Chapter 12

7.6K 379 49
                                    

Aki's Point Of View




Pinilit kong matulog kagabi kahit na hirap na hirap akong dalawin ng antok. Kaya heto't kinabukasan ay para akong lantang gulay at hirap na idilat ang mga mata. Napapadalas ang puyat ko at hindi na maganda sa kalusugan ko 'to. Hindi ko naman 'to kasalanan, kasalanan ito ni Hugo.

"Bakit para kang zombie, Kuya?" Tumingin ako kay Amie at pareho sila ng kakambal na tumatawa.

Inirapan ko sila at tumingin kay Mama na nakaupo na sa kanyang puwesto. "May zombie bang bakla, 'Ma?" tanong ko. Ngumuso ako at tinusok ang hotdog sa aking plato.

"Ewan ko sa inyong tatlo! Bilisan niyo na riyan kumain dahil may klase pa kayo." Hindi na kami sumagot dahil itinuon na namin sarili sa pagkain.

Natapos kaming kumain at sabay-sabay na kaming umalis ng bahay. Si Mama ay sa trabaho ang punta at kaming tatlo ay sa kanya-kanyang sukwelahan kung saan kami nag-aaral. Sa isang private school nag-aaral ang kambal bilang isang grade 8 students at ako nama'y sa university rito sa aming lugar. Sapat ang kita ni Mama bilang assistant chef sa isang restaurant kaya nakukuha niya kaming pag-aralin sa magaganda paaralan.

Sakay ng tricycle ay mabilis akong nakarating sa university. Pagbayad ko'y agad na rin akong pumasok sa loob. Mabuti na lang dahil hindi masyadong maaga ang klase namin ngayon kaya ayos lang na hindi ako maagang pumunta ngayon. Habang nasa sementadong daan papunta sa aming building kung saan ang aming block section. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa, kaya dali-dali ko itong kinuha at hindi na tinignan kung sino ang tumatawag ay agad kong sinagot.

"Hell—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad itong nagsalita.

"Meet me at the rooftop of our department. I want to talk to you," sabi nito sa kabilang linya na walang dudang si Hugo ito. Kahit kamakailan lang kami nagkakilala ay kilalang-kilala ko na ang boses nito. Malalim at halatang strikto, lalaking-lalaki kung i-describe ng iba.

"Teka—" Hindi na naman ako nakatapos ng agad nitong ibaba ang tawag. Tinignan ko ang screen ng cellphone ko't kumunot ang noo. "Papaano niya nalaman ang number ko? At saka hindi naman niya sinabi kung ano'ng oras kami magkikita." Ibinalik ko na sa bulsa ko ang cellphone ko.

"At sino naman iyang kausap mo rito sa gitna ng daan?"

"Ay titi!" Napatalon ako't mabilis na lumingon dito dahil sa gulat. Bumungad sa akin ang nakangising si Mina habang naka-crossed arms. Kanina ba siya sa likod ko?

"I'm sorry, Aki but I don't have a dick, eh." Mas lalo siyang ngumisi. "Pero si Hugo mayroon, baka malaki iyon kanya."

Sinamaan ko siya nang tingin. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Mina? Mukha bang titi ang gusto ko?!" naiinis kong sabi. Tinalikuran ko siya at naglakad na. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin at ilang saglit lang ay nasa tabi ko na 'to kasabay na naglalakad.

"I am just kidding. Hindi ka naman kasi mabiro," sabi niya. "At saka kanina ay kinuha ni Hugo ang number mo sa akin, s'ya ba 'yung kausap mo kanina?"

Napatigil ako sa paglalakad at gano'n din naman siya. Hindi ko na pala kailangang tanungin si Hugo kung saan niya nakuha ang number ko dahil si Mina na ang sumagot. Tumingin ako rito na nakakunot ang noo.

"Bakit mo ibinigay ang number ko sa kanya?" tanong ko. At saka nakakapagtaka na naglakas loob siyang kunin ang number ko kay Mina. Hindi ba siya matatakot na baka kung ano'ng isipin ni Mina sa aming dalawa? Iba rin kasi ang tabas ng dila nitong babaeng 'to at iba rin tumakbo ang kanyang isip.

"Eh, bibilhan niya raw ako ng LV na bag kapag binigay ko. At saka wala namang masama dahil pabor nga sa 'yong may number ka na niya. Ayaw mo ba nun?" Hindi ako makapaniwala sa dahilan ng babaeng 'to.

"Hindi naman sa gano'n pero—" Bigla akong napatigil nang mag-vibrate ulit ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha at sinagot ang tawag. "Hell—"

"Where are you? I am waiting here. H'wag mong hintaying magalit pa ako." Pinatay agad nito ang tawag kaya ibinalik ko na 'yun sa bulsa ko. Tumingin ako kay Mina na nakataas lang ang kilay niya sa akin.

"Ano na? Hindi naman sa gano'n pero?" pag-uulit niya sa sinabi ko pero hindi ko na siya sinagot dahil biglang nag-appear sa isipan ko ang galit na itsura ni Hugo. Kaya mabilis akong tumakbo papalayo at nilingon lang siya nang nasa malayo na ako.

"MAMAYA NA LANG TAYO MAG-USAP, MAY GAGAWIN PA PALA AKO!" Kumaway ako kay Mina na masamang nakatingin sa akin pero hindi ko na 'yun pinansin pa. Dahil mabilis akong umalis doon at pinuntahan si Hugo.


-




Hinihingal akong nakarating sa rooftop. Pagdating ko roon ay mabilis ko namang nahanap si Hugo na nakatayo malapit sa railings ng rooftop. Nakatanaw siya baba kaya nakatalikod siya sa akin. Naglakad na ako papalapit sa kanya at habang napapalapit ako'y nagiging malinaw sa akin ang malapad niyang likod. Kahit nakatalikod lang siya ay ang guwapo pa rin niya.

"H-Hugo..." tawag ko rito kaya lumingon siya sa akin. Ang seryoso niyang mukha ang bumungad kaya kinabahan ako sa kung ano ba ang kanyang gustong pag-usapan.

"You're late!" Napalitan ng masama ang seryoso niyang tingin.

"H-Hindi mo naman kasi sinabi kung ano'ng oras moa ko gustong pumunta rito. Kaya hindi ko na kasalanan iyon!" Nilakasan ko ang loob ko't tinapatan ang masama niyang tingin pero umiwas lang ito sa akin. Bumungtong-hininga ako't nagsalita. "Ano ba kasi ang gusto mong sabihin?"

Tumingin siya sa akin. "You really wanted to be my friend, right?" tanong niya na agad ko namang tinanguan at nginitian. "Sige, pumapayag akong maging kaibigan mo basta sa isang kondisyon."

Kumunot ang noo ko. Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Bakit naman may kondisyon ka pa? Dapat nga'y wala na dahil itinatago ko ang sikreto mo," sabi ko. Tinaasan ko rin siya ng kilay pero seryosong mukha lang ang isinukli niya.

"That's what I want with you. I want you to hide my secret and h-help me t-to take care of my Son," sabi nito. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko makuha ang ibig nitong sabihin.

"Help? Hindi kita naiitindihan," sabi ko. Bakit kailangan niya ng tulong ko para alagaan ang anak niya? Mukha ba akong Yaya at 'di porket napagkamalan akong Yaya ng anak niya'y hihingi na siya ng tulong sa akin? Malakas din ang loob nitong si Hugo.

"I don't trust other people other than my Son's Yaya but because her Mom is sick, she needs to take care of her. And it's really hard for me to find another Yaya for Simon." Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.

"At ako ang gusto mong magbantay sa anak mo?" tanong ko. Naiintindihan ko na nang konte ang gusto nitong sabihin pero kailangan ko pa rin makasiguro.

"Yeah," walang pag-aalinlangan niyang sagot.

"A-alam mong pareho lang tayong studyante? At saka bakit hindi mo na lang sa mga magulang mo ipaalaga ang bata, pinapahirapan mo lang ang sarili mo." Sinamaan na naman niya ako nang tingin.

"Kung puwede lang, hindi ko kakailanganin ang tulong mo. I trust you because I thought you can help me but I'm wrong. Fine! If you don't want to accept my offer. Leave me alone and don't you ever show me your face!" Hindi ako nakasagot dahil mabilis niya akong tinalikuran at iniwan akong tulala sa kawalan.




*****

I may not be able to update this story daily because of my online classes. but don't worry po. I'll try my best to write and update here. Thank you for reading!

Don't forget to votes, share your thoughts about the story and follow me if you haven't follow me yet. I love you, all!

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now