Chapter 11

7.5K 410 28
                                    

Aki's Point of View



"Are you my new yaya po?" Gulat na gulat ako sa sinabi ng batang 'to. Nasa kusina kami ngayon at hindi naman malala ang lagnat nito. Sinisipon lang at medyo mainit ang katawan pero kaya naman niyang gumalaw.

Kanina habang naghihintay ako sala na lumabas si Hugo dahil sabi niya'y mag-uusap pa raw kaming dalawa. Bigla siyang lumabas bitbit ang anak nitong nakasuot ng pajama na terno't bagay na bagay sa kanya. Nagulat ang bata nang makita niya ako at tinanong ang Ama kung sino ako pero hindi siya sinagot ni Hugo. Kaya heto't ako ang tinatanong ng bata habang nakaupo ito sa upuang matangkad. May hawak siyang dinosaur sa kanang kamay at fried chicken naman sa kabila. Nakuha niya sa Ama ang pagiging manly ng itsura pero ang singkit nitong mga mata ay sa tingin ko'y sa Ina niya nakuha.

Nakaupo kaming tatlo sa mga upuan dito sa hapag at ang anak lang ni Hugo ang tanging nakaupo sa mataas na upuan. Kaharap ko si Hugo kaya nilingon ko ito at tinaasan lang ako ng kilay habang ngumingising kumakain. Nag-order na rin pala siya ng pagkain kanina kaya heto't kumakain kami.

Nilingon ko na lang ang bata dahil ayaw na naman sumagot ng ama. "H-hindi, k-kaibigan ako ng Papa mo," sagot ko. Pagkamalan ba naman akong Yaya niya pero okay lang naman kung ganito ka-cute ang aalagaan ko. Kaso hindi puwede dahil nag-aaral pa ako.

"But Papa Hugo doesn't have friends po," anito. Kumagat siya sa hawak niyang fried chicken at ang cute ng pagnguya nito sa manok. Lahat siguro nang gagawin ng batang 'to ay cute?

Hindi na rin ako nagulat sa sinabi ng bata. Nakakagulat lang na alam nitong walang kaibigan ang Ama o 'yun lang pinapaalam nito sa anak? Minsan hindi ko ma-predict kung ano ba at sino ba talagang tao si Hugo. Matagal ko na siyang nakikita't hinahangaan pero hindi ko siya lubos na kilala. Kapag tinatanong mo'y hindi ka naman sinasagot, minsan ay sinusungitan pa niya ako.

"Nitong nakaraan lang kami—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil si Hugo ang sumagot sa sinabi ng kanyang anak.

"He's not a friend. He's a nuisance. Now finish your food and drink your medicine. You're not feeling well," sabi niya sa anak.

Gusto ko sana itong sagutin pero ayaw kong matakot ang bata at isipin nitong masama akong tao. Kaya sinamaan ko na lang siya nang tingin at sinasabing mamaya-ka-sa'kin-look. Nginisian lang niya ako at nagpatuloy na rin sa pagkain. Wala akong nagawa kundi ang ubusin na rin ang binili nitong pagkain, nakakahiya naman kung mag-iinarte pa ako.

--

Kinuha ko na ang gamit ko dahil balak ko nang umuwi. Hindi ako puwedeng magtagal dito dahil hindi naman ako nakapagpaalam na rito ako pupunta. Baka nag-aalala na si Mama sa akin kung bakit hindi pa rin ako nakakauwi hanggang ngayon. Isinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat at tumayo n amula sa pagkakaupo rito sa kaniyang sala. Saktong bumukas ang kuwarto ng anak nito at lumabas siya roon.

Pagkatapos naming kumain kanina ay agad niyang pinatulog ang bata. Kaya naghintay ako rito sa sala pero nang makita kong mag-aalas otso na ng gabi ay napagdesisyunan ko nang umuwi. Wala naman akong gagawin dito. Hindi ko alam bakit dinala-dala pa niya ako rito.

"Where are you going?" tanong nito nang makita niya akong suot na ang bag ko. At hanggang ngayo'y wala pa rin siyang suot na pang-itaas na damit. Kaya umiwas agad ako ng tingin.

"U-uuwi na ako dahil wala naman akong gagawin pa rito," sagot kong hindi nakatingin sa kanya. Ayokong tignan ang nakakaakit niyang katawan dahil nakakaramdam ako ng init na hindi ko alam kung saan nagmumula.

"No! You're not going anywhere." Pagtingin ko rito nasa harapan ko na pala siya at masama siyang nakatingin sa akin. Kaya ako nama'y hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nakanganga ko siyang tiningala dahil sa matangkad siyang tao.

"Ulitin mo nga 'yung sinabi mo?" hindi ko makapaniwalang sabi. Ano'ng karapatan niyang hindi ako pauwiin sa amin?

"Hindi ka uuwi dahil dito ka lang," sabi niya at itinagalog na niya. Kaya mas naging malinaw na sa akin 'yun. Sinamaan ko naman ito ng tingin pero tinitigan lang niya ako kaya napaiwas agad ako ng tingin.

