Chapter 4

9K 456 61
                                    

Aki's Point of View

Hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko dahil sa matang kanina pa nakatingin sa akin. Dumating na si Mina at agad naman namin sinimulan ang ginagawa naming dalawa. Nag-order siya ng milk tea at piece of cake para sa amin. Kaharap ko ang laptop ko upang gawin ang sinabi nitong part ko pero hindi ko masimulan dahil kanina ko pang napapansin na nakatingin sa akin si Hugo. Bakit hindi pa siya umaalis?

"Magbabanyo lang ako." Tumango lang si Mina at agad naman akong tumayo.

Mabilis ko naming nahanap ang banyo rito dahil nagtanong din naman ako sa waiter na nakasalubong ko. Pumasok ako sa loob at saktong walang tao kaya naglakad na ako papunta sa nakabukas na cubicle. Papasok n asana ako sa loob nang may humila sa braso ko paharap at ang masamang tingin nito. Kung nakakamatay lamang ang tingin niya'y baka kanina pa ako nakabulagta rito sa sahig ng banyo.

"Are you following me?!" may diin nitong tanong. Mahigpit niyang hawak ang kaliwa kong braso kaya nasasaktan ako. Malakas din ang tibok ng puso ko. "Answer me! Sinusundan mo ba 'ko rito?!"

"P-puwede bang bitiwan mo 'ko? N-nasasaktan na kasi ako," sabi ko sa kanya. Sinusubukan kong alisin ang kamay nito ngunit mas lalo lang n'yang hinigpitan ang pagkakahawak na para bang mababali na niya ang buto ko. "A-araay!"

"Tinatanong kita, sinusundan mo ba ako?!" pag-uulit niya sa kanyang tanong. Hindi pa rin nawawala ang masama nitong tingin sa akin.

"Hind—" Sasagot na sana ako nang magbukas ang pinto ng banyo. Mabilis ang nagging kilos nito at itinulak niya ako papasok sa loob ng cubicle. Hindi ako makagalaw sa puwesto ko dahil sa sobrang lapit naming sa isa't isa. Kung bakit kasi sumama pa ito papasok, alam naman niyang masikip dito sa cubicle.

Mas lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko dahil sa puwesto naming dalawa. Sobrang lapit ng mga katawan naming sa isa't isa. Matangkad siyang tao kaya hanggang dibdib lang niya ako. Naaamoy ko rin ang pabango nitong sa tingin ko'y mamahalin. Naipikit ko ang mga mata ko upang damhin ang amoy nito ngunit mabilis ko ring idinilat nang maramdaman ko ang presensiya nitong nakatingin sa akin. Iniangat ko ang tingin ko at tama ang hinala kong nakatingin ito sa akin na nakakunot ang kanyang noo.

"What are you doing?" tanong niya. Mahina lang ito na sapat lang upang hindi kami marinig sa labas.

"W-wala." Umiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyang ginawa ko.

"Tss! Stupid!" Mabilis kong ibinalik ang tingin sa kanya at sasagutin ko na sana ito pero hindi ko nagawa dahil sa nakita kong munting ngiti sa kanyang labi. Nawala rin naman ito kaagad dahil nakita niya akong nakatingin sa kanya.

"W-wala ng tao sa labas, p-puwede bang lumabas na tayo?" tanong ko nang mapansin kong kanina pa kami rito. At, kanina ko pa pinipigilan ang pantog ko dahil naiihi na ako.

Hindi niya ako sinagot. Tumalikod ito sa akin at binuksan ang pinto. Sumilip siya rito at agad din siyang lumabas kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Isinarado kong muli ang pinto ng banyo para umiihi. Mabilis akong natapos kaya inayos ko na ang sarili ko para lumabas. Muntik pa akong mapatalon dahil nasa labas pa rin pala si Hugo na nakasandig sa stool ng lababo. Naka-crossed arms pa ito habang magkasalubong ang kilay niyang tingin sa akin.

"You haven't answer my question," bungad nitong tanong. Bakit ba ang kulit neto? Ganito ba siyang klase ng tao?

"Hindi mo ba nakikitang kasama ko ang kaklase ko? Bakit naman kita susundan dito?" balik tanong ko sa kanya. Lumapit ako sa banyo at naghugas ng kamay.

"You're lying. Sinasabi mol ang iyan para may dahilan ka pero ang totoo you're following me here because you like me. I'm sorry but I don't like gays!" Masama ko siyang binalingan ng tingin.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now