Chapter 20

7.8K 431 100
                                    

Aki's Point Of View

"Oh, bakit parang hindi ka mapakali riyan?" Umupo ako sa harap ni Mina nang makarating ako sa cafeteria.

"Ah–eh, kasi ito." Inabot ko sa kanya ang papel na binigay ni Cain sa akin, 'yung member ng cooking club na gusto akong pasalihin sa club nila.

"Wow!" Napatingin ako sa kanya. Inangat nito ang tingin nang mabasa niya ang nakasulat.

"Bakit?" tanong ko. Hindi ko pa kasi nababasa iyong nakasulat diyan. Ginawa ko lang excuse iyan para 'di nito mapansin ang kaba ko.

Kanina pa ako kinakabahan nang makita ko si Hugo na masama ang tingin. Hindi ko alam pero may masama akong kutob sa tingin nito, kung ako man ang tinitignan niya. Naguguluhan ako dahil ano'ng ginagawa niya sa building namin? Nasa kabila ang building nila.

"Wala lang, trip ko lang." Pinaikutan ko siya ng mga mata. Akala ko'y kung ano na ang nakakagulat sa binasa niya. "So, what's your plan? Are you planning to join this club?"

Ibinalik niya sa akin ang papel at tinignan ko iyon. Isa lang pa lang invitation upang makasali sa club nila ng walang pagdadaanang elimination. Gano'n dito sa University, kapag gusto mong maging part ng isang club ay dapat mag-audition ka muna pero minsan ay namimigay sila ng invitation, tulad nitong hawak ko, upang makasali sa kanila agad-agad.

Pero nagtataka ako kung bakit ang napili niya at kung papaano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi naman ako kilala rito sa University lalo na noon na wala halos pumapansin sa akin, hanggang ngayon naman. Tanging si Mina lang ang naging una kong kaibigan.

"Hindi ko pa alam. Saka papaano nila nalaman na marunong akong magluto? I mean, bakit ako?" naguguluhan kong sagot kay Mina.

Nagkibit-balikat siya at kumuha ng fries. Kinain niya iyon at tumingin sa akin. "Maybe because you're cute? Or maybe because of they saw you with Hugo?"

"Huh? H-Hindi kita maintindihan." Kumunot ang noo ko. Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin.

"Kilala si Hugo rito sa University, naaalala mo ang mga studyanteng pumunta sa classroom?" Tumango ako. "That's it, baka dahil sa kanila ay marami ang nakakakilala sa 'yo at may nakakuha ng atensiyon mo."

Kahit hindi ko pa rin naiintindihan ang ibig niyang sabihin ay tumango ako ngunit nakakunot pa rin ang noo. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain dahil malapit na rin matapos ang lunch break namin.

-

Inilagay ko na ang gamit ko sa bag ko, nang matapos ang aming klase kinahapunan. Nang makalabas kami ng classroom ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa at agad na binasa ang message na natanggap.

"WE'RE GOING HOME!"

Napalunok ako sa nanunuyo kong lalamunan. Bigla akong kinabahan dahil sa paraan ng pagkaka-text sa akin ni Hugo. Bakit kailangan pang naka-capslock?

"Teh, kanina raw may muntik nang masuntok si Hugo!"

"Hah?! Bakit daw?" Napatingin ako sa dalawang babae na nag-uusap sa hallway. Tumigil ako saglit upang pakinggang sila. Napatigil din si Mina na nagtataka.

"Ewan ko. Parang bad trip ang kanyang itsura, teh. Nakakatakot siya pero ang sarap-sarap pa rin niya!"

"Legit!"

"Hayst! Sana ako na lang girlfriend niya!"

"Oh, teka! Huwag kang nang-aagaw. Akin iyon, eh!"

Lumayo na ang mga ito habang nag-aaway kung sino sa kanila ang girlfriend o asawa ni Hugo. Gusto ko sanang makisali ngunit baka magtaka pa ang mga ito kaya nanatili akong tahimik, habang iniisip ang naging usapan nila.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now