7

615 28 80
                                    

I hate that I had to do my club duties with a chaperone tailing me from wherever I go. Nakakainis na hindi ko magawa ng maayos dahil masyado akong distracted sa presence niya, idagdag pa na pakiramdam ko nagkaroon pa ako ng responsibilidad sa kanya.

"Tapos na ako sa shots ko. Okay na siguro 'to."
Eliza is still busy with her duties when we approached her. Saglit na tumigil para lingunin ako at ang kasama ko.

"Okay na 'yan. Half day ka lang naman diba?" Tanong niya.

Tumango ako at nilingon si Caly. Saglit na nagtama ang tingin namin bago ko ibalik ang tingin kay Eliza para magpaalam.

"Una na kami.."

"Ingat kayo!" She giggled while looking at him.
Napatingin din tuloy ako at nakita ko ang pag kurba ng labi niya dahil sa pagngiti.

I sighed and began to walk towards the gymnasium. Tapos na ang field demo kaya hindi ko na alam kung nasaan si Max. Ayaw ko namang utusan si Caly na itext ang pinsan niya dahil positive thinker ako na makikita namin si Max kaso kahit ilang lingon ko sa paligid, wala naman akong makitang nakasuot ng outfit nila kanina.

"They're on the canteen.."

"Huh?" Sumulyap ako kay Caly nang magsalita siya sa likuran ko.

"Sina Max, nasa canteen. Doon na tayo pumunta." Aniya saka nauna sa paglalakad.

He probably saw me searching for someone on the crowd kaya nagsalita na siya at sinabi kung saan mahahanap ang pinsan niya.

I tailed him until we reached the wide canteen packed with students. Halo halo at mula sa iba't ibang schools ang nandito kaya hindi kaagad namin nakita sina Max. Mabuti nalang at nakasalubong namin ang girlfriend ni Caly kaya sinamahan kami papunta doon.

"Akala ko hindi ka magtatagal dito dahil pupunta ka pa sa Clark?" His girlfriend asked while we're walking.

"Change of plans.." kaswal na sagot ni Caly.

Nakarating kami sa table kung nasaan sina Max. He immediately approached me and guided me towards the vacant seat. Tinanong na rin niya ako ng gusto kong kainin para ipasabay na sa kanya.

I feel a bit intimidated with them since they are years older than me. Good thing, ilan dito ay nakausap ko kanina sa backstage kaya nakakwentuhan ko rin.

They began asking me about Hawthorne and all the good stuffs studying in a prestigious university like ours.

"Lilipat nga ako sa Hawthorne sa college.." Max opened up to his friends.

"Sus, may pinopormahan ka lang doon kaya ka lilipat, e!" the guy named Pat jokingly punched his arm.

Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Max noong oras na 'yon. Thoughts of him having a girlfriend escalated on my mind like a wildfire. Halos hindi ko na nasundan ang usapan nila masyado dahil inasar na si Max tungkol doon.

"Hindi ko pa naman pinopormahan. Hindi nga ako kilala. Saka ano ba, bata pa natin. Magbabago pa siguro 'yon.." Ani Max.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin plate ko. Pinaglaruan ko ang tira tirang pasta doon habang tahimik silang pinapakinggan.

They continued talking and talking and still ending up interrogating Max with this girl whom I assumed was the one he's always searching whenever he's visiting.

Palagi kong napapansin na ang babaeng 'yun ang dinadayo ni Max sa school namin. I don't know her yet since I don't want to ask for her name because I would look creepy, saka isa pa, mukhang suplada 'yung babae at mahirap pakisamahan.

dusk beneath the city lights | Buenvenidez Series #4 [COMPLETED]Where stories live. Discover now