Chapter 38

5.9K 301 48
                                    


Aki's Point Of View

Iniisip ko na panaginip na lang ang lahat, na bumalik na lang dati sa kung papaano kaming dalawa na hindi pa magkakilala.

'Yung mga panahong pinagkakasya ko na lang ang sarili na pagmasdan siya mula sa malayo. Panahong hindi pa niya nakikita ang existence ko. At, 'yung mga panahong hindi pa nagtatagpo ang landas naming dalawa.

Gusto kong kalimutan siya, maka-move on at gusto kong maghilom na itong sugat na ginawa. Pero 'di ko alam kung papaano ko gagawin. Dahil sa tuwing sinusubukan ko, paulit-ulit naman siyang bumabalik sa isipan ko.

"Anak, hindi ka ba papasok ngayon?" Napatingin ako sa pinto nang magbukas ito at pumasok si Mama. Nakatayo siya doon habang malungkot na nakatingin sa akin. "Tatlong araw ka ng nagkukulong dito," sabi pa nito.

Umiwas ako ng tingin. Hinila ang kumot upang takpan ang buo kong katawan. Ayokong makita niyang nagsisimula na namang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata.

"W-Wala naman po kaming gagawin, 'Ma," sabi ko. Pinipilit kong ayusin ang tono ng boses kahit na halata na rito ang pautal-utal kong pagsasalita.

Ang hirap pigilan ang mga luha ko. Napakababaw nila. Palagi kong sinasabi na matapang ako ngunit kapag naaalala ko na siya, bigla na namang bubuhos ang aking mga luha.

Naramdaman ko ang pag-upo nito sa aking kama at ang pagpatong ng kaniyang kamay sa ibabaw ng kumot na nakabalot sa katawan ko.

"Ayos ka lang ba, Aki?"

Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot at tumingin kay Mama. Nagulat siya nang makita niyang tuloy-tuloy na bumubuhos ang luha sa aking mga mata.

"M-Mama..." Bumangon ako at mabilis ko siyang niyakap.

Hinaplos niya ang likod ko na pinapatahan niya ako. Hindi siya nagsalitan. Marahan lang niyang hinahaplos ang likod ko habang mahigpit niya akong yakap. Mas lalo kong isiniksik ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

Tatlong araw na magmula nang huli kaming magkita at tinapos ang ugyanan naming dalawa. Tatlong nang hindi ko siya nakikita, nahahawakan at naaamoy. Tatlong araw ng walang Hugo sa tabi ko na yakap-yakap ako at ipinaparamdaman kung gaano niya ako kamahal, na ngayo'y nagdududa na ako kung totoo ba ang lahat ng ipinaramdam niya sa akin.

"Sshhh..." Marahan niya akong hinahaplos, pinapatahan sa tuloy-tuloy na pag-iyak. "Magiging maayos din ang lahat. Magiging maayos ka rin. Dahil hindi ito ang Aki na kilala ko. 'Yung Aki na alam ko, masigla iyon kahit na walang kaibigan. Iyong Aki na matapang, kahit na takot sa dilim. At, 'yung Aki na mahal na mahal ko."

"M-Mama... H-Hindi ko po alam," umiiyak kong sabi. Hinarap ko si Mama at tumingin ako sa kaniyang mga mata. "H-Hindi ko po alam ang gagawin ko," pag-uulit ko.

Sinusubukan kong ayusin ang pananalita ko upang lubos niya akong maintindihan ngunit 'di ko magawa. Nahihirapan ako magsalita dahil na rin sa paninikip ng dibdib ko at ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ko.

Hinawakan niya ang magkabila kong mukha. Pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata gamit ang kaniyang hinlalaki. Nakikita ko ang awa sa kaniyang mga mata.

Hinahaplos niya ang medyo mahaba ko ng buhok at patuloy niyang pinupunasan gamit ang palad nito ang aking mga mata.

"Kaya mo iyan, Akierra. Nandito lang naman ako, kami ng mga kapatid mo." Ngumiti si Mama. "Kahit hindi mo sabihin kung ano man iyang pinagdadaanan ko, alam na alam ko dahil ako ang ina ko. Ako iyong nagluwal at nagpalaki sa 'yo. Kaya alam kong makakaya mo iyan, 'Nak. Magiging masaya ka ulit katulad ng dati."

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now