Chapter 30

6.2K 284 14
                                    

Aki's Point Of View

Malawak ang ngiti ko nang pumasok ako sa loob ng aming classroom. Inilibot ang paningin at natagpuan ko si Mina na nakatingin sa akin habang nakakunot ang kanyang noo.

"You're weird," aniya nang makalapit ako sa puwesto nito.

Umupo ako sa upuan ko. Inilabas ang mga gamit para sa subject na 'to saka ako humarap sa kaniya.

"Hehe." Mas lalo kong pinalawak ang pagkakangiti ko. "Ang ganda mo pala," sabi ko.

Tumingin ako sa mga kaklase ko at abala sila sa kani-kaniyang mga ginagawa. Maaga pa naman ngunit marami na ang nandirito dahil siguro mas pinili nilang mag-study rito, may quiz daw kasi kami mamaya.

"You're scaring me, Aki. What's with you?!" Tinaasan niya ako ng kilay nang mapalingon akong muli sa kaniya.

"Anong nakakatakot? Masaya lang ako, sobrang saya ko. Masama ba iyon?" Inirapan ko siya.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinignan kung mayroon ba akong natanggap na message. Saktong pagbukas ko ng cellphone ko ay nag-appear sa screen nito ang pangalan niya.

Hugo's calling...

Sumulyap ako kay Mina na nakatingin pala sa akin at nang makita niya ang nasa screen ng cell phone ko ay ngumisi ito.

"Well, now I know. Corny niyo!" Inirapan niya ako at kinuha ang libro nitong mukhang kanina pa niya binabasa nang hindi pa ako dumarating.

"Inggit ka lang," sabi ko.

Ibinalik ko na ang pansin sa cellphone at bago pa man iyon mamatay ay sinagot ko na ang tawag at inilapit iyon sa aking tainga.

"Hello," sagot ko.

Namula pa ang magkabila kong pisngi ng maalala ko na naman ang nangyari sa amin sa sementeryo.

Iyong araw na pagsagot ko sa kaniya at official ng may relasyon kaming dalawa. Tatlong araw pa lang ang lumilipas at paulit-ulit iyon bumabalik sa isipan ko na siyang pagiging dahilan ng pamumula nitong aking pisngi.

Hindi lang ako makapaniwalang 'yung taong hinahangaan ko ng palihim ay siya rin pa lang mag pagtingin din sa akin.

"Where are you? I'm off to school now. Kakahatid ko lang kay Simon sa school nito," anito sa kabilang linya.

Isa pang dahilan kung bakit hindi ko maiwasang hindi kiligin ay ang pagiging caring nito sa akin.

Hindi na siya iyong Hugo na malamig kung tumingin, strikto ang awra at masama ang mga titig sa mga taong nakakasalamuha niya. Ibang Hugo na ang kilala ko ngayon, ang boyfriend ko.

Minsan may mga times na gano'n ang pakikitungo niya pero hindi mawawala ang pagiging sweet nito sa akin. Palagi kaming magka-video call at pinipilit niya akong bumalik na sa condo nito pero ayoko, dahil alam kong mahihirapan akong tumanggi sa kaniya kapag nasa condo niya kaming dalawa.

"Nasa classroom na. Mag-iingat ka sa daan," sabi ko. Sumulyap ako kay Mina na abala sa pagbabasa ngunit alam kong nakikinig pa rin ito sa sinasabi ko at mamaya ay uusisain na niya ako.

"We'll eat lunch together. I know some place."

"Sige."

"I love you and I miss you. Sana magkasama tayo palagi."

"Ano ka ba! Hindi naman tayo LDR. Hindi lang tayo puwedeng magsama muna palagi," sabi ko at pinahinaan ko ang boses upang hindi marinig iyon ng iba. Sapat lang iyon para kay Hugo na maintindihan niya.

"Yeah. Someday, Aki. Someday, people will understand."

Napag-usapan na namin ang tungkol dito. Alam naming pareho na kahit paunti-unti ng natatanggap ang mga katulad ko, mga katulad naming nagmamahal sa kapwa, marami pa rin ang takot na mag-come out. Dahil na rin sa mapanghusgang mga tao, iyong mga sarado ang isipan at hindi kami lubos na nauunawaan.

Kaya kahit na gusto ni Hugo ang sabihin sa iba o ipaalam sa kanila ang relasyon namin. Mas minabuti kong itago na muna, ang mga nalalapit lang na tao ang siyang dapat na makaalam tulad ni Mina.

Kilala si Hugo sa University, maging sa labas ay may mga humahanga sa kaniya. Hindi ko puwedeng bahiran iyong imahe niya sa marami. Kahit na sa una pa lang ay ayaw na niya ng atensiyong ibinibigay ng iba, wala akong karapatan na bahiran iyon at magbago ang lahat.

Katulad ko, marami rin ang humahanga kay Hugo. Marami ang gustong mapalapit sa kaniya na gagawin ang lahat-lahat, mapansin lang sila ni Hugo. At kung malalaman nila iyon, hindi ko alam kung anong reaksiyon ang ipapakita nila.

Siguro ay may makakatanggap ngunit karamihan sa kanila ay mandidiri at baka ang iba ay magalit sa akin.

Kaya hangga't maaari, mananatiling sikreto na muna kung ano ang mayroon sa aming dalawa. Ang mahalaga lang naman dito ay alam naming mahal namin ang isa't isa at may tiwalang hindi kami naglololoko.

Tinapos na namin ang tawag dahil pumasok na ang professor. Kahit na hindi pa rin nilulubayan ni Hugo ang isipan ko ay pinilit kong ituon ang pansin sa professor na nagkukuwento na ng kanyang buhay.

-

"Where do you want to go on vacation?"

Uminom muna ako ng tubig dahil kumakain ako ng magsalita ito. Nilunok ko na muna ang laman ng bibig at kumuha ng tissue para punasan ang bibig ko.

"Hindi ko alam. Usually kasi dati, sa bahay lang kami nagpapasko nina Mama," sagot ko kay Hugo.

Nasa isang restaurant kami. Malapit lang naman ito sa school pero wala masyadong kumakain ditong studyante sa school dahil hindi siya gano'ng kasikat. Masasarap naman ang pagkain dito at dito rin namin napili para walang makakita sa amin na magkasama.

Kasama sana namin si Min ngunit sabi niya'y may pupuntahan pa siya. Hindi ko na lang tinanong kung saan dahil nagmamadali itong umalis kanina kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya.

"How about you come with us." Nagulat ako sa sinabi niya. Medyo iba rin ang pagkakaintindi ko.

"Saan naman?" Nakakunot-noong tanong.

Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang mamasa-masa nitong labi, nakakaakit. Sandali! Ano ba itong pinagsasabi ko sa isipan ko?

"In our province, we'll going to meet my grandma. She's staying at our province taking care of our farms and other businesses."

Napalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang isasama ako nito sa probinsiya niya at mas lalong nakakagulat na makikilala ko ang lola nito roon? Mabait kaya siya?

"Ipapakilala mo ba akong ano mo..." Tinaasan niya ako ng kilay. "Na boyfriend mo," pagpapatuloy ko.

Ngumiti siya at umabot iyon sa kaniyang mga mata. "You'll know," aniya.

Napanguso na lang ako dahil sa sagot niya. Bakit hindi na lang niya ako sagutin ng diretso at binibigyan pa niya ako ng iisipin. Kinakabahan tuloy ako kung ano bang klaseng tao ang lola nito, kung sasabihin ba ni Hugo ang relasyon namin sa kaniya at matatanggap niya kaya ito?

Hindi na lang ako nagtanong pa dahil tinapos ko na ang pagkain. Malapit na rin matapos ang oras ng lunch break at kailangan pa naming bumalik sa University para pumasok.

-

Pagdating sa University ay maingat kami ni Hugo. Ako ang may gusto nito, ang malayo pa lang sa University ay bababa na ako sa kaniyang kotse para maglakad papasok dahil kung sa park pa kami maghihiwalay ay maraming mga matang nakatingin sa amin, lalo na sa kaniya.

Siya ang center of attraction, kaya kung may makakakita sa kaniyang may kasamang iba ay pag-uusapan nila at kakalat na iyon.

Tuluyan na akong pumasok sa University. Naglakad na ako papunta sa aking classroom ngunit natigilan ako ng may humarang sa akin.

Inangat ko ang tingin ko dahil nakatungo ako minsan kung naglalakad. Napalayo ako ng konte dahil sa gulat.

"Hi." Nakangiti niyang sabi.

Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko'y may mga matang matalim na nakatingin sa puwesto namin. Mabilis ang tibok ng puso ko.

"C-Cain?"

*****

Sorry na agad sa late updates. Busy lang talaga at may naging problem pa. Thank you for reading! Thank you 10k reads.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now