindi pa rin nawawala ang paghanga ko? Nakaramdam ako ng inis ngunit mas nangingibabaw ang paghangang nararamdaman ko. Mas lalo kong gugustuhing alamin ang buong pagkatao n'ya at kung magiging magkaibigan naman kami ay bonus na lamang iyon.

"Basta bukas ng 8.30 AM dapat nandoon kana sa tagpuan natin." Tumango ako bilang sagot sa kanya. "H'wag kang mala-late dahil malilintikan ka talaga sa akin!"

Kakatapos lang ng klase namin at ngayo'y nasal abas kami ng campus upang hintayin ang sundo nito. Naghihintay rin naman ako ng tricycle na p'wede kong masakyan papauwi. I'm used to this kind of set up, medyo nabago lang ng kakaunti dahil kasama ko ngayon si Mina na naghihintay. Hindi katulad noon ay wala akong kasama rito sa labas na para akong tangang nakatayo. Bakit ba kasi wala man lang waiting shed ditto sa labas ng campus? Ang laki-laki ng university pero hindi man lang sila makapagpatayo ng waiting shed dito.

"Baka nga mas mauuna pa ako sa'yo roon." Inirapan ko s'ya. Nginisian naman n'ya ako.

"Good! So, see you tomorrow?" Tumango lang ako. "Sige, mauuna na ako. Nand'yan na 'yung sundo ko." Kumaway lang ito at pumasok na s'ya sa kotseng huminto sa harap naming dalawa.

Anak mayaman pala itong si Mina. Hindi naman 'yun nakakapagtataka dahil halata sa kutis nito at sa kanyang mukha. Maganda siya at matangkad din ng kakaunti. P'wedeng-puwede s'yang ipanglaban sa mga beauty contest.

Ilang saglit ay may pumara ng tricycle sa harap ko. Kaya naman sumakay na ako roon.

"Sa barrio syete po," sabi ko kay manong. Agad naming umandar ang sinasakyan ko at mabilis kaming nakarating sa aming barrio. Sinabi ko sa kanya ang bahay namin at nakarating kami roon agad. Bumaba ako at inabot ang bayad ko na agad niyang kinuha. Umalis na rin ito kaya pumasok na ako sa loob. Saktong lumabas si Mama nang malapit na ako sa pinto ng aming bahay.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now