Chapter 15

7.3K 356 29
                                    

Aki's Point Of View


"Ikaw ba si Aki?" Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tanong na agad ng isa sa kanila.

Marami silang nandito at hindi ko alam kung bakit nila ako hinahanap. Ang alam ko lang naman noon ay wala silang pakialam sa existence ko na kahit maghubad pa 'ko sa harap nila'y hinding-hindi nila ako papansin. Pero bakit ngayon na halos lahat ng mga mata nila'y sa akin nakatuon?

"Bakit ano'ng kailangan niyo sa kanya?" Napatingin ako rito. It was Mina na nakatayo na sa tabi ko at bigla akong inakbayan. Tinaasan pa niya ng kilay ang mga ito.

"We just wanted to talk to him. May nakakita kasi sa kaniya na kasama ang mahal naming si Hugo," sagot ng isa. Kaya nasagot na ang katanungan sa isipan ko.

"Ah-eh." Natigilan ako dahil hindi ko alam ang idadahilan ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin na may usapan kami ni Hugo. At saka, bilin nito sa akin na huwag na huwag ipagsasabi na magkaigan kaming dalawa kahit na sa tingin ko'y wala namang masama.

"A-Ano... Kasi–" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Mina.

"Kung wala naman kayong ibedensiya na magkasama sila. You shouldn't accuse someone. Besides, wala naman kayong pakialam kung kasama niya ito. Kung gusto niyo, gumawa kayo ng sarili niyong moves para mapalapit kay Hugo!"

Hinawakan niya ang braso ko at hinila na ako papasok sa aming classroom. Hinawi niya ang mga nakaharang doon at nakapasok naman kami kaagad. Narinig ko pang sinasabihan nila ang nakakita raw sa amin ni Hugo na magkasama, kung bakit hindi raw nito kami kinuhaanan ng litrato.

"Papaano ko makukuhanan sila ng pictures kung keypad lang na cellphone gamit ko at malabo pa sq chances nating mapalapit kay Hugo," ang narinig kong sabi nito bago sila umalis doon na bagsak ang mga balikat. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil nawala na silang lahat.

Mabuti na lang dahil ang mga nagkakagusto kay Hugo ay hindi katulad ng iba na bully. Saka bawal iyon dito sa school dahil kung sino mang nahuli ay tatanggalin dito.

"Totoo ba 'yong sinasabi nila?" Tumingin ako kay Mina. Nakaupo na kaming pareho sa mga puwesto namin. Wala pa naman ang professor kaya may oras pa kami para mag-usap.

"Alin ba roon?" tanong ko. Hindi ko kasi alam ang tinutukoy nito dahil maraming sinabi ang mga taong iyon kanina.

"The thing that you and Hugo are seeing each other?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Sobra ka naman sa seeing each other. Parang hindi mo alam na tinutulungan ko ito sa isang project niya. Nakalimot ka na ba, 'teh?" Nagkamot lang siya sa kanyang ulo at hindi na ako nito sinagot pa dahil agad na dumating ang aming teacher.

-

"WHAT?!" gulat na reaksiyon ni Mina. Matapos ko kasing sabihin sa kanya na sa condo ako ni Hugo tutuloy para mabilis naming matapos ang project, na puro kasinungalingan lang naman lahat.

"Oo nga! Pero pansamantala lang naman 'to," sagot ko. Tumingin ako sa malawak na field at pinagmasdan ang mga studyanteng may P.E ngayon.

Dito kami pumunta matapos ang pangalawang klase namin at break namin ngayon. Isang klase na lang at uwian na.

"And that's your chance!" bigla nitong sabi.

Napatingin ako na nakakunot ang noo. "Ano'ng chance pinagsasabi mo?" tanong ko.

"Duh?!" Tinaasan niya ako ng kilay. "Nagmamaangan-maangan ka pa riyan. You know what I mean, Aki."

Bumuntong-hininga ako at umiwas na lang ng tingin. Kahit hindi ko pala sabihin iyon sa kanya ay alam na nitong gusto kong mapalapit sa pinsan niya.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now