Chapter 16

7.1K 404 74
                                    

THANK YOU, 2K READS. I LOVE YOU ALL. ENJOY THIS PART!

Aki's Point Of View

"I didn't saw your father. Where's he?" Tumingin ako sa kanya. Abala siya sa pagmamaneho.

"Tsismoso ka rin pala?" Tumawa ako pero binalingan lang niya ako nang tingin. "Auhmm. Patay na," sagot ko.

"I'm sorry, I didn't know," anito. Napangiti ako.

"Ayos lang. Matagal na rin naman iyon and masaya na ako sa kung saan si Papa ngayon. Ikaw nasaan mga parents mo?" tanong ko.

Tumigil kami at nang mapatingin ako sa labas ay nasa harap na kami ng building. Lumabas ito na hindi na naman sinasagot ang naging tanong ko. Wala akong nagawa kundi ang sumunod papalabas. Kinuha ko ang maleta ko sa likod ng kanyang kotse at hinila na iyon para sundan siya.

"Hindi mo ba ako tutulunga dito?" tanong ko nang maabutan ko siyang ibinigay sa bellboy ang susi ng kanyang kotse.

Humarap ito sa akin at tinignan ang hila-hila kong maleta. "You can do it, I believe in you." Ngumiti lang siya at agad na akong tinalikuran.

Masama ko lang tinignan ang malapad niyang likod at wala namang nangyari. Kaya bumuntong-hininga na lang ako't sinundan siya papasok sa building.

Pagdating namin sa condo niya at binuksan na niya ito. Sumunod ako papasok sa kanya at nakarating kami sa sala kung saan naroroon ang anak nitong naglalaro habang may kasamang isang nagtatrabaho rito sa building.

"Daddy!" Mabilis na tumayo si Simon na nakaupo sa sahig at patakbong nilapitan ang Ama nang makita niya ito.

"How's your day, Simon?" tanong ni Hugo sa bata nang binuhat niya ito. Ginulo niya ang buhok ng bata at ngumiti siya rito.

"Great po! Teacher teach us a lot of things like animals and plants po," masiglang sagot ng bata. Bigla naman itong tumingin sa akin ng mapansin niya ako. "Tito Aki's here?" tanong nito nang ibalik ang tingin sa ama.

Tito ang tawag nito sa akin kahit hindi ko naman siya pamangkin. Wala namang nagturo sa kanyang tawagin ako niyan pero hinahayaan ko na lang. Next time turuan ko na ganda na lang itawag niya sa akin.

Ibinaba niya ang bata at pumunta siya sa sofa. Pagtingin ko sa paligid ay wala na pala rito iyong staff ng building. Hindi ko man lang iyon napansin. Nakatayo lang din ako sa gilid habang pinagmamasdan silang dalawa.

"He's here because he's your new Yaya," balita ni Hugo sa bata. Tumingin siya sa anak na naupo rin sa tabi niya.

"But you told me last night that you don't like him? You said, I don't like him to be my friend, I want him to be my-"

"Aren't you happy that you have a new Yaya? May kasama na rin tayo rito sa bahay and you two can be friends and play." Pinigil niya ang dapat na sasabihin ng bata. Hindi ko alam pero ako lang din ba ang nakapansin na masama niya ring tinignan ang kanyang anak?

Bigla rin akong kinabahan at hinintay na magsasalita pa si Simon pero hindi na ito nagsalita pa. Kaya naging malaking katanungan sa aking isipan kung ano ba ang dapat niyang sasabihin, bukod sa ayaw akong maging kaibigan ni Hugo.

"T-tatayo na lang ba ako rito magdamag?" tawag pansin ko. Kanina pa kasi ako nakatayo rito at ang dalawa ay mukhang hindi na ako nakikita.

"No one told you to stand there," sagot ni Hugo.

"Ewan ko sa 'yo palagi ka na lang masungit. Friends naman tayo, eh!" Padabog akong umupo sa single sofa na kulay maroon. "Saan nga pala ako matutulog?" tanong ko.

