Chapter 29

6K 323 32
                                    

Aki's Point Of View

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na may itinatagong ganitong mga salita si Hugo na nagpapabilis nang tibok ng aking puso.

"K-Kumain na lang tayo," sagot kong nauutal dahil wala akong mahanap na salitang dapat kong sabihin sa kaniya.

Ngumiti siya kaya nakita ko ang pantay-pantay nitong mga ngipin. Umiwas ako ng tingin at itinuon na lang iyon sa mga pagkaing binili niya. Ayokong makita nito ang namumula kong pisngi.

Natahimik na kaming dalawa ngunit napapansin ko ang panakaw-nakaw niyang tingin sa akin. Hindi rin nawawala ang ngiti nito sa kaniyang labi at ang mga mata nito'y may kakaibang kislap.

Pagkatapos naming kumain ay agad kaming umalis doon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi na ako nagtanong pa, nagpapatianod na lang ako sa nararamdaman ko.

Tumingin ako sa labas ng bintana nang tumigil ang kotse sa parking lot at naririto kami sa isang sementeryo. Teka, bakit kami nandito?

Bumaling ako kay Hugo. Nasa loob pa rin kaming dalawa ng kaniyang kotse. "A-Ano'ng ginagawa natin dito?" kinakabahan kong tanong. May takot pa naman ako sa mga multo.

"You wanted to know me more, right?" Tumango ako bilang sagot. Siyempre, gustong-gusto kong makilala siya ng lubusan, kung ano ang gusto niya at kung alin ang ayaw niya. "Let's start here."

"Dito? Dito sa sementeryo?" Tumingin pa ako sa labas. Hindi pa naman nakikita ang mga puntod dahil sa bakod na humaharang ngunit alam mo ng sementeryo ito dahil sa labas pa lang ay nakasulat na kung ano'ng lugar 'to.

Kinilabutan ako. Kahit na alas-dos pa lang ng hapon ay natatakot pa rin ako pagdating sa mga multo, sa mga patay. Kahit na sabihin pa nilang hindi naman sila pumapatay,  mas nakakatakot pa raw ang buhay.

"Yes. Let's go. May ipapakilala ako," sabi niya at nauna na siyang lumabas.

Napipilitan akong lumabas din ng kaniyang kotse. Mabilis akong naglakad sa kaniya at walang pag-aalinlangan akong kumapit sa braso niya dahil umihip ang malamig na hangin. Nanindig ang balahibo ko dahil sa kaba.

Narinig ko siyang tumawa ngunit hindi naman niya inalis ang mga kamay kong mahigpit ang kapit sa kaniyang braso. Bagkus ay dumausdos ang palad nito papunta sa aking baywang at hinapit ako papalapit sa kaniya.

"No one will hurt you here. This is a peaceful place, Aki. Besides, I'm here, I'll protect you from everything."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Hindi pa rin naman nababawasan ang kaba sa dibdib ko pero dahil sa boses ni Hugo at sa assurance nitong hindi niya ako pababayaan. Nabawasan ang takot ko.

"Sigurado ka, ah?" Inangat ko ang tingin sa kaniya. Tumango lang siya at sincere na ngumiti.

Pumasok kami sa loob. Hindi pa rin ako bumibitaw sa braso nito hanggang sa makarating kami sa isang puntod. Tinignan ko ang nakalagay sa lapida kung sino ang namatay.

Athena Shein Ocampo

"Sino iyan?" tanong ko kay Hugo. Kumalas ako sa pagkakahawak sa kaniyang braso.

May nilabas siyang lighter at sinindihan ang narorong kandila sa puntod. Naupo rin siya sa damo at lumingon sa akin.

"Sit here," sabi niya.

Sumunod naman ako, naupo ako sa tabi nito habang nakatingin pa rin sa puntod ng babaeng nagngangalang Emilia.

"'Di mo pa sinasagot ang tanong ko." Tumingin ako sa kaniya dahil sa pananahimik niya.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now