Chapter 28

6.6K 347 44
                                    

Sorry for the late updates. busy lang kasi talaga guys. Sorry na. Here's the new chapter po.


Aki's Point Of View

Unti-unti ko nang nakikilala si Hugo, may mga bagay na akong alam tungkol sa kaniya at natutuwa ako dahil marami ang nagbago sa pagitan naming dalawa. May itinatago pala siyang lambing sa katawan dahil sa araw-araw ako nitong kinukulit sa video call kapag nakauwi na ako sa bahay.

Kasama na rin nito ang anak at may bagong nagbabantay na rin dito kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Let's have a date tomorrow?" Nagulat ako at napatingin sa laptop ko, nasa kabilang linya si hugo sa loob ng kaniyang kuwarto at naroroon din ang kaniyang anak sa kama nito naglalaro. As usual ay wala na naman siyang suot na damit.

"Date?!" Tumango siya at ngumiti na madalas na niyang ginagawa ngayon, hindi na katulad noon na halos malukot ang mukha nito sa tuwing nakikita niya ako. "S-Saan naman tayo pupunta at magde-date?"

"Wherever you wanted to go," sagot niya.

Kumabog ang dibdib ko. Alam kong mutual na ang feelings naming dalawa ni Hugo ngunit hindi pa kami lumalabas na dalawa, 'yung bang tinatawag nilang date. Kaya hindi mapakali ang puso ko sa excitement na sa unang pagkakataon ay mararanasan kong makipag-date sa taong hinahangaan ko matagal na.

"S-Sige," sagot ko.

Marami na ang eksenang naglalaro sa isipan ko, 'yung tipong magkahawak kami ng kamay habang naglalakad at masaya naming pinagmamasdan ang paligid. 'Yung hindi namin iisipin ang sasabihin ng iba tungkol sa amin. Kakain kaming dalawa sa kahit hindi fancy restaurant basta masarap ang luto dahil hindi na kami madalas na magkasama at magkita sa university, dahil sa mga mapangmata sa school 'yung mga stalker niya.

Nag-usap pa kami ng matagal hanggang sa nagpaalam na sa isa't isa dahil na rin sa nakatulog na pala si Simon sa kaniyang kama ng hindi namin namamalayan.

Sa tuwing naiisip kong iba na ang pakikitungo sa akin ni Hugo, hindi ko maiwasang hindi kiligin. Kumakabog ng malakas ang puso ko at hindi ko namamalayang namumula na ang magkabila kong pisngi. Isa lang naman ang intensiyon ko noon, ang makipagkaibigan at makilala pa ng lubos ang taong hinahangaan ko ngunit ang magkaroon siya ng ibang damdamin para sa akin ay bonus na.

-

"Where do you want to go?"

"Hindi ko alam, ikaw saan mo ba gustong pumunta?" tanong ko pabalik kay Hugo.

Sakay na kaming dalawa ng kaniyang kotse. Hindi naming kasama ngayon ang anak niya dahil iniwan niya si Simon sa kaniyang mga magulang. Maaga pa lang kanina ay nasa labas na siya ng aming bahay, kung hindi lang si Amie na siyang ngpapasok sa kaniya ay hindi ko pa malalaman na nandito na siya. Kung bakit kasi hindi man lang siya nag-text o tumawag sa akin, kaya halos madapa ako sa hagdan naming kakamadaling umakyat upang maligo.

"Okay," sabi lang nito. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta, ang mahalaga ngayon ay magkasama kaming dalawa.

Tumingin ako kay Hugo. Pinagmasdan ko ang side profile nito na litaw na litaw ang matangos niyang ilong at ang labi nito. Mabilis akong umiwas ng tingin nang may pumasok na eksena sa isipan ko at napahawak sa aking labi.

Bigla akong napaisip kung ano ang pakiramdam ng mahalikan ka sa labi. Dahil sa tuwing may nangyayari sa amin ni Hugo, na dalawang beses lang naman ay never ako nitong hinalikan sa labi. Hindi ko alam kung bakit kaya nagtataka ako kung ano ba ang pakiramdaman.

Sabi ng iba'y kung first kiss mo ay dapat na espesyal ito, may magandang paligid, nasa tamang oras, at ang taong dapat na humalik sa 'yo sa labi ay ang taong sigurado nang makasama ka sa habang buhay.