"You can sleep in my room." Naidilat ko ang mga mata ko dahil sa gulat. Bigla akong napalunok dahil sa sinabi niya.

Saan daw ako matutulog? Sa kuwarto niya?

"S-Sa kuwarto mo?" Tumango siya at tumayo na.

"I'll be sleeping in my son's room. Just for now dahil wala pang laman ang guest room so you can stay in my room for a while."

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko'y magtatabi na kami sa pagtulog. "Pero puwede naman ako na lang tumabi sa anak mo para maging close kami," sabi ko rito nang aakma siyang aalis.

Tumingin siya sa akin at sa anak niya. Ibinalik din niya ang tingin sa akin at sumagot. "No! M-My son wants me to sleep beside him."

"But Daddy, I want Tito Aki to sleep beside me. We have a lot of things to talk about." Napatingin ako sa bata dahil parang ang tanda niya kung sumagot.

Maging si Hugo'y iba rin ang ugaling ipinapakita niya ngayon. Nakakapanibago dahil parang ang sigla niya at hindi ko maintindihan kung bakit.

"Just follow what I say!" Naglakad na ito papunta sa hagdan ngunit tumigil ito at tumingin sa amin. "You can bring your baggage to my room and you Simon, go to your room and take a bath."

Bigla kaming nagkatinginan ni Simon na nakaupo sa mahabang sofa. Nagkibit-balikat ito na akala mo'y nagkaintindihan kami ng iniisip. Pero pakiramdam ko'y magkakasundo kami nitong anak niya.

-

Ito ang kauna-unahang beses akong makakapasok sa kanyang kuwarto. Malaki ang espasyo nito, mayroon isang king size bed, banyo, walki in closet, tv, computer at may maliit na sala. Mayroon din balcony na may iilang halaman. Ngunit kakaunti lang ang mga gamit na nandito. Mayroon ding book shelves at study table sa tabi ng computer set.

Binuksan ko ang cabinet na nakasabit sa wall malapit sa walking closet niya. Wala itong laman ngunit malinis kaya naisipan kong dito ko na lang ilalagay ang mga gamit ko.

Bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto kaya napatingin ako roon. Pumasok si Hugo, suot pa rin nito ang kanyang uniform.

"Are you done?" tanong niya. Ibinaling ko ang tingin sa cabinet at isinarado iyon nang matapos kong ilagay ang mga gamit ko.

"Yeah," sagot ko nang humarap ako sa kanya. Ngumiti pa ako at inilibor muli ang tingin sa loob. "Bakit wala halos design dito sa kuwarto mo? Pati sa sala ay wala rin halos designs," sabi ko pa.

"It's none of your business," sagot nito at lumapit sa walk in closet niya. "Nagpa-order ako ng pagkain. Lumabas ka na muna, I'll just clean myself first before we'll eat." Tumango lang ako at iniwan na siya roon.

Naabutan ko sa labas si Simon na nanonood ng cocomelon sa tv. Prenteng nakaupo ang bata sa sofa habang sinasabayan ang lyrics ng nursery rhymes sa pinapanood niya. Umupo ako sa single sofa. Tumigil siya at tumingin sa akin.

"Where's Daddy po, Tito? I'm already hungry na po." Ngumiti ako at napakamot sa aking batok.

"Naliligo pa, eh. Hintayin na lang natin, okay?" sabi ko kaya tumango-tango naman siya.

"Do you like my Daddy po, Tito Aki?" Natigilan ako sa tanong nito. Seryoso ang kanyang mukha na manang-mana sa kanyang ama.

"H-Hah?" Napakurap-kurap ako ng mga mata. Hindi ako makapaniwala sa tanong nito.

"I see it in your eyes po. The way you look at my Daddy po, it's like you're dreaming that you both are together." Napalunok ako. Hindi ako makasagot at makapaniwala na ibang Simon ang kausap ko. Ganito ba 'tong mag-amang 'to? Parang mababaliw akong kasama silang dalawa.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz