Chapter 7

8.3K 435 32
                                    

Aki's Point Of View

Gusto ko sanang sabihin lahat sa kanila na kakatapos ko lang kumain ngunit walang kahit na anong salita ang lumalabas sa bibig ko. Tila ba nalunok ko ang dila ko at tinakasan na ako ng aking boses. Bakit ba kasi nandirito itong si Hugo? At ang mas nakakagulat pa roon ay magpinsan pala sila ni Mina, bakit hindi ko alam?

Ang gulo ko na! Papaano ko malalaman? Lately lang kami naging magkaibigan ni Mina at ang background nito'y hindi ko alam. Kaya talagang nakakagulat na 'yung taong hinahangaan mo'y pinsan pala ng kaibigan mo.

"Let's eat?" sabi ng Dad ni Mina. Kaya nagsimula na silang kumuha ng kanilang pagkain. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil naalis na ang tingin sa akin ni Hugo. Itinuon na nito ang pansin sa pagkain.

"Iho, bakit hindi ka pa kumukuha ng pagkain?" Napansin siguro nitong hindi ako gumagalaw kaya nagtanong ang Mom ni Mina na katabi ni Hugo. Kaharap ko si Hugo kaya naiilang ako rito sa kinauupuan ko.

"Kakatapos-" Sasagot na sana ako ngunit bigla na lang nagsalita si Hugo na ikinagulat ko.

"Baka ho iba ang gusto niyang kainin, Tita," sabi nito. Napatingin ako sa kanya pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Ang init-init naman kasi ng ulo nito sa akin, kahit na wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Hindi ko rin maintindihan kung anong ibig sabihin ng kanyang sinabi dahil wala naman akong gustong kainin, kakatapos ko nga lang kumain sa bahay.

"What do you want? We can ask Yaya to cook for you," sabi ng Mom ni Mina. Tumingin naman ako rito at ngumiti.

"Sa katunayan po niyan, kakatapos ko lang kumain sa bahay. Kaya wala po akong gustong kainin." Tumingin ako kay Mina na kanina pa pala niya sinisimulan ang kanyang pagkain. Hindi man lang ito nagsalita.

"Oh, I'm sorry," hingi nito ng paumanhin.

"Ayos lang po 'yun at kung ipagpaumanhin ninyo, sa sala na lang po ako maghihintay?" Tumingin ako sa dalawang nakakatanda at nang makita kong tumango lang sila ay tumayo na ako sa kinauupuan ko. "Mina, sa sala na lang kita hihintayin," sabi ko rito at tinignan lang ako at tumango. May lamang pagkain ang kanyang bibig kaya hindi ito nakapagsalita agad.

Mabilis akong kumilos at naglakad na papaalis doon. Hindi na ako lumingon kay Hugo na sinundan ako ng tingin. Lumabas ako ng kanilang dining area at mabuti na lang dahil natatandaan ko pa rin iyong dinaanan namin ni Mina. Walanghiya-hiya akong umupo sa kulay gintong sofa rito sa kanilang malawak na sala.

Pansin ko lang halos lahat ng muwebles dito ay halos gintoang kulay. Totoo kayang ginto ang mga ito? Samantalang, sa labas ng kanilang bahay ay purong puti ang pintura nito. Pero hindi na 'yun mahalaga pa, ito ang gusto nilang disenyo kaya wala tayong magagawa roon. Pinagmasdan ko na lang ang ibang gamit na nandito sa sala. Mayroon silang malaking piano rito na kulay puti at may konteng ginto ang pintura niya.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko para mayroon akong pagkaabalahan habang hinihintay si Mina na matapos kumain. Naglaro ako ng mga ini-download kong games dito at nang magsawa ako'y ibinalik ko na 'yun sa aking bulsa.

"Well, what a small world, Nuisance." Biglang tumabol ang puso ko pagkarinig ko sa malalim nitong boses na nagmumula sa likod. Ayokong tumingin dahil ayaw kong makita ang itsura niya.

Umayos ako ng upo ng mapansin kong naglakad ito papunta sa harap ko at umupo siya sa single sofa. Nakangisi itong nakatingin sa akin na sa tingin ko'y tuwang-tuwa siyang nakikita akong natatakot sa kanya. Kaya para ipakitang wala naman akong ginagawang masama sa kanya ay tumingin ako rito at sinalubong ang kanyang tingin. Kumislot ang aking puso nang magkatitigan kaming dalawa at tila ba huminto ang oras ngunit agad din namang nawala nang siya na ang umiwas ng tingin.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now