Chapter 32

5.8K 301 17
                                    

Thank you, 11k reads! Labyu all and keep safe po tayong lahat. Muah muah!

-

Aki's Point Of View

"Bakit mo 'ko dinala pa rito?" Masama ko siyang tinitignan.

Pareho kaming nakaupo rito sa sofa sa kaniyang condo. Hindi niya ako hinila dahil kusa akong sumama sa kaniya, ayokong magpabuhat doon at baka totoohanin pa niya ang sinasabi niya kanina.

I don't want to end up with you naked on bed.

Kinikilabutan ako. Kahit na dalawang beses ng may nangyari sa amin ay hindi pa rin sanay ang katawan ko sa mga pangyayari. Nanginginig ang kalamnan ko at hindi ko mahabol ang hininga.

"I want to talk to you," aniya, mahinahon ang kaniyang boses. Hindi na katulad noon na kung minsan ay masama ang tingin at may diin ang bawat salitang sinasabi niya.

"Kanina pa tayo nag-uusap. Ano bang gusto mong pag-usapan? Gusto ko ng umuwi. Ayokong makasama ka," sabi ko.

Nang makita ko ito kanina sa parking lot kasama ang babaeng iyon ay nakaramdam na ako ng inis at hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako. Hindi ko naman maitago iyon sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya at napahilamos sa kaniyang mukha.

"Aki, please?" Natigilan ako. Pakiramdam ko ay nahihirapan siya ngayon. "I just really want to talk to you, to be with you, and to explain what happened earlier."

Umiwas ako ng tingin dahil ayokong nakikita ang mga mata nitong may kislap habang mariing nakatingin din sa akin. Bumuntong-hininga ako.

"B-Bakit kailangan mo pang magpaliwanag? Wala lang naman iyon, hindi naman ako galit dahil doon."

"I know but you're jealous. Ayokong nagseselos ka," aniya, kalmadong-kalmado.

Nagseselos ba ako? Hindi ko alam, ang alam ko lang ay naiinis ako nang malaman kong pupunta siya sa party ng babaeng iyon. Mabilis naman ang tibok ng puso ko at hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

Nasa single sofa siya nakaupo habang ako ay nasa mahaba.

"H-Hindi! Ba't naman ako magseselos do'n," mabilis kong sagot. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil ayokong makita niyang hindi ako nagsasabi ng totoo.

Siguro nga'y tama siya na nagseselos ako. Ganito pala ang pakiramdam ng nagseselos? Pakiramdam mo'y aagawin sayo ang taong mahal mo ng wala kang kalaban-laban.

Muntik na akong mapatalon ng maramdaman ko ang mga bisig nitong pumulupot sa katawan ko. Mabilis akong humarap sa kaniya at gulat na gulat ako dahil ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

Nakangiti siya habang mahigpit ang pagkakayapos niya sa baywang ko. Amoy na amoy ko ang mamahalin nitong pabango na naging paborito ko na simula nang maamoy ko ito sa kaniya. Ramdam na ramdam ko rin ang matigas nitong katawan, kahit nakasuot pa siya ng uniporme.

"A-Ano'ng ginagawa mo?" Napahawak ako magkabila niyang balikat upang ilayo siya ngunit walang saysay dahil mas malakas siya sa akin.

"She's no compare to you, Aki. Hindi mo kailangan magselos. And, I am not also going to her party anymore." Napalunok ako. Ang lapit-lapit ng kanyang mukha habang sinasabi niya sa akin.

"L-Lumayo ka nga!" asik ko at sinubukan ko ulit na itulak siya mula sa balikat ngunit mas lalo lang niyang hinihigpitan ang pagkakayapos sa baywang ko.

"Lalayo lang ako kung sasabihin mo sa akin kung ano ang sinabi ni Cain sa 'yo kanina."

Napahinto ako sa pagtulak sa kaniya at napatingin sa kaniyang mga mata. Bumalik ang kaba ko nang maalala ko ang naramdaman kong masasamang titig mula sa malayo habang kausap ko si Cain, 'yung President ng cooking club na nag-alok sa akin para sumali sa club nila.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now