Chapter 24

7.3K 407 78
                                    

I'll try to updates this tomorrow. May klase ako, eh hahaha kaya nag-update ako ng dalawa ngayong araw. Hope you enjoy this chapter!

-

Aki's Point of View

Gusto kong itali ang puso ko dahil hindi na ito natigil kakatibok ng mabilis. Noon pa man ay ganito siya sa tuwing malapit o nakikita ko si Hugo pero mas nadadagdagan ang bilis ng tibok niya ngayon.

Hindi ako mapakali sa upuan ng kaniyang kotse. Napapatingin ako sa kaniya at kapag napansin kong lilingon ito sa akin ay mabilis akong iiwas.

Gustong-gusto ko ang klase ng pagkakagupit sa kaniya. Bagay na bagay sa tulad niyang maganda ang hubog, matangkad at guwapo. Malinis ang kaniyang itsura at parang ang aliwalas niyang tignan. Hindi katulad noon na seryoso at makikita ang pagiging istrikto niya.

"You can stare at me for as long as you want." Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.

Biglang nag-init ang magkabila kong pisngi. Napapansin pala nitong sumusulyap ako sa kaniyang mukha. Gusto ko sanang tumanggi kaso parang ang denial ko masyado kahit na obvious naman ang ginagawa ko.

"H-Hindi ba natin kukunin si Simon?" Kaya imbes na patulan ang kaniyang sinabi ay iniba ko na lamang ang usapan.

"My mom missed him so much, so we won't. He's staying there for a week," sagot niya.

"So, puwede na akong umuwi sa bahay? Tutal wala ka naman palang itinatago na hindi ko puwedeng sabihin," sabi ko.

Bigla akong nagulat at napakapit ng mabilis sa seat belt na suot. Inapakan kasi nito ang preno ng mabilis kaya muntikan na akong mauntog sa harapan ko. Mabuti na lang dahil walang sasakyan sa harapan at likod namin, baka maging dahilan pa iyon ng pagkakadisgrasya namin.

"No!" mabilis niyang sagot na ikinagulat ko. Nakaramdam ako ng galit sa tono ng kaniyang boses.

"O-Okay," sagot ko at umiwas ng tingin.

"I-I'm sorry. W-Wala kasi akong kasama kaya puwedeng manatili ka muna kahit isang linggo na lang?"

Bumuntong-hininga ako. "Kapag sinabi ko bang ayoko ay papayagan mo akong umuwi sa amin?" Mabilis pa sa alas-kuwatro siyang umiling.

"Siyempre, hindi!" sagot pa nito.

"Yun naman pala, eh. Bakit kailangan mo pang itanong?" Tumawa lang ito. Napapailing akong tumingin na lang sa labas, sira ata ang kanyang ulo.

-

"Ano'ng lugar na 'to?" tanong ko kay Hugo.

Tumingin ako sa paligid at wala akong nakikita kundi mga puno at halaman. Nakakarinig din ako ng mga huni ng ibon. Para akong nasa isang gubat. Nakakapagkalma sa akin ang huni ng mga ibon sa paligid.

"Have you been here before?" Tumingin ako sa kaniya. Nakatayo siya malapit sa kaniyang kotse. Umiling ako bilang sagot.

"Kayo ko lang napuntahan itong lugar. Magtatanong ba ako kung alam ko?" pamimilosopo ko pa na ikinatawa lang niya.

"Okay okay. This is a bird sanctuary. Inside of that cage is a lot of different birds," aniya habang itinuturo ang isang malaking kulungan. "Let's go, I'll tour you."

Excited akong sumunod sa kaniya. Konteng briefing lang ang ginawa sa amin. Binigyan kami ng sumbrero na malaki upang hindi raw mahulugan ng dumi ng ibon ang aming mga ulo.

Sabay kami ni Hugo na naglalakad. Itinuturo nito sa akin ang iba't ibang uri ng ibon sa paligid. Hindi naman totally na kulungan ito dahil nakakalipad pa rin ng malaya ang mga ibon sa kalangitan. Dito lang daw nila gustong manatili dahil tabi ito ng ilog at ang mga kawayan, na siyang karamihan sa mga puno ay kanilang tinatambayan.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now