"Akala ko ba istorbo lang ako sa 'yo? Bakit mo pa ako dinala rito?" Hinawi ko siya dahil nakaharang siya sa harapan ko pero hindi ko nagawa dahil malaki siyang tao. Hindi ko man lang nagawang pagalawin ang katawan niya, ang tanging nakuha ko lang ay ang kuryenteng biglang dumaloy sa katawan ko ng magkadikit ang mga balat naming. "Umalis ka nga riyan!" bulyaw ko at nilakasan ang loob na iangat ang paningin at tignan siya sa kanyang mga mata.

"You will stay here unless I say so," anito at tinalikuran niya ako. Naglakad ito pero napatigil siya sa hagdan nang magsalita ako.

"Wala kang karapatang magdesisyon sa buhay ko. Gusto mo bang sabihin ko sa iba ang tungkol sa anak mo?" Mabilis ang naging kilos nito at ilang saglit lang ay nasa harapan ko na 'to. Hawak niya ang braso ko nang mahigpit at masama siyang nakatingin sa akin pero hindi ko ipinakitang natatakot ako sa kanya.

"Ano'ng sabi mo?!" Ramdam ko ang galit sa tono ng boses nito pero nanatili akong kalmado at ipinapakitang kaya kong gawin ang sinasabi ko.

"Gusto mo pa bang ulitin ko?" tanong ko. Pabagsak niyang binitiwan ang braso ko pero hindi pa rin nawawala ang masama niyang tingin sa akin. "Baka nakakalimutan mong alam ko ang sikreto mo. Akala ko ba napag-usapan natin 'to?"

"Ano ba talagang gusto mo sa akin? You can tell it to me straightly!" Mahinahon pero ramdam mo ang inis sa tono ng kanyang boses.

"Paulit-ulit ka naman ng tanong, eh. Sinabi ko naman sa 'yong gusto kitang maging kaibigan in a good way," sagot ko. Umirap pa ako ng palihim.

"Y-you don't want my body?" Tumingin ako rito at hindi nakaiwas sa aking mga mata ang magandang hubog ng katawan nito. Hulmang-hulma ang abs nito na parang isang greek god ang kanyang itsura. Kahit sinong babae at bakla'y magugustuhan ang katulad niya.

"Bakit ba 'yan ang iniisip mo? Sa tingin mo ba'y lahat ng nagkakagusto sa 'yo ay katawan mo lang ang gusto nila? H-hindi porket bakla ako, Hugo, ay gugustuhin ko na ang maka-sex ka. Gusto ko lang maging kaibigan mo dahil akala ko'y magkakaintindihan tayong dalawa." Umiling ako at tinalikuran na siya. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot dahil umalis na ako roon.

Binuksan ko ang pinto ng condo niya at lumabas doon. Pabagsak ko 'yung isinarado at nagmartsa na paalis sa building na 'to. Nakakainis kasi ang ugali ng isang 'yun.



--



Sakay ng taxi dahil wala na akong choices, nakarating ako sa bahay ng mabilis. Tinawagan ko naman si Mama habang nasa taxi ako kanina at sinabi kong sa bahay ako ng kaklase ko kanina. Mabuti na lang at wala na siyang ibang sinabi. Pagdating ko sa bahay ay agad akong bumaba sa taxi nang makapagbayad ako. Hindi naman kalayuan ang condo ni Hugo sa amin kaya nakatipid pa rin ako sa pambayad ng taxi.

"Nandito na po ako!" sabi ko nang makapasok ako sa loob ng aming bahay. Inalis ko ang sapatos ko at inilagay iyon sa shoe rack sa tabi. 8.30 na nang makarating ako sa bahay. Naabutan ko naman sina Mama at ang kambal na nanonood ng paborito nilang telenovela sa sala.

"Oh, nandiyan ka na pala. Kumain ka na ba?" tanong ni Mama nang makita niya ako. Umupo ako sa tabi nito at humalik sa kanyang pisngi.

"Kumain na po ako sa kaklase ko, 'Ma. Pinakain na po niya ako." Ngumiti ako at tumayo na rin. "Akyat na po ako dahil pagod na ako." Tumango lang ito at nagpaalam na ako pati sa kambal.

Umakyat ako sa second floor at pumasok sa kuwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama nang maialis ko ang bag ko't itinapon 'yun sa tabi. Nakatingin ako sa kisame at inisip ang mga nangyari kanina. Kahit naiinis ako kay Hugo dahil sa sinabi nitong katawan lang niya ang habol ko, hindi pa rin nawawala ang pagkagusto ko sa kanya. Gusto ko sana siyang sampalin pero mas gusto ko siyang halikan.

Napabangon ako dahil sa mga iniisip ko. Ginulo ko ang buhok ko at sunod-sunod na umiling. Nahihibang na ako. Kaya para mawala sa isipan ko ang katawan nito ay umalis ako sa kama upang makaligp't agad nang makatulog.



*****

Don't forget to votes, share your thoughts about the story and follow me for more stories!

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon