Chapter 5

9.1K 477 18
                                    

Aki's Point Of View

Hindi ko lubos maisip na ang isang Hugo Hidalgo ay mayroon ng isang anak. May kung ano sa puso ko ang kumirot sa kadahilanang mukhang mayroon na siyang asawa. 'Yung hinahangaan ng mga nakakarami sa loob ng campus ay may anak na hindi naming alam? Pero kung sa tutuusin ay wala na kaming pakialam pa sa anak nito. Hindi lamang ako makapaniwala sa natuklasan kong iyon.

Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit galit ito sa akin na sabihin ko sa iba kung ano man 'yung ayaw niyang ipasabi. Hindi ko kasi ito lubos na naiintindihan. Masyado niyang ginugulo ang isipan ko.

"Akala ko ay hindi ka uuwi ngayong tanghali," sabi ni Mama nang makapasok ako sa loob ng aming bahay. Agad kasi akong umuwi dahil sa kaba at gulat.

"Sinabi ko naman po kasi sa inyong dito ako kakain ng tanghalian," sagot ko rito.

Naglakad na ito papasok sa kusina kaya sumunod na ako sa kanya. Naabutan naming ang dalawa kong kapatid na mukhang hinihintay kami. Naupo ako sa puwesto ko at nagsimula na kaming kumain.

"Kamusta ang activity niyo?" tanong ni Mama sa kalagitnaan ng aming pagkain.

Uminom muna ako dahil napuno ng pagkain ang bibig ko bago ko siya sinagot. "Maayos naman po, 'Ma. Bukas ay sa bahay nila kami gagawa dahil sinabi kong sabay kaming kakain ng lunch."

"Mabuti naman at may kaibigan ka na." Ngumiti siya. Alam ni Mama na wala akong nagiging kaibigan sa school. Dahil palagi kong kinukuwento sa kaniya ang mga nararanasan ko.

"Oo nga po, 'Ma," ang tanging naging sagot ko bago ko itinuloy ang pagkain.


**


Nakatihaya akong nakahiga sa aking kama. Nakatingin ako sa kisame at iniisip ang mga nangyayari sa akin. Una ay ang pagiging magkaibigan namin ni Mina hanggang sa nalaman kong may anak na pala si Hugo. Ilang araw lang ang lumipas pero ang dami ng mga pangyayaring hindi ko inaasahan. Bumangon ako sa kama at nilapitan ang laptop ko sa aking study table. Binuksan ko at agad kong hinanap ang social media at nag-log in.

Tinignan ko kung anong latest post ng page ni Hugo ngunit wala akong nakitang bago. Medyo na-disappoint ako dahil ito na lang ang ginagawa ko bago ako matulog. Binibisita ko ang facebook page niya at pinagmamasdan ang kanyang mga litrato.

Bumuntong hininga ako at isasarado na sana ang tab ng may mag-pop up na friend request. Ini-click ko ito at nagulat ako dahil sa hindi ko inaasahang magse-send sa aking ng friend request. Pagka-accept ko sa friend request ni Mina ay mayroon pang sumunod na muntik ko nang ikahulog sa aking kinauupuan.

Hugo Hidalgo sent you a friend request.

Lumaki ang mga mata ko sa gulat at hindi makapaniwala sa aking nababasa. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kung pipindutin ko pa ang accept o ang delete request. Nakakapagtaka kung papaano nito nalaman ang facebook account ko.

Pinindot ko ang profile nito at tinignan ang kanyang timeline ngunit naka-private ang account niya. Ang profile picture niya ay naka-hoodie siya habang nakataas ang laylayan ng damit nito at kita ang hulmado nitong abs. Napalunok ako ng sunod-sunod at parang natutuyo ang lalamunan ko dahil sa aking nasilayan. Ngayon ko lamang nakita ang katawan nito at kahit sa litrato lang ito'y parang ang sarap niyang hawakan.

Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko? Nagiging mahalay na ako dahil sa katawan ni Hugo.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ito nag-send ng friend request at saka ngayon ko lamang nalaman na mayroon pala siyang facebook account bukod sa kanyang page na hindi naman siya ang gumagamit.

Natagalan siguro ako kakatitig sa profile picture niya at napabalik lang ako sa realidad nang may mag-message sa akin. Wala naman akong ka-chat at halos lahat ng post ko ay puro lamang shared post. Kaya nakapagtataka na may magcha-chat sa akin. Wala akong nagawa kundi ang pindutin ang message at nasa request message ko pala ito. Agad kong pinindot ang request message.

Hugo Hidalgo sent you a message.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Napatitig ako sa request message na hanggang ngayo'y hindi ko pa rin binubuksan. Nagulat ako ng sunod-sunod ang naging tunog ng notification ko na may nag-sent sa akin ng message. Wala akong nagawa kundi ang dahan-dahang ilapit ang arrow sa inbox at pindutin ang left click ng mouse upang buksan ito. Naipikit ko ang mga mata ko habang naglo-loading ang message. Dahan-dahan kong binuksan at nang maging malinaw sa akin ang lahat ay para akong hihimatayin sa gulat.

"Nuisance, why are you not accepting my request?!"

"Fck!"

"Hey! Answer my damn question!"

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag hindi ka sumagot sa mga messages ko!"

Napapalunok akong nakatingin sa mga messages nito. Marami pa siyang sinabi at halos pagmumura lang ang laman. Hindi ko alam kung ano ang kanyang ikinakagalit. Kaya para malaman ko kung ano ba talaga ang gusto niya ay in-accept ko ang friend request niya at nag-reply sa kanyang messages.

"Wala akong ginagawang masama sa 'yo! Hindi ko alam kung bakit ba galit na galit ka sa akin?" reply ko at ilang saglit pa'y typing na ito kaya hinintay ko.

Kahit na ang puso ko'y nagtatalon sa takot at tuwa, natatakot ako dahil hindi ako siya kilala na baka masama siyang tao pero natutuwa akong sa wakas ay napansin na rin ako nito. Pinipilit kong ikalma ang sarili ko. Ito pa lang ang kauna-unahang may makakasagutan ako ng hindi maganda. Kahit naman kasi wala akong kaibigan sa school ay walang nang-bully sa akin dahil mahigpit itong ipinagbabawal sa school. Kaya siguro ang mga kaklase at schoolmate ko'y hindi na lang ako pinapansin.

Akala ko'y magre-reply ito sa message ko. Nawala kasi ang-typing sa conversation naming. Baka naisip nitong wala naman akong gagawin na masama at ano ba kasi ang ikinakagalit niya?

Papatayin ko n asana ulit ang laptop pero biglang nag-pop up ang profile ni Hugo sa screen.

Hugo Hidalgo is calling you...

Dahil sa kuryusidad na alamin ang mga dahilan nito ay walang pag-aalinlangan kong sinagot ang kanyang tawag. Ilang segundo ang lumipas at bumungad sa akin ang masama nitong tingin sa kabila ng screen. Pero ang ikinagulat ko ay ang kanyang ayos, wala siyang damit pang-itaas.

"YOU!" bungad niya sa akin. "KUNG GUSTO MO PANG MANAHIMIK ANG BUHAY MO, HUWAG NA HUWAG MONG SUSUBUKANG SABIHIN SA IBA ANG NALAMAN MO!"

Hindi ako makasagot. Wala akong mahanap na salitang sasabihin dahil sa nakikita kong ayos niya sa kabilang screen. Naka-upo ito sa isang silya habang masama siyang nakatingin sa akin. Wala siyang suot na damit at kahit na medyo blurry ang screen ay kita ko mula rito ang ganda ng kanyang katawan. Ang background niya na sa tingin ko'y nasa kanyang kuwarto.

"W-wala akong alam sa sinasabi mo," ang sabi ko rito.

"Alam kong nakita mo akong pumasok sa isang shop and I know you know that I have son!" anito sa kabilang linya. Ramdam ko ang galit nito na hindi ko alam kung saan nagmumula. May diin ang bawat salitang sinasabi niya dahil sa pag-iigting ng kanyang panga at sa masasama niyang tingin.

"Hindi ko alam kung bakit nagagalit ka sa akin dahil nalaman kong may anak ka. Wala naman akong pake roon at maniwala ka sa hindi ay hindi ko iyon sasabihin sa iba kung iyon ang gusto mo." Pinipilit kong lakasan ang loob ko habang kausap ko siya.

Biglang nagbago ang timpla ng tingin nito pero agad ding bumalik ang sama ng kanyang mukha. "You don't understand! I have my eye on you, Nuisance. Subukan mong magkamali sa sasabihin mo sa iba at malilintikan ka sa akin!" Hindi na ako nakasagot pa dahil agad na nitong pinatay ang tawag at nawala na siya sa screen.

Bumuntong-hininga ako. Hindi ko siya naiintindihan dahil sa laki ng kanyang galit sa akin. Alam kong may rason siya pero ano 'yun? Dapat sana'y sinabi niya sa akin para naman alam ko at may dahilan akong hindi sabihin sa iba ang tungkol sa anak niya.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now