Chapter 17

7.1K 377 33
                                    

ENJOY READING!

Aki's Point Of View

"A-Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Simon? M-Masyado ka pang bata sa mga ganiyan," sabi ko rito. Tumingin ako sa pinapanood niya. "Oh, iyan dapat ang pinagtutuunan mo ng pansin."

"But–"

Tumingin ako sa kanya at pinutol na ang dapat niyang sasabihin. "No, buts, okay?" Ngumuso itong tumango at ibinalik ang pansin sa tv.

Bumuntong-hininga ako. Hindi ako makapaniwala sa batang 'to. Hindi ko alam kung ilang taon na siya pero kung makapagtanong ay parang matanda. Minana pa niya sa ama ang pagiging strikto ng kanyang itsura. Siguro paglaki nito'y hindi nalalayo ang ugali't itsura kay Hugo.

"Hindi ka ba gutom?" tanong ko sa kanya pagkaraan.

Tumingin ito sa akin. "A little bit po," sagot niya.

Tumingin ako sa pinto ng kuwarto ni Hugo dahil hindi pa rin ito lumalabas. Nang hindi magbukas iyon ay ibinalik ko ang tingin ko kay Simon at tumayo.

"Samahan mo ako sa kusina at ipaghahain kita ng pagkain," sabi ko sa kanya.

Mabilis naman itong kumilos at tumayo. Sabay na kaming pumunta sa kusina. Pinaupo ko muna siya sa mataas na upuan at saka ako lumapit sa mga lalagyan ng plato. Kumuha na ako ng pagkain sa ipina-order ni Hugo at inihanda iyon kay Simon. Naglagay rin ako ng mga plato sa mesa para kapag pumunta na siya rito ay handa na ang lahat.

Para na akong isang katulong!

Saktong natapos ako sa paglalagay ng mga plato. Nang pumasok si Hugo sa kusina na ang tanging suot lang ay shorts at basa pa ang kanyang buhok na may mumunting butil na dumadaloy sa katawan niya pababa.

"Ehem!" Kumurap-kurap ako at umiwas ng tingin. Biglang nag-init ang pisngi ko na siguradong namunula na ito ngayon dahil sa kahihiyan.

Napansin kong naglakad ito papalapit at kinabahan ako kaya hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Nang nasa likod ko na ito ay bigla siyang tumigil. Wala naman siyang sinabi dahil agad siyang umalis at pumunta sa kanyang puwesto.

Bumuntong-hininga ako at pasimpleng sumulyap sa kanya. Nakaupo na ito sa upuan kaharap ni Simon at abalang nilalagyan ng pagkain ang kanyang plato.

"Don't just stand there and stare us. Umupo ka at kumain na tayo," utos nito na agad ko namang sinunod.

Itinuon ko na ang sarili ko sa pagkain at paminsan-minsan ay sinusubuan ko si Simon dahil makalat siya kung kumain. Nang matapos naman kami ay ako na rin ang naghugas ng mga pinagkainan at naglinis dito sa kusina.

Mukha na talaga akong katulong. Gusto ko lang naman makatulong sa kanya at maging maging kaibigan siya. Pero wala akong magagawa, ginusto ko 'to kaya paninindigan ko kung saan man aabot ito.

-

Nakahiga na ako sa malambot na kama ni Hugo. Nakapagpalit na rin ako ng pantulog. Isang maikling shorts lang at minipis at large na damit. Naninibago ako kaya hindi agad ako makatulog.

Tumingin ako sa balcony dahil binuksan ko ito. Kita ang langit sa labas na puno ng bituin. Pinatay ko rin kasi ang aircon dito kaya fresh at malamig ang simoy na pumapasok.

Bumangon ako at bumaba mula sa kama. Naglakad ako papalapit sa balcony pero natigil ako nang magbukas ang pinto ng kuwarto. Napatingin ako rito kung saan pumasok si Hugo na iyon pa rin ang suot.

Hindi naman madilim dito dahil hindi ko pinatay ang ilaw. Kaya kita ko mismo ang ganda nang hubog ng kanyang katawan. Pero ano'ng ginagawa niya rito?

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now