Chapter 34

5.7K 288 24
                                    


Aki's Point Of View

Nakapangalumbaba akong nakatingin sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan sa labas. Hindi malakas ngunit sapat lang ang buhos ng ulan para Mabasa ka. Pero hindi mahalaga 'yun, gusto kong suungin ang ulan para pumunta sa condo ni Hugo.

Dalawang araw na magmula nang magkita kaming dalawa, iyong nangyari sa aming dalawa sa condo niya. At, sa loob ng dalawang araw na 'yun ay hindi na nasundan pa maging ang pag-text at tawag ay hindi na rin niya nagawa pa.

Hindi ko alam kung bakit o ano ang dahilan ni Hugo dahil ayon sa kaniya ay uuwi siya sa kanilang bahay. May emergency raw sa kanila at dalawang araw na ang lumipas ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpaparamdaman, nagte-text at minsan tumatawag ako ngunit walang sumasagot.

Matapos ang nangyari sa amin, nagising na lang ako na alas-otso na ng gabi, nakahiga sa kama nito dito sa loob ng kanyang kuwarto ngunit wala siya sa tabi ko. Lumabas ako sa kuwarto niya suot-suot ang Malaki nitong damit na kulay puti, nagiging daster na sa akin ngunit wala akong pakialam dahil nakita na niya ang kabuuan ko. Naramdaman din na wala akong suot na kahit anong underwear.

Nakita ko ito sa sala habang nakatayo na may kausap sa kaniyang cellphone. Tumayo ako malapit sa kaniya. Hindi naman niya ako napansin dahil nakatalikod ito sa akin at iisa lang din ang naitindihan ko sa sinabi niya.

"Yes, Dad. I'll go home." At ibinaba na nito ang tawag. Ang tatay pala niya ang kausap.

Humarap ito sa akin at medyo nagulat siya ng makita ako ngunit agad ding umayos ng tayo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko na may tinatago siya sa akin. Gusto ko mang tanungin ngunit nirerespeto ko at hinihintay ko na lang na siya ang magsabi.

"Sino 'yun?" tanong ko, kahit na narinig na ng magkabila kong tainga ang pagtawag nito sa ama.

"My dad," aniya. Lumapit siya sa akin at hinapit ako sa baywang kaya tinitingala ko lang siya.

Inilapit ang mukha sa akin at saka ako hinalikan. Napapikit ako, dinama ang mainit na halik na 'yun na naging dahilan nang paglaho ng pangambang nararamdaman ko.

"Bakit daw?" tanong ko matapos nitong lumayo at lumipat sa sofa upang doon maupo.

Nanatili akong nakatayo kung saan ako nakapuwesto kanina habang nakatingin kay Hugo, pinagmamasdan ko ang ekspresiyon nito sa kaniyang mukha. Nagtataka ako dahil tila ba may gusto siyang sabihin ngunit parang may pumipigil sa kaniyang gawin ito.

"There's an emergency I house so I need to go there," sagot niya. Tumingin siya sa akin bago napahimalos ng mukha na mas lalong ikinakunot ng aking noo.

"Oh-eh, bakit nandito ka pa?" tanong ko. Hindi ko na lang pinansin ang naging expresiyon nito dahil malamang ay iniisip nito ang emergency raw sa bahay nila.

"But how about you?" Inangat niya ang tingin.

Naglakad ako papalapit sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi. Tumingin ako rito at gano'n din kaniyang ginawa. Ngumiti ako upang ipakita sa kaniya na magiging maayos din ang lahat.

Hindi ko man alam kung ano ang problema sa bahay nila at ayoko rin na itanong ito sa kaniya. Pero alam ko na ang lahat ng problemang ating kinakaharap ay may solusiyon, dahil hindi darating ang problema sa buhay mo kung 'di mo kayang lampasan. Everything will be alright, 'yan ang palaging sinasabi ng karamihan.

"Ayos lang naman ako. At saka, uuwi ka lang naman at aayusin mo lang ang problema 'di ba?" sagot kong patanong dahil hindi rin ako sigurado.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now