Chapter 23

7.8K 412 32
                                    

SALAMAT SA SUPORTA NINYO. DON'T FORGET TO FOLLOW ME ALSO ON DREAME. BY THE WAY, THANK YOU SA 4K READS. MUAH

USERNAME: ITHINKJAIMENLOVE.

ENJOY THIS SHORT UPDATES!

-

Aki's Point Of View


Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat. Ang mga bagay na nangyari sa akin, sa pagitan naming dalawa ni Hugo.

Ang nais ko lang naman ay mapalapit sa taong gusto ko. Hindi ako umaasa na hihigit pa roon ang pagtingin niya sa akin. Gusto ko lamang siyang makilala at makilala rin niya ako.

Ni hindi pumasok sa isipan kong may mangyayari sa amin, na magtatabi kami sa kama o mararamdaman siya sa loob ko. Pero dahil sa hindi natin hawak ang tadhana at ang mangyayari sa hinaharap ay wala tayong magagawa.

Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. Kung matutuwa ako o malulungkot. Hindi ko lubos na nauunawaan ang lahat, dahil masyadong mabilis ang lahat ng pangyayari.

"Where do you wanted to go?" Napatingin ako sa kaniya. Sakay na kaming dalawa ng kaniyang kotse at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Hindi ko alam," sagot ko. Tumingin ako sa labas ng kaniyang kotse.

Malapit ng magtanghali at nakakaramdam na ako ng gutom. Ngunit ayokong sabihin dahil sa tuwing nakatingin ako sa kaniya ay hindi ko maiwasang isipin ang imahe niyang nakahubad sa ibabaw ko. Bigla kong nararamdamang namumula na ang magkabila kong pisngi.

"Let's eat first," anito. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na lang siyang magmaneho.

Hindi nagtagal ang byahe at nakarating kami sa isang kilalang restaurant dito sa aming lugar. Masasarap ang pagkain dito at affordable lang ang prices kaya marami ang kumakain.

Nag-park lang siya bago kami sabay na lumabas. Mabuti na lang dahil nakatulong ang gamot na ipinainom nito sa akin, kaya nawala ang pangingirot sa may bandang pang-upo ko.

Tumingin ako sa labas ng restaurant. Maganda ang interior design nito sa labas at kapag pumasok kay ay para kang nasa isang korean restaurant kahit hindi naman mga korean foods ang sini-serve nila rito.

"Let's get inside." Tumango lang ako at nauna na sa kaniyang maglakad. Sumunod siya sa akin hanggang sa kasabay ko na ito at biglang nag-init ang mga pisngi ko ng humawak ito sa baywang ko at inalalayan ako sa paglalakad.

"H-Hugo, nakatingin sa atin mga staff dito at iyong kumakain. B-Baka kung ano ang isipin nila," mahina kong sabi.

"Don't mind them. Just do whatever makes you happy," aniya.

Nakarating kami sa bakanteng squared table. Hinila nito ang upuan at inalalayan akong umupo roon bago siya umupo kaharap ko. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso dahil sa hiya. Naguguluhan din ang isipan ko sa kaniyang kinikilos.

"Sabi ko naman sa 'yo na hindi ako balbado. At saka bakit mo ba ito ginagawa? Ni hindi mo ako sinagot kanina." Inayos ko ang pananalita ko nang sa gano'n ay maintindihan niya ako ng lubos.

Maraming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko. Gusto ko ng kasagutan at alam kong siya lang ang makakasagot ng mga ito.

Kung bakit niya iyon ginawa, ang nangyari sa amin kagabi. Bakit ganito na lamang ang pakikitungo niya? Samantalang noon ay masama siyang makatingin sa akin na para bang may nagawa akong mali sa kaniya.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now