"Why are you holding your lips?" Natigilan ako sa pag-iisip at sumulyap sa kaniya. Nakatuon pa rin ang pansin nito sa harapan habang abala sa pagmamaneho.

"W-Wala!" mabilis kong sagot at pasimpleng ibinaba ang kamay, ipinatong ko 'yun sa aking mga hita. Umiwas ako ng tingin. "May iniisip lang ako," dagdag ko.

"Ano'ng iniisip mo?" Hindi ako makatingin sa kaniya dahil ayokong mapansin nito ang pamumula ng aking magkabilang pisngi. "You're thinking that someone's kissing you?"

"Hindi!"

Mabilis akong lumingon sa kaniya at nakita ko ang pag-igting ng panga niya, mahigpit din ang hawak niya sa manebela dahil lumalabas ang ugat niya sa kamay. Nakasuot siya ng long sleeve na polo at nirolyo ang mangas nitong hanggang braso kaya kita ang maugat nitong kamay.

"Then what are you thinking?" Inapakan nito ang preno kaya tumigil ang kotse. Humarap siya sa akin.

Kinabahan ako dahil sa masamang tingin nito na tila makakapatay siya ng tao sa paraan pa lang ng kaniyang tingin. Umiwas ako at ibinaling sa harapan ang pansin, nasa tapat kami ng traffic light kaya pala huminto ang kotse niya.

"Ano...Kwan—"

"Sabihin mo, Aki. Kung ano ang iniisip mo para 'di ako makaramdaman ng selos!" pagpigil nito sa sasabihin ko, at hindi ko inaasahan 'yun.

Nagseselos siya? Kanino?

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya kaya pumikit ako at huminga ng malalim bago ako muling lumingon kay Hugo na nakatingin pa rin sa akin. Hindi pa rin nawawala ang masama nitong tingin.

"Iniisip ko kung ano ang pakiramdam ng halikan ka sa labi," sabi ko ng hindi humihinga.

Mabilis akong umiwas ng tingin nang napalitan ng ngisi ang masama nitong tingin. Hindi niya ako sinagot bagkus umayos siya ng upo at muling humarap upang itiuon ang atensiyon sa pagmamaneho.

"We'll wait for that time," ang narinig ko lang na sabi niya at muling pinaandar ang kotseng sinasakyan namin.

-

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano ba ang ibig sabihin ni Hugo sa sinabi nito kanina. Ginugulo nito ang isip at puso ko. Gusto kong malaman kung ano ba ang tamang oras na hinihintay niya?

"Here, you should eat lot, para hindi ka mangayayat." Tumawa pa siya habang nilalagyan niya ng pagkain ang platong kaharap ko.

Nasa isang restaurant kaming dalawa, galing kami sa panonood ng sine kaya naisipan naming kumain bago mamasyal ulit. Nag-enjoy akong kasama siya ngunit hindi pa rin ako mapakali sa kakaisip sa sinabi nito kanina. Naguguluhan pa rin ako.

"Salamat," sabi ko at kinain na ang seafoods na siyang in-order niya.

"Palagi na lang malalim ang iniisip mo, why don't you share that to me? Mmm?" Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa aking mga mata. Hindi tuloy ako mapakali sa inuupuan ko.

Nilunok ko ang laman ng bibig at mabilis na uminom ng tubig. Nilakasan ko ang loob kong makipagtitigan din sa kaniya, kahit na ang puso ko'y hindi na napapagod sa pagtibok ng mabilis.

"Ikaw..." sagot ko. "Ikaw ang iniisip ko, ang mga sinasabi mo, at kung bakit tayo napunta sa sitwasyong ito. Wala akong ibang iniisip kundi ikaw lang." Pigil ang hininga habang sinasabi sa kaniya ang mga nilalaman ng isipan ko.

Gusto kong malaman niya ang lahat dahil hindi ako 'yung taong mahilig magtago ng lihim sa iba. Bumuntong-hininga ako pagkatapos saka umiwas ng tingin. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko ngunit walang silbi ang pag-iwas ko dahil nakita na niya ito.

"Nasabi ko na rin naman sa 'yo ang lahat at uulitin ko, Aki. I fall for you first before you notice my existence. I made everything possible to be with you today, kaya hindi ko sasayanging ang bawat araw na magkasama tayo dahil ipaparamdam ko sa 'yong gusto kita. At, gusto kong ako lang ang iniisip mo. I know I'm being selfish sometimes but I am just scared that you might fall for someone at hindi ako 'yun."

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now