Chapter 9

8K 386 34
                                    

Aki’s Point Of View


Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Wala s’yang ibang ginawa kundi ang nakaupo lang at nakasandig sa semento. Nakapikit ang dawala niyang mga mata. Matapos kong gamutin at lagyan ang band aid ang konteng sugat nito sa pisngi ay hindi na ako nito kinibo. Actually, hindi naman niya ako kinausap pagkatapos kong sabihin na nandito ako bilang kaibigan niya.

“H-Hugo—”

“Don’t call me, we’re not close.” Natahimik tuloy ako dahil sa sinabi niyang ‘yun. Siya na nga ang ginamot, siya pa ang masungit. Totoo namang hindi kami close pero magkaibigan na kaming dalawa.

“Pero magkaibigan na tayo, ‘di ba?” Bumaling siya ng tingin sa akin at naramdaman kong nag-init ang magkabila kong pisngi. Kahit na may sugat at band aid ang mukha niya’y hindi pa rin nababawasan ang kaguwapuhan nito.

“I just said that to you, for you to keep my secret,” malamig nitong sagot at tumingin muli sa harapan niya. Bumuntong-hininga ako. May konteng kirot akong naramdaman sa dibdib ko pero ipinagsawalang-bahala ko na lamang ‘yun, nandito ako para damayan siya at alalim ang rason kung bakit siya nagkakaganito.

“S-sorry, g-gusto ko lang talaga na maging kaibigan kita,” mahina kong sabi na sapat lang para marinig niya. Umayos ako ng upo at nag-indian sit ako. “Simula kasi pagkabata ay wala akong naging kaibigan, naisip ko na kaya siguro gano’n ay dahil ganito ako, isang bakla. Kaya noong nakita kita noon sa lilim ng puno na walang kasama, first year college ako nun. Naramdaman kong hindi ako nag-iisa dahil mayroon ikaw na katulad ko. Walang kasa-kasama sa t’wing kakain sa canteen o ‘di kaya’y uuwi sa bahay pero may pagkakaiba rin naman tayo kasi ikaw ay hinahangaan ng marami habang ako’y tila isang hangin lang sa kanila.” Alam kong naririnig ako nito kaya nagpatuloy ako. Hindi rin kasi niya ako pinipigilan. Saka gusto ko rin ipaalam sa kanya kung papaano ko siya nakilala kahit na hindi niya ako kilala.

Tumingin ako sa langit. May kokonteng ulap kaya hindi masyadong mainit ngayon at hindi rin nagbabadya ang pag-ulan. “Simula noon, lagi na kitang nakikitang mag-isa. Palagi kitang sinusundan ng tingin. Simula rin noon, ginusto ko ng makilala kita kaya sa t’wing nakakarinig ako ng tungkol sa’yo ay itinatatak ko ‘yun sa isipan ko. Kaya nang makahanap ako ng paraan, sobrang saya ko dahil sa wakas ay magiging kaibigan kita.” Ngumiti ako at tumingin dito at nagulat ako dahil nakatingin din ito sa akin.

“Why are you telling these things to me? I am not like you, you’re a nuisance,” sabi niya pero hindi naman mababakas sa tono ng boses nito ang irita. Mas lalo kong pinalaki ang pagkakangiti ko pero bigla itong umiwas ng tingin.

“Share ko lang kasi akala ko makaka-relate ka.” Tumawa ako pero itinigil ko rin agad dahil hindi siya nakisali sa akin. “Auhmm, p-puwede ko bang malaman kung bakit ka nasangkot sa gulo?” tanong ko dahil naging tahimik na ito.

“Hindi ka naman tsismoso sa lagay na ‘yan?” Tumingin ito sa akin at agad din umiwas ng tingin. Tumayo ito at naglakad papalayo.

Mabilis akong tumayo at kinuha ang bag ko’t isinukbit iyon sa balikat ko at sinundan siya. “Bakit hindi mo na lang kasi sagutin ang tanong ko, hindi ko naman ipagsasabi ang rason mo, eh,” sagot ko rito. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa pinto pababa ng rooftop at tumigil siya rito.

“Tsismo ka naman ‘di ba? Alamin mo sa paraang alam mo,” sabi nito sa akin nang humarap siya at agad din akong tinalikuran.

“Gusto mo bang sabihin ko sa kanila na may anak ka na? Sigurado akong maiintriga sila sa ‘yo.” Ngumisi ako. Mabilis siyang humarap sa akin at sinamaan ako ng tingin. “Sasabihin mo ba o hindi?” Nag-crossed arm ako sa harap niya habang tinitingala siya dahil matangkad siyang tao.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя