Chapter 14

7.3K 357 82
                                    

Sorry late ang update. Medyo naging busy lang kaya heto na po. Enjoy reading... Don't forget to votes and comments.

-

Aki's Point Of View

"Kailangan ko ba talagang dito tumira?" tanong ko sa kanya matapos nitong ipaliwanag ang sitwasyon.

Hindi ko pa masyadong nakukuha dahil gulong-gulo ako sa lahat ng bagay. He never explained to me what's really the reason why he's hiding his son. Sinabi lang nito ang mga bagay tungkol sa pag-aalaga sa bata.

"Yes because sometimes I may not be here kaya walang kasama ang anak ko," sagot niya.

Pagkagaling namin sa eskwelahan ni Simon ay agad kaming dumiretso rito sa kanilang condo. Sinabi nito ang mga patakaran na mukhang siya lang ang nakakaintindi.

Sinabi niya na sa umaga ay nasa eskwelahan ang bata hanggang hapon ito roon. Kaya ang kailangan ko lang gawin ay bantayan ito sa gabi sa tuwing wala siya rito sa kanilang condo. Hindi na rin naman daw problema pa ang umaga dahil ang teacher sa school nito ang siyang nagbabantay, dahil hindi lang naman pala school ito kundi rito iniiwan ang mga batang walang nagbabantay at kukunin lang ng kanilang mga magulang.

Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit pa niya kailangan maghanap ng magbabantay sa anak kung puwede naman ang mga magulang na lang niya? Kung bakit pa kasi niya ito itinatago? At nasaan ang ina ng bata?

"Pero may sarili naman kaming bahay saka hindi ako katulong, studyante lang naman ako," sagot ko sa kanya. Inilibot ko pa ang tingin dito sa kanyang condo at muli kong pinagmasdan ang malawak na espasyo ngunit wala halos gamit.

"Tinatanggap mo ba o nandito ka lang para sabihin sa akin iyan?" Napatingin ako rito ngunit mabilis din akong umiwas ng tingin dahil naramdaman kong namula ang magkabila kong pisngi.

"T-Tinatanggap ko pero—"

"Tinatanggap mo pala! Ang dami mo pang sinasabi," pagpipigil nito sa sasabihin ko. Wala akong nagawa kundi ang bumuntong-hininga.

Desisyon ko ito kaya dapat kong panindigan. I also promised to myself na makikipaglapit ako sa kanya at makikipagkaibigan. Kaya sa kahit na ano'ng paraan ay tutulungan ko siya.

"Iyon lang ba ang sasabihin mo dahil uuwi na ako at magpapaalam pa ako kay Mama," sabi ko rito. Natahimik kasi kami nang ilang sandali at nang makita ko ang oras ay malapit na pa lang mag-alas sais ng gabi.

"I'm sorry I forgot to tell you that you should never fall in love with me. Remember that you only wanted to be my friend and I allow you with that, but be my lover, I'm sorry but I'm straight."

-

Nakauwi na ako sa bahay. Nakahiga na ako sa aking kama. Kakatapos lang maligo at kumain. Nasabi ko na rin kay Mama na roon muna ako  kay Hugo at idinahilan ko lang na kailangan niya ng tulong ko.

Mabuti na lang at pumayag ito dahil kung hindi? Hindi ko rin alam ang gagawin ko. Bahala na ang mga bathala ng mga bakla sa kalangitan na tulungan ako.

Alas-dyes na ng gabi at hindi pa rin ako makatulog. Tila isang sirang plaka ang huli nitong sinabi sa akin na paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan. Malinaw na malinaw naman ang intensiyon kong maging magkaibigan kami at hindi ako umaasa na hihigit pa roon ang pagtingin niya. Pero 'di lang maiwasan ng puso ko ang masaktan. Aminin ko man o hindi, may maliit na parte rito na umaasang may hihigit pa roon kapag naging magkaibigan kaming dalawa.